Thursday , May 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Jun David (page 2)

Author Archives: Jun David

Feed Subscription

Manonood napa-wow sa drone show sa 114th Navotas day

NAPA-WOW ang halos 14,000 manonood sa drone exhibition na itinanghal kaugnay ng pagdiriwang ng ika-114 anibersaryo ng pagka­katatag ng Navotas. Ang exhibition, na isinagawa sa Navotas Centennial Park, ay ginamitan ng 180 drone na bumuo ng iba-ibang larawan tulad ng mapa ng Navotas, isda, barko at mga gusali na nagsisim­bolo ng maunlad na industriya ng pangingisda sa lungsod. “Bawat taon, ... Read More »

Mayor Tiangco sa taxpayers: magbayad nang maaga

HINIKAYAT ni Mayor Toby Tiangco ang mga may-ari ng negosyo sa Navotas na maagang magbayad ng buwis. Mula 2-20 Enero 2020, bukas ang Business One-Stop Shop sa Navotas City Hall ground floor para magproseso ng mga aplikasyon ng business permits and licenses, bago man o renewal, mula Lunes hanggang Biyernes, 8 am – 8 pm, at Sabado, 8 am – ... Read More »

Ika-5 SGLG award tinanggap ng Caloocan City

IPINAGMAMALAKING tinanggap ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang ika-limang Seal of Good Local Governance (SGLG) Award. Ito ay matapos kilalanin ng Department of the Interior and Local Govern­ment (DILG) sa panglimang sunod-sunod na taon (2015-2019) ang lungsod ng Caloocan sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Oca bilang SGLG Awardee. Kasamang tumanggap ni Mayor Oca ng prestihiyosong pagkilala sina Rep. Along ... Read More »

Preparasyon sa Undas pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco

PINANGUNAHAN ni Mayor Toby Tiangco noong Lunes ang inspek­siyon sa NavoHimlayan public cemetery upang masigurong magiging ligtas at maayos ang pagdaraos ng Undas sa lungsod. “Tuwing Undas, umaa­bot sa 10,000 ang duma­dalaw sa NavoHimlayan, at sa mga katabi nitong priba­dong sementeryo. Nais nating masiguro na magi­ging maayos ang lahat sa araw ng ating pag-aalala, walang sakuna, at ligtas ang lahat ... Read More »

Navotas hospital kinilalang ‘strong-partner in health service delivery’

Binigyan ng pagkilala ang pamahalaang lung­sod ng Navotas sa mahu­say nitong serbisyong pangkalusugan. Nakatanggap ang Navotas City Hospital (NCH) ng pagkilala mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pagiging “Strong Partner in Health Service Delivery.” Tinanggap ni NCH director Dr. Christia Padolina, kasama sina Dr. Spica Mendoza-Acoba at Dr. Liberty Domingo, ang nasabing award sa LGU Exe­cutive Forum and ... Read More »

Sa unang 100 araw ni Mayor Tiangco… 7K nabigyan ng trabaho, tulong pangkabuhayan

ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Toby Tiangco, ay nakapagbigay ng trabaho at iba’t ibang tulong pangkabuhayan sa higit 7,000 Navoteño. Mula Hulyo hanggang Set­yem­bre 2019, 4,379 residente ang nagkaroon ng hanapbuhay mula sa pamahalaang lungsod. Kabilang ang 3,000 bene­pisaryo ng cash for work; 1,237 Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), 40 govern­ment interns, at ... Read More »

Pabrika ng mantika ipina-inspeksiyon ni Malapitan

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

NAG-INSPEKSIYON ang pamahalaang lung­sod ng Caloocan sa Trans-Asia Philippines Manufacturing Industries Corporation dahil sa pagkakaospital ng ilang mga empleyado nito matapos makalanghap ng kemikal. Kaagad ipinag-utos ni Mayor Oca Malapitan ang pagsasagawa ng personal na inspeksiyon sa kompanya para sa kaligtasan ng mga residente at kawani nito. Ayon kay Dr. James Lao, City Disaster Risk Reduction and Manage­ment Office head, ... Read More »

23 katao nadakip ng Navotas police sa ilegal na droga

PINURI ni Mayor Toby Tiangco ang Navotas City Police Station matapos maaresto ang 23 indibi­duwal na nahulihan ng ilegal na droga. Nakakompiska ng 31 plastic sachet ng shabu at P500 marked money ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isinagawang dalawang buy bust at apat na magkakaibang surveillance operation. “Masuwerte ang Navotas sa pagkakaroon ng masisipag na ... Read More »

Bangkulasi river sinimulang linisin

SINIMULAN ng pama­halaang lungsod ng Na­vo­tas, kasama ang mga kinatawan ng Depart­ment of Environment and Natural Resources at iba pang ahensiya ng pama­halaan sa pangunguna ni Asec. Rico Salazar, ang paglilinis ng Bangkulasi River. Napag-alaman, ang nasabing ilog ay may mataas na antas ng fecal coliform, isang uri ng bacteria na nagmumula sa dumi ng tao o hayop. Nangako si ... Read More »

Mangingisdang Navoteño nakakuha ng boat insurance

ISANG mangingisdang Navoteño ang nakakuha ng insurance benefit mula sa pamahalaan matapos mawalan ng bangka sa sunog sa Brgy. North Bay Boulevard North nitong taon. Natanggap ni Benjamin Driguerro nitong Lunes ang tsekeng nagkakahalaga ng P13,000 mula kay Mayor Toby Tiangco at Aida Cristina Castro, Business Development and Marketing Specialist ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). Siya ang pinakaunang rehistradong ... Read More »

Scholarships natanggap ng mas maraming kabataang Navoteño

APATNAPUNG estudyanteng Navoteño ang naka­tan­ggap ng scholarship mula sa pamahalaang lungsod ng Navotas matapos mapirmahan ang memorandum of agreement para sa NavotaAs scholarship para sa school year 2019-2020. Sa bilang na ito, 34 ay NavotaAs academic scholars at anim ay mga benepisaryo ng Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship. “Ang edukasyon ay nagbubukas ng oportunidad para magtagumpay ang isang tao. Hangad namin ... Read More »

Free summer workshops sa Navotas, nagsimula na

PORMAL nang binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ngayong Huwebes ang libreng summer workshops para sa kabataang Navoteño. Umabot sa 680 Navoteño, edad 7-21 anyos, ang sumali sa NavotaAs Sports Camp Batch 20. Sa bilang na ito, 238 ang nagparehistro sa swimming; 156 sa basketball; 48 sa volleyball; at 68 sa badminton. Kasali rin sa Batch 20 ang 124 trainees ... Read More »

Family Zone inilunsad sa Navotas

PARA magkaroon ang bawat pamilyang Navoteño ng lugar para makapag-bonding at makapag-ehersisyo, sinigurado ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang isang bahagi ng Radial Road 10 (R10) at idineklara ito bilang Family Zone. Ayon sa City Ordinance No. 2018-23, isasarado ng lungsod ang kahabaan mula Navotas bus terminal hanggang sa Old Fishport Road tuwing Linggo mula 5:00 am hanggang 8:00 am ... Read More »

Winners sa Miss Caloocan 2019 ipinagmalaki ng LGU at CCTF

BINABATI ng Pamahalaang Panlungsod ng Caloocan at ng Caloocan Cultural and Tourism Foundation, Inc. (CCTF) ang mga nagwagi sa nakaraang Ms. Caloocan 2019 na ginanap sa Caloocan Sports Complex. Kinoronahan bilang Miss Caloocan 2019 si Shanon Tampon ng Barangay 179, habang First Runner-Up si Czarina Sucgang ng Barangay 178. Iniuwi ni Nikki Mae Binuya Guese ng Barangay 63 ang titulo bilang ... Read More »

57th Cityhood anniversary at Chinese New Year party, pagsasabayin sa Caloocan

ANG lahat ay inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Caloocan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa gaganaping selebrasyon ng 57th Cityhood Anniversary at Chinese New Year party sa darating na ngayong araw, 4 Pebrero 2019. Ito ay gaga­napin sa Caloocan City Hall complex na matatagpuan sa 8th Street, 8th Ave­nue, Grace Park ng nasabing ... Read More »

60 pamilya nag-Pasko sa bagong bahay handog ng Navotas

BAHAY ang ipinamasko ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas City sa mga pamilyang Navoteño na dating nakatira malapit sa dagat o ilog. Umabot sa 60 pamilyang Navoteño ang nagdiwang ng Pasko sa bago nilang bahay makaraan pasinayaan at basbasan ang NavoHomes Dagat-dagatan sa Brgy. North Bay Boulevard south Dagat-dagatan. “Isang ligtas na tahanan kung saan puwedeng bumuo ng mga pangarap ang ... Read More »

2,500 Navoteño nagkatrabaho sa cash-for-work

UMABOT sa 2,500 Navo­teño ang kumita ng extra income sa pagkakaroon ng cash-for-work sa Pama­halaang Lungsod ng Navo­tas. Nakatanggap ng P3,840 suweldo ang mga bene­pisaryo sa kanilang 10 araw na pagtatrabaho sa iba’t ibang tanggapan sa city hall. Ang programa, na pi­na­­ngungunahan ng De­part­ment of Social Welfare and Development (DSWD), ay naglalayong magbigay ng trabaho sa mga nanga­ngailangang Filipino. Nagpasalamat ... Read More »

SHS students may internship sa Navotas City hall

navotas city hall internship

PARA matulungang maging handa ang kabataang Navo­teño sa kanilang kina­bukasan, nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang kasunduan para sa kanilang “work immersion” sa pamahalaang lungsod. Pumirma rin sa “memo­randum of agreement” si Dr. Meliton Zurbano, OIC schools division superin­tendent, at ang mga princi­pal ng mga mag-aaral sa senior high school na sa­sailalim sa nasabing pro­grama. Kasama sa mga paara­lang ... Read More »

Navotas City may bagong dump trucks

Navotas City may bagong dump trucks

DALAWANG dump truck ang binili ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas at pinabasbasan noong Lunes ng umaga.  Kayang humakot ng nasabing mga truck ng 8.8 cubic meters ng basura. Sinabi ni Mayor John Rey Tiangco, kailangan ang dagdag na mga truck para maging episyente ang pangongolekta ng basura ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO). Sa kasalukuyan, may 13 dump ... Read More »

800 Navoteño nakinabang sa mobile passport service

SA ikalawang pagkakataon ngayong taon, nakipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa Department of Foreign Affairs (DFA) para makapaghandog sa mga Navoteño ng madaling access sa passport application at renewal. Umabot sa 800 Navoteño ang nakinabang sa mobile passport service na isinagawa sa Navotas City Hall noong Sabado, 1 Setyembre. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor John Rey Tiangco ang ... Read More »

Ex-PM ng Denmark bumisita kay Mayor Tiangco

NAG-COURTESY CALL ang dating Prime Minister ng Denmark na si Helle Thorning-Schmidt kay Mayor John Rey Tiangco sa kanyang opisina sa Navotas City Hall. Bilang Chief Executive Officer ng Save the Children, sinuri ni Thorning-Schmidt ang mga programa at aktibidad ng lungsod na may kinalaman sa nutrisyon. Sa pamamagitan ng Navotas City Health Office, iniulat ni Tiangco na ang Navotas ... Read More »

P2-M tulong ng Caloocan sa Albay

INAPRUBAHAN ng Sangguniang Panlungsod ng Caloocan ang P2 milyon financial assistance para sa lungsod ng Tabaco at bayan ng Malilipot sa lalawigan ng Albay bilang tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Mayon. Ayon kay District 1 Councilor Aurora “Onet” Henson, dalawang resolusyon ang inilabas ng Sangguniang Panlungsod upang makapagbigay ang pamahalaang lungsod ng tulong sa pamamagitan Mayor Oscar Malapitan, ... Read More »

Yes landslide sa plebisito sa Navotas

LANDSLIDE na “Yes” ang naging resulta sa ginanap na plebisito sa lungsod ng Navotas u-pang dagdagan ng bagong apat na barangay ang lungsod. “Nag-yes po ang majority ng concerned residents,” ani Mayor John Rey Tiangco ukol sa ginanap na plebisito u-pang hatiin ang mga barangay North Bay Boulevard South, Tangos at Tanza. Sa Barangay NBBS, nasa 6,676 ang bumoto ng ... Read More »

Gun ban sa Navotas epektibo na

NAGSIMULA nang i-patupad ang gun ban at liquor ban sa Navotas City para sa gaganaping plebisito sa tatlong barangay sa lungsod na planong hatiin sa pitong barangay. Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Navotas election officer, Atty. Edison Teodoro, ipinatutupad ang mga pangunahing regulasyon tulad ng gun at liquor ban sa tuwing may halalan kabilang ang plebisito. Mula sa 14 ... Read More »

Pulmano absuwelto sa Sandiganbayan

IBINASURA ng Sandiganbayan ang kasong isinampa laban kay Parañaque city treasurer Anton Pulmano. Idinismis ng Sandiganbayan ang kasong kriminal na isinampa laban kay Pulmano dahil sa umano’y pagbibigay ng tax amnesty na isinasagawa ng pamahalaang lungsod noong 2013. Ang kasong kriminal laban kay Pulmano ay nagmula sa isang reklamo na isinampa ni Konsehala Maritess de Asis at ng kanyang abogado ... Read More »

Scroll To Top