Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Jaja Garcia (page 12)

Author Archives: Jaja Garcia

Feed Subscription

2 bus terminal ipinasara ng MMDA

IPINASARA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang bus terminal sa EDSA, Pasay City at limang provincial buses ang ini-impound kahapon. Sa pamumuno ni MMDA Chairman Danilo Lim, sa tulong ng mga miyembro ng Pasay City’s Business Permits and Licensing Office, isinara ang terminal ng Bragais at Pamar, gayondin ang terminal ng Saint Jude at San Rafael. Nabatid na ... Read More »

3,000 pulis ikinalat para sa ASEAN Ministers Meeting

NAGPAKALAT ng tinatayang 3,000 police personnel ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagsisimula ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ministers Meeting sa Philippine International Convention Center (PICC), sa Pasay City kahapon. Binigyang kasiguruhan ng NCRPO na handa at sapat ang seguridad na kanilang inilatag sa pagsisimula ng ASEAN Ministers Meeting. Ayon kay NCRPO Chief Supt. Oscar Albayalde, ... Read More »

Hi-profile inmates ‘buhay-hari sa Bilibid (Buking sa Oplan Galugad)

MULING nagsagawa ng “Oplan Galugad” operation ang pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), Bureau of Corrections (BuCor) at Southern Police District (SPD), sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kahapon ng umaga, nagresulta sa pagkakabuko na ilang high profile inmates mula sa Building 14 ang lumipat sa Medium Security Compound, at ngayon ay ... Read More »

MMDA agad naglinis sa binahang lugar

NAGSAGAWA ng cleaning operations ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga area na apektado ng baha dulot nang malakas na pag-ulan sa pananalasa ng bagyong Gorio. Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, nagsimula ang cleaning operation ng Flood Control and Sewerage Ma-nagement Office (FCSMO) sa kahabaan ng Tayuman St., malapit sa Land Transportation Office (LTO); Lacson ... Read More »

P2-M droga kompiskado sa Makati condo (2 drug operator, 14 drug user huli sa pot session)

NAKOMPISKA nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4, Station Drug Enforcement Unit (SDEU), at Police Community Precinct-6 ng Makati City Police, ang bulto-bultong shabu, party drugs at marijuana, umabot sa mahigit P2 milyon halaga, sa pagsalakay sa condominium unit na pag-aari ng isang babaeng hi-nihinalang bigtime drug pusher sa lungsod, nitong Lunes ng gabi. Sa ... Read More »

11 kelot timbog sa smoking ban sa Pasay

NASAMPOLAN sa unang araw ang 11 lalaki sa pagpapatupad ng nationwide smoking ban makaraan mahuli nitong Linggo ng hapon sa Pasay City. Sa report kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., mula kay Pasay City Police Community Precinct commander, Chief Inspector Rommel Resurreccion, ang mga nahuli ay sina Armando Nuevo, 36; Severino Capasa, 71; Simon Barrameda, ... Read More »

264 katao tiklo sa OTBT ops sa Parañaque at Taguig

  UMABOT sa 264 katao ang hinuli ng mga pulis sa magkahiwalay na One Time Big Time operations sa ilang barangay sa mga lungsod ng Parañaque at Taguig, nitong Huwebes ng gabi. Ayon kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., ang ikinasang OTBT ops ay bilang bahagi ng pagsawata sa posibleng krimen lalo na’t nala-lapit ang ... Read More »

NCRPO handa sa SONA

HANDA ang puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, 24 Hulyo. Sinabi ni NCRPO Chief, Director Oscar Albayalde, ipapakalat niya ang kanyang mga tauhan partikular sa kahabaan ng Commonwealth Avenue mula sa Quezon City Circle hanggang sa Litex sa Batasan Road sa ... Read More »

Anak ng tserman patay sa ambush

  BINAWIAN ng buhay ang anak ng isang barangay chairman makaraan dalawang beses barilin ng riding-in-tandem sa Makati City, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Joven Duallo, 36, driver ng Makati City Public Safety Department, residente sa Brgy. Pio Del Pilar, Makati City, agad nalagutan ng hini-nga sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo mula sa kalibre . ... Read More »

5 laborer sugatan sa bigang ‘bumigay’ (Sa itinatayong Skyway sa Makati)

  SUGATAN ang limang contruction worker nang ‘bumigay’ ang cobin beam rebars/scaffolding sa itinatayong Skyway Stage 3 sa Makati City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Makati City Police chief, S/Supt. Gerry Umayao, ang mga biktimang sina Norman Nicolas, Ronald Degamo, Jerwin Deocarisa, JR Bala-quidan, at Guillermo Santos, Jr., pawang nasa hustong gulang, dumanas ng minor injuries sa kanilang katawan. Ayon ... Read More »

Raagas OIC sa BuCor

ITINALAGA bilang Officer-In-Charge Director si Rey Raagas ng Bureau of Correction (BuCor) kapalit nang nagbitiw sa tungkulin na si General Benjamin de los Santos. Si Raagas, dating administrative division head ng BuCor, ay pansamantalang uupo sa layuning hindi mabalam ang ope-rasyon, habang wala pang nahihirang na bagong pinuno sa pambansang piitan. Nauna rito, kumalat ang balitang nanumbalik ang illegal drug ... Read More »

Nag-away sa plato, laborer utas sa katrabaho

PATAY ang isang 25-anyos construction worker makaraan saksakin ng katrabaho bunsod nang pag-aaway dahil sa plato sa Makati City, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Kevin Lampitok, stay-in sa construction site ng commercial building sa Yakal St., San Antonio Village, ng lungsod, at residente sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na ... Read More »

2-3 araw number coding pinalagan ng transport group

PINALAGAN ng transport group ang balak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawing dalawa hanggang tatlong araw ang pagpapatupad ng number coding o tinatawag na “expanded number coding.” Kamakalawa, inihayag ni MMDA Chairman Danilo Lim sa Kongreso, pinag-aaralan nilang ipatupad ang “expanded number coding” o gawing dalawa hanggang tatlong araw ang pagpapatupad ng traffic scheme bilang isa sa mga ... Read More »

Konsehal, bodyguard kritikal sa tandem

KRITIKAL ang isang konsehal at kanyang bodyguard makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem ang isang Toyota Land Cruiser sa Macapagal Blvd., Pasay City, kahapon ng madaling-araw. Ang dalawa ay nasa San Juan De Dios Hospital si Borbie Rivera y Salazar, 39, pangulo ng Liga ng mga Barangay Captains (ABC), at konsehal ng lungsod, residente sa 355 Protacio St., Brgy. 112, Zone 12, ... Read More »

Koreano nagbigti sa condo

NAGBIGTI ang isang negosyanteng Korean national sa tinutuluyang condominium sa Taguig City, nitong Miyerkoles. Kinilala ang biktimang si Hwan Chul Jung, 52, ng Unit 1207, 12th Floor Ridgewood Tower, Brgy. Ususan, ng naturang lungsod. Ayon sa salaysay sa Taguig City Police, ng live-in partner ni Hwan na si Jennylyn, 28, dakong 11:45 pm, pagdating niya sa kanilang condo unit, tumambad ... Read More »

Dayuhang casino financier patay sa ambush

APAT na bala ng baril na tumama sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ng isang Hong Kong national, na sinasabing casino financier, habang nag-aabang ng taxi sa Baclaran, Parañaque City, nitong Miyerkoles ng madaling-araw. Binawian ng buhay bago mairating sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Chong Weng Sum, 60, ng Binondo, Maynila. Sa report ng ... Read More »

Maute sa Metro itinanggi ng NCRPO

WALANG katotohanan ang kumakalat na balita o text messages na may mga miyembro ng Maute terrorist sa Metro Manila, ito ang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko, at idiniing huwag basta maniniwala. Sinabi ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, inaasahan nila ang kaliwa’t kanang pananakot sa gitna nang maigting na operasyon ng mga tropa ng ... Read More »

Korupsiyon sa Camp Bagong Diwa ugat ng riot

IBINUNYAG ng isang inmate ng Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa, na init ng ulo dahil sa mga tiwaling prison official ang ugat ng riot ng mga preso nitong Martes, na ikinamatay ng dalawang inmates at 15 ang nasaktan. Ayon sa nasabing inmate na tumangging magpabanggit ng pa-ngalan, mainit ang ulo ng mga preso dahil sa kawalan ... Read More »

P3-M alahas, cash ng doktora tinangay ng kasambahay

PINAGHAHANAP ang isang kasambahay makaraan tangayin ang P3 mil-yon halaga ng mga alahas at pera ng kanyang among doktora sa Las Piñas City, nitong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Rochelle Cabe, 25, tubong Samar. Salaysay ng biktimang doktora na tumangging isapubliko ang kanyang pangalan, nadatnan niyang hindi naka-lock ang kanyang kuwarto at nawawala ang vault dakong 9:00 ... Read More »

Casino tragedy ‘close case’

INIHAYAG ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde, itinuturing nang “close case” ang nangyaring  trahedya sa Resorts World Manila (RWM) na ikinamatay ng 38 katao. Ayon kay Albayalde, para sa kanila ay sarado na ang kaso ng RWM, na ikinamatay ng 38 katao, kabilang ang gunman na si Jessie Javier Carlos. Gayonman, patuloy ang kanilang imbestigas-yon kaugnay ... Read More »

P5-M utang sa Meralco umutas ng 2 preso, 17 sugatan (BJMP district jail sa Camp Bagong Diwa naputulan ng koryente)

PATAY ang dalawang preso habang 17 ang sugatan sa naganap na riot sa loob ng Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, nitong Martes ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga presong sina Lucky Natividad, miyembro ng Bahala na Gang, at Gerald Tolentino, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang, kapwa may mga tama ... Read More »

Parak sinaksak, ex-con swak sa kulungan

BUMAGSAK sa kulungan ang isang ex-convict nang magwala at tangkain saksakin ang isang pulis sa lungsod ng Pasay, nitong Lunes ng gabi. Kinilala ni Pasay City Police chief, S/Supt. Dinisio Brtolome , ang suspek na si Ken Angelo Sobrevega, 25, miyembro ng Sputnik Gang, residente sa Pag-Asa St., Brgy. 185, Maricaban ng nasabing lungsod. Ayon kay PO3 Ephraim Dancel, 39,  ... Read More »

P250-M shabu kompiskado sa Taiwanese

UMABOT sa 50 kilo ng hinihinalang shabu, P250 milyon ang halaga, ang nakompiska sa isang Taiwanese national makaraan arestohin sa isang hotel sa Brgy. Baclaran, Parañaque City nitong Sabado. Ayon sa ulat, ang shabu ay natagpuang nasa tatlong styrofoam boxes at napapatungan ng mga tuyong isda. Ang suspek na inaresto sa Red Planet Hotel Aseana ay kinilalang si Chen Teho ... Read More »

Gunman sa casino ex-finance employee na lulong sa sugal

TUKOY na ang pagkakakilanlan ng lalaking umatake sa Resorts World Manila (RWM) nitong Bi-yernes. Kinilala ang suspek na si Jessie Javier Carlos, 42 anyos, residente ng Sta. Cruz, Maynila. Positibo siyang kinilala ng kanyang mismong pamilya. Dating kawani ng gobyerno si Carlos na nakadestino sa One Stop Shop ng Department of Finance (DoF). Sinibak siya sa puwesto dahil sa sinasa-bing ... Read More »

Misis ng solon 3 dayuhan, 34 pa patay sa casino tragedy (78 sugatan)

PATAY ang misis ng isang mambabatas, tatlong dayuhan, 11 empleyado at 23 iba pa, sa amok ng isang talunang casino player sa Resorts World Manila sa Pasay City nitong Biyernes bago maghating-gabi. Kinilala ang mga biktimang namatay na si Elizabeth Panlilio Gonzales, asawa ni Pampanga representative Aurelio Gonzales Jr., ang tatlong dayuhan na sina P Ling Hung Lee, Lai Wei ... Read More »

Scroll To Top