Thursday , April 25 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Jaja Garcia (page 2)

Author Archives: Jaja Garcia

Feed Subscription

Enrile nalungkot sa pagpanaw ng kapatid

IKINALUNGKOT ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang pagpanaw ng kanyang kapatid, ang batikang aktres at mang-aawit na si Armida Siguion-Reyna, na sumakabilang-buhay noong Lunes sa edad 88 anyos. Sa kabila nito, ginunita ni Enrile ang nagawang paglilingkod ng kanyang half-sister sa bayan sa larangan ng sining. “My entire family, my sisters and brothers, my nephews and nieces, their ... Read More »

PCP chief, 4 pa sinibak sa ‘molestia de areglo’

SINIBAK sa puwesto ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang limang pulis kabilang ang kanilang commander matapos payohan ang mga magu­lang ng tatlong estu­dyante na minolestiya ng isang Chinese national na ayusin umano ang kaso sa Pasay City. Inalis sa puwesto ang commander ng Police Community Precinct (PCP-1) ng Pasay City Police na si Chief Insp. ... Read More »

Parañaque City walang pasok (Sa ika-21 anibersaryo ngayon)

MATAPOS ideklara ni Pangulong Rodrigo Duter­te na “special non-working day,” walang pasok ngayong araw, 13 Pebrero sa lungsod  ng Parañaque para sa pag­diriwang ng ika-21 ani­bersaryo ng cityhood nito. Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang naturang kautusan ay ipinatu­pad  sa bisa ng Procla­mation No. 665. “It is but fitting and proper that the City of Parañaque be given full opportunity to ... Read More »

Broadcast journalist, senado tinarget (Para sa proteksiyon ng mga mamamahayag)

“‘WAG kalimutan ang Ampa­tuan massacre, ide­pensa ang media laban (mula) sa pagpatay.” Ito ang inihayag ng batikang broadcast jour­nalist at tumatakbo sa pagka-senador na si Jiggy Manicad sa pagsisimula ng opisyal na kampanya upang pangala­gaan ang kaligtasan ng mga mamamahayag lalo na’t sariwa pa ang alaala ng mga kaso ng election-related violence tulad ng Ampatuan massacre. “I will never forget the ... Read More »

Presyo ng petrolyo muling inihirit ng gas companies

MULING nagpatupad nang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong araw, 12 Pebrero, matapos ang katiting na bawas presyo na ipinatupad kamakailan. Epektibo ngayong 6:00 am, pinagunahan ng Pilipinas Shell,  PTT Philippines , Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, at Petro Gazz ang pagtaas sa presyo na P0.90 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro ... Read More »

74-anyos lola todas sa rider

NABANGGA ng motorsiklo ang tumatawid na 74-anyos lola habang sugatan  ang driver at angkas nito kamakalawa ng gabi sa Parañaque City. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa  Parañaque Doctors Hospital dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Melagros Centino, ng Santa Ana Drive, Bgy. Sun Valley ng lungsod. Nilapatan ng lunas sa ... Read More »

Laborer binoga sa Taguig

ISANG 39-anyos na construction worker ang sugatan nang barilin ng isa sa dalawang suspek na nakasuot ng bonnet mask sa Taguig City, nitong Linggo ng  gabi. Ginamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Abdul Adil, may asawa, tubong Maguindanao, residente sa Barangay Maharlika Village, Taguig City, sanhi ng tama ng bala sa tiyan at kaliwang braso mula sa hindi ... Read More »

Sa opening salvo ng kampanya… Seguridad kasado na — NCRPO

KASADO na ang pagpa­patupad ng mahigpit na seguridad sa pagsisimula ng kampanya ng mga kandidato na tatakbo sa halalan ngayong Martes 12 Pebrero 2019 , ito ang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaha­pon. Sinabi ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, wala silang naitalang election hotspot sa Metro Manila pero hin­di dapat maging kam­pan­te ang pulisya sa pagbabantay ... Read More »

Marilao ex-vice mayor na inasunto ni Atong inilipat sa Parañaque

INILIPAT na kahapon sa Parañaque City jail ang dating vice mayor ng Marilao, Bulacan maka­ra­an makakuha ng com­mitment order ang Bula­can Provincial Police Office sa Parañaque Regional Trial Court (RTC). Dakong 11:00 am, nang mailipat sa Paraña­que City Jail (PCJ) ang dating bise alkalde na si Andre Santos at naging emosyonal ang pagha­hatid sa kanya ng pamil­ya. Nangangamba ang pamilya ... Read More »

Mag-utol na sangkot sa ilegal na droga itinangging tauhan ng Parañaque mayor

ITINANGGI ni Parañaque city mayor Edwin Olivarez, na personal niyang body­guard ang nahuling magka­patid sa isang operasyon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na sinabing sangkot sa ilegal na droga kamakailan. Matatandaang ikinasa ng NCRPO sa pangunguna ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar ang ope­rasyon laban sa magka­patid na kinilalang sina Salah at Salman Mohamad, residente sa Ninoy Aquino Ave., ... Read More »

Pasay establishments positibong tumugon sa LLDA at DILG

TINUGUNAN ng mga establi­simiyento sa Pasay City ang kakulangan sa wastong pagtata­pon ng tubig sa pamamagitan ng pagpapatayo ng sarili nilang pasilidad para sa water and waste treatment. Nabatid na karamihan sa mga establi­simi­yentong iniutos na isara ng Laguna Lake Develop­ment Authority (LLDA), ang tanggapang nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay nabigyan ng ... Read More »

Bangkay lumutang sa Pasig river

LULUTANG-LUTANG sa  ilog nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki sa Pasig riverside Bgy. Cembo Makati City hahapon ng umaga. Natagpuan nina PO3 Jose Cinco at PO1 Jay Geronimo ng Police Community Precint (PCP) Makati  na malapit sa detachment  dakong 7:00 ng umaga. Inilarawan ang bik­tima na nakasuot ng itim na polo shirt na may stripe na kulay ... Read More »

Pinay DH pinugutan sa Saudi

NAPUGUTAN ang isang 39-anyos Pinay domestic helper matapos hatulan ng kamatayan nitong Martes  sa Saudi Arabia dahil  sa kasong murder, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Elmer Cato, kahapon. Nagpaabot ang DFA ng pakikiramay sa  pa­milya ng Pinay matapos hatulan ng kamatayan ng Saudi Supreme Judicial Council. Tumanggi si Cato na magbigay ng karagda­gang detalye sa pagkaka­kilanlan ng ... Read More »

‘SPIDER-MAN’ INARESTO (Umakyat sa 46/F ng GT Int’l Tower)

MARAMING bumilib pero bumagsak sa kamay ng Makati City police ang French national na kilalang “French Spider Man” nang arestohin matapos umakyat sa ika-46 palapag ng GT International Tower sa Ayala Avenue, Makati City kahapon ng umaga. Sinabi ni S/Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, nagsimulan akyatin ni Alain Robert, French rock and urban climber ang GT International Tower ... Read More »

PH full-heightened alert status — PNP (Checkpoints sa Metro pinaigting)

IPINAG-UTOS kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar sa mga district director at chief of police  na magsagawa ng mga checkpoint at inspeksiyon sa kanilang mga nasasakupang lugar sa Metro Manila. Ito’y matapos ang nangyaring pambobomba sa simbahan sa Jolo, Sulu kamakalawa ng umaga na ikinasawi ng 20 katao at ikinasugat nang mahigit sa 100. ... Read More »

Kontrabando sa BI detention cell kompiskado

NAKOMPISKA ang iba’t ibang uri ng kontrabando mula sa detention cell  ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City  matapos ang sorpresang inspeksiyon ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon. Pinangunahan ni Atty. Jesselito Castro, ng Intelligence at Regional Special Operation Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang naturang inspeksiyon. Nakuha sa detention cell ng mga banyaga ang samot- saring ... Read More »

Pinoys ban sa USDHS

HINDI naging maganda ang balita sa mga Pinoy, makaraan i-ban ng United States Department of Homeland Security ang Filipinas sa pagbi­bigay ng eligibility sa H-2A at  H-2B working  visas sa loob nang isang taon kaugnay ng proble­ma sa overstaying at human trafficking. Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy partikular ang mga nasa  Estados Unidos na hangga’t maaari ay sun­din ... Read More »

Bunso todas sa kuyang may sayad

SINAKSAK hanggang mapatay ng 38-anyos binata na sinasabing may diprensiya sa pag-iisip ang nakababatang kapatid sa Parañaque City, nitong Linggo ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Parañaque ang biktimang si Jonathan dela Vega Capistrano, 28, binata, construction worker, tubong-Naga Catanduanes, residente sa Capernum, Purok 7, Morales Compound, Barangay Moonwalk, dahil sa mga saksak sa iba’t ibang ... Read More »

Nagpulot-gata sa Maldives ‘inangkin’ ng dagat (Mag-asawang nurse na high school sweethearts)

TRAHEDYA ang kinau­wian ng pag-ibig ng mag-asawang overseas Filipino workers (OFWs) na piniling magpulot-gata sa Maldives mata­pos ang kanilang kasal dalawang linggo na ang nakararaan. Kinilala ang mag-asawang high school sweethearts na sina Leomer at Erika Joyce Lagradilla na ikinasal bago matapos ang taong 2018 Ayon sa mga kaanak at kaibigan, high school sweethearts at 10 taong naging magkasintahan ang ... Read More »

15-anyos sinaksak sa leeg

SA hindi malamang dahilan, sinaksak sa leeg ang isang 15-anyos na lalaki ng isang suspek sa Makati City, Sabado ng gabi. Ginagamot sa Ospital ng Makati (OsMak) ang 15-anyos na menor de edad biktima, sanhi ng isang saksak sa kanang leeg. Pinaghahanap ng Makati City Police ang suspek na kinilalang si Mark Ian Hidalgo, alyas Yaya, nasa hustong gulang, residente ... Read More »

BOSS project muling inilunsad ng Taguig LGU

INILUNSAD muli ng Taguig City government ang Business One-Stop Shop (BOSS) program sa lungsod upang maka­pagbigay ginhawa sa entrepreneurs at business owners sa siyudad. Sa 3-20 Enero 2019, ipapatupad muli ang BOSS program na walang weekend breaks, nang sa gayon ay maalalayan ang mga negosyante na abala sa kanilang mga gawain mula Lunes hanggang Linggo. Muling mabibigyang ang mga negosyante ... Read More »

P.3-M nadale ng salisi gang

TINATAYANG aabot sa P300,000 ang nakulimbat ng isang babaeng miyem­bro ng umano’y Salisi Gang, mga tseke, mama­haling gamit, cash, gadget at iba pa sa isang nego­syante sa loob ng clinic sa Muntinlupa City, Sabado ng hapon. Halos manlumo nang dumulog sa himpi­lan ng Muntinlupa City Police ang biktima na kinilalang si Suzette Lavin, 44, upang irekla­mo ang nangyaring pag­nanakaw. Patuloy ... Read More »

Deguito ng RCBC 7-taon kulong sa money laundering

APAT hanggang pitong taong pagka­kakulong ang inihatol ng Makati City Regional Trial Court (RTC) sa dating RCBC Jupiter branch manager sa kasong money laundering kahapon ng umaga sa lungsod. Sa 26-pahinang desi­syon ni Makati RTC Judge Cesar Untalan ng Branch 149, si Maia Santos-Deguito, nasa hustong, dating RCBC manager ay may sapat na basehan para idiin sa kaso sa walong ... Read More »

Pekeng enforcer kalaboso sa Pasay

INIREKLAMO ng pangongotong ang 57-anyos lalaki na nagpanggap na traffic enforcer ng isang rider na hinihingan ng lagay kapalit ng hindi umano pag-iisyu ng tiket sa ginawang vilotation ng biktima sa Pasay City kahapon ng umaga. Sa report na natanggap ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores, ang hinuling suspek ay kinilalang si Marcelo Frias, taga-Pilapil St., Bangkusay, Tondo Maynila. ... Read More »

DILG officer ‘kalaboso’ sa bomb joke

ISANG babaeng opera­tion officer 7 ng Depart­ment of Interior and Local Government (DILG) ang  nasa balag na alanganin matapos magbiro na may dala siyang bomba sa loob ng Cuneta Astrodome sa Pasay City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Pasay City Police chief S/Supt. Noel Flores, ang inarestong DILG operation Officer 7 na si Elsie Castillo, 57,  taga-Santan Road, Almar Subdivision, ... Read More »

Scroll To Top