Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: JSY

Author Archives: JSY

Feed Subscription

P15.5-M ilegal na droga at damo nasabat sa NAIA

UMABOT sa P15.496 milyon halaga ng illegal substance ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa bodega ng Central Mail Exchange Center (CMEC) at Federal Express (FedEx) kahapon. Ayon kay Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan at Customs Commissioner Isidro Lapeña, ang limang shipment ng metham­phetamine hydrochloride o shabu, party drugs at marijuana ay dumating sa bansa sa magka­ahi­walay ... Read More »

Maayos na kalusugan ipanalangin kay Duterte — Lim

IMBES maghangad na may masamang mang­yari sa ating Presidente, mas makabubuting ipa­na­la­ngin natin ang pa­tuloy na pagiging maayos ng kanyang kalusugan at tagumpay ng kanyang pamumuno sa bansa. Ito ang inihayag ni dating Manila Mayor Alfredo Lim sa isang pa­nayam sa ‘PDP Cares’ anniversary, na sinabi niya na malamang mas mabaon pa ang bansa sa mas malalang problema ng illegal ... Read More »

P11.87-M drug shipments nasabat sa NAIA

NASABAT ng mga ope­ratiba ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang shipments ng hinihinalang shabu, tina­tayang P11.87 milyon ang halaga, sa magkahiwalay na okasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City. Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, isa sa package ay tumitimbang ng 2,031 gramo ng hinihinalang shabu at naka-consign kay Juey Cuenca, resi­dente sa Imus, Cavite. Ang ... Read More »

2 Chinese nat’l na ipupuslit sa UK bigo sa BI-NAIA

BINIGO ng  Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangka ng human trafficking syndicate na papuslitin ang dalawang illegal Chinese nationals patungo sa United Kingdom, gamit ang Maynila bilang jump-off point. Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ni BI port operations division (POD) chief Marc Red Mariñas ang mga pasahero na sina Lin ... Read More »

Runaway OFWs mula UAE binigyan ng US$100

BINIGYAN ng tig-US$100 bawat isang overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates. Umabot sa 105 repatriated OFWs ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Philippine Airlines kahapon na sinalubong sila ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon kay Raul Dado ng ... Read More »

NAIA worst airport no more

BURADO na sa listahan ng pinakamasama at pinakapangit na airport sa buong mundo ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Mismong  sa post ng “The Guide To Sleeping In Airports” isang travel website, nitong 15 Oktubre 2017, ang NAIA ay hindi na kabilang sa listahan ng worst airport sa mundo at sa Asya. Magugunitang sa kaparehong survey na isinagawa sa nakaraang ... Read More »

587 promotions ibinukas ni Lapeña sa NAIA (Sa ika-57 founding anniversary ng BoC)

“I KNOW arithmetic, as I know the correct valuation of goods. If any of you who does not want to follow the proper valuation you are giving me the reason to do that you don’t want to happen to you!” Ito ang mahigpit na babala ni Commissioner Isidro S. Lapeña na kanyang inihayag sa pagdiriwang ng 57th Founding Anniversary sa Ninoy ... Read More »

P24-M pampalaglag nakompiska sa anak ng dating senador (Sa NAIA terminal 3)

TINATAYANG P24-milyong halaga ng regulated drugs na Cytotec 200 mcg at Augmentin BID 625 ang nasakote at kinompiska ng Bureau of Customs (BoC) na itinangkang palusutin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 mula sa Singapore ng isang lalaking sinabing anak ni dating Senador Ramon Revilla Sr., at kasamang lalaki, nitong linggo ng gabi. Kinilala nina NAIA Customs district ... Read More »

MIAA official under hot water

HINDI ligtas ang isang mataas na opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa akusasyong tumanggap ng payola bilang bahagi ng operasyon sa grupo ng Customs sa Davao. Ang pangalan ni Alex Capuyan, MIAA assistant general manager for security and emergency services, ay nabanggit ni Customs broker Mark Taguba sa kaigtingan ng Senate Blue Ribbon Committee hearing ng P6.4 bilyong ... Read More »

No gift policy — NPDC

ISANG kakaibang polisiya ang ipinaiiral ngayon sa National Parks Development Committee (NPDC) at masasabing kauna-unahan na mangyayari sa anumang ahensiya ng pamahalaan – ang ‘No Gift Policy.’ Napag-alaman na isang malaking sign na nakalagay ang mga katagang ‘No Gift Policy’ ang ngayon ay sumasalubong sa mga nagtutungo sa tanggapan ni Penelope Belmonte, executive director ng NPDC. Ayon kay Atty. Paul ... Read More »

Bolivian arestado sa cocaine (Sa NAIA)

ARESTADO ang isang babaeng Bolivian national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, makaraan makompiskahan ng illegal drugs nitong Lunes ng gabi. Natuklasan sa suspek ang tangka niyang ipuslit na liquid cocaine na nakatago sa dala niyang apat jackets. Ayon sa ulat, ang suspek na si Maria Hinojosa Bazan ay inaresto dakong 7:00 pm. Napag-alaman, ang dalang jackets ng ... Read More »

4 arestado sa drogang mula Mexico

INARESTO ang apat katao kabilang ang isang babae, ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa package na may lamang methamphetamine hydrochloride o shabu. Ang package na may timbang na 20.6 kilos ay idineklarang Sikaflex Sealant nang dumating sa Maynila, dalawang linggo na ang nakararaan na ipinadala ng Home Depot sa Mexico. Ayon kay BOC District III Collector ED Macabeo, ang ... Read More »

Bodyguards ng Korean actor vs airport media ‘nagkagirian’ sa NAIA

BOKYA ang pambu-bully ng i-lang bodyguards ni Korean actor Kim Soo Hyun laban sa in-house reporters ng Airport Media nang tangkain nilang pigilan na kumuha ng video footage ang mga mamamahayag sa mismong Immigration arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 sa lungsod ng Pasay kahapon. Dakong 11:00 am nang dumating ang grupo ng aktor na bida ... Read More »

Fil-Am arestado sa baril at bala (Sa NAIA)

ARESTADO ang isang Filipino-American sa mga operatiba ng Police Aviation Security Group makaraang mahulihan ng isang baril at 18 bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 kahapon. Bukod sa Armscor .9mm pistol na nakompiska sa pasaherong si Wilfredo Abelardo, nakuha rin sa bagahe ang dalawang magazine na may lamang 18 bala. Nasabat si Abelardo habang papasok sa Gate ... Read More »

Morente nangako: Ban sa OT ng BI employees tutugunan

  “BE patient, we are doing our best to fulfill your grievances,” pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente, kasabay ng inspeksiyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, kahapon. Nangako si Morente, 37 immigration officers (IO), ang ide-deploy sa NAIA, at may 1,000 plantilla positions ang bakante para sa kanila. Gayonman, sinabi ni Morente, ito ay matatagalan dahil hihintayin ... Read More »

Korean Air flight nag-emergency landing sa NAIA

NAPILITANG mag-divert sa Manila at mag-emergency landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Korean Air flight patungong Incheon mula Singapore, bunsod ng technical problem, kahapon ng umaga. Ayon sa ulat mula sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang flight KE644, may lulang 290 pasahero at 42 crew, ay ligtas na lumapag dakong 2:05 am. Ayon sa MIAA, iniulat ng ... Read More »

Work slowdown inilarga sa NAIA ng BI employees (Sa tinanggal na overtime pay)

APEKTADO at bumagal ang proseso sa bawat pasaherong dumaraan sa Immigration counter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals sa isinagawang work slowdown kahapon. Dahil sa work slowdown ng BI employees, iniulat na umabot sa 20 hanggang 30 minutos bago matapos ang trasanksiyon ng mga pasahero. Isinagawa ang work slowdown sanhi nang hindi pagbabayad sa overtime pay para sa mga ... Read More »

9 airport police, taxi driver, 18 airport civilian personnel pinarangalan

KINILALA ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa harap ng airport officials at media, ang siyam airport police officers, isang taxi driver, 18 airport civilian personnel, karamihan ay nakatalaga bilang building attendants sa apat Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals, kahapon. Naluluhang sinabi ni MIAA General manager Ed Monreal, “marami pa palang mabubuting tao na nagtatrabaho sa airport,” ang tinutukoy ... Read More »

Puganteng Belgian arestado (BI, Interpol nagsanib)

INIANUNSIYO ni Commissioner Jaime H. Morente ng Bureau of Immigration ang matagumpay na pagkakadakip sa puganteng high profile Belgian national sa NAIA Terminal II, sa pamamagitan ng INTERPOL database system. Si Daveloose Franky Freddie, tinutugis ng Belgian government maka-raan takasan ang mga awtoridad, ay naaresto ng immigration officer habang paalis sa NAIA isang buwan makaraan magsanib ang BI at INTERPOL ... Read More »

OTS personnel nasa hot water sa ‘kotong-try’

NASA hot water ang isang security personnel ng Office for Transportation and Security (OTS) makaraan iutos ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na siya ay imbestigahan kaugnay sa indirect extortion attempt sa isang Filipina balikbayan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1. Kinilala ni Monreal ang suspek na si Sergio Padilla, OTS security screener na nakatalaga ... Read More »

Babaeng Russo huli sa Cocaine

ISA pang dayuhan ang naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 nang tangkaing magpuslit ng cocaine sa bansa, ayon sa Bureau of Customs NAIA kahapon. Kinilala ni NAIA Customs District III  Collector Ed Macabeo ang suspek na si Anastasia Novopashina, 32, inaresto makaraang matagpuan ng mga Customs examiner ang ilegal na droga sa kanyang bagahe. Batay sa kanyang ... Read More »

Fake claimant ng 1.5 kilo shabu arestado sa NAIA

ARESTADO sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Sabado ng hapon ang pekeng claimant ng limang kilong package mula sa Congco, Africa, naglalaman ng 1.5 kilo ng shabu. Ayon kay  NAIA Customs District Collector Ed Macabeo, ang limang kilong package ay nakalagay sa ... Read More »

INC handa para sa tema sa 2017

IPINAGDIWANG ng Iglesia ni Cristo (INC) ang ika-61 kaarawan ni Executive Minister Eduardo V. Manalo ngayong Linggo sa paglulunsad ng tema na “Ikinararangal ko na ako ay Iglesia Ni Cristo” para sa taong 2017 na magbubuklod sa milyon-milyon na kapanalig sa panawagan na naglalayong iangat sa kabatiran ng mundo ang paglagong nakamit ng Iglesia mula nang ito ay maitatag sa ... Read More »

Chinese timbog sa drug bust

ISANG Chinese national ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District sa buy-bust operation sa loob ng isang hotel sa Binondo, Maynila kamakalawa ng hapon. Nakapiit sa MPD Meisic Police Station 11 ang suspek na si Zhao Xin Min, alyas Mr. Zhao, may-asawa, Chinese national, naka-check-in sa room 2032 ng Golden Phoenix Hotel, matatagpuan sa Diosdado Macapagal Avenue, Pasay ... Read More »

Senator Manny Pacquiao, PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa. Bitbit ang WBO welterweight title belt

MAGKASABAY na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nanatiling pound-for-pound king na si pambansang kamao at senator Manny Pacquiao, at si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa. Bitbit ng dalawa ng WBO welterweight title belt sa pagharap sa mga mamamahayag sa NAIA. (JSY) Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved