Friday , April 19 2024

Gerry Baldo

Dalawang kaalyado ni Pangulong Duterte sinibak ni Cayetano

DALAWANG kaal­yado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang sinibak ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa gitna ng gulo sa Kamara kung kikilalanin o hindi ang term-sharing agreement niya kay Marinduque Rep. Lord Allan Velas­co. Naunang napa­balita na maghahain ng mosyon ang mga kaal­yado ni Cayetano na ideklarang bakante ang lahat ng puwesto sa kamara. Hindi …

Read More »

Media ‘di dapat tumestigo sa kaso ng droga — Rep. Rodriguez

media press killing

NAIS ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na amyendahan ang batas na nag-uutos sa miyembro ng media na mag-testify sa mga kaso ng droga na coverage nila. Ani Rodriguez, hindi trabaho ng media ang dokumentasyon at tumestigo sa mga kasong isinampa laban sa mga sangkot sa droga. “Spare media from being forced to testify in court for drug cases,” …

Read More »

Quo warranto ni Calida babala sa kongresista

AYAW suportahan ng mga kongresista ang quo warranto case na isinam­pa ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN. Ani House Deputy Speaker Johnny Pimentel, isang uri ng pananakot ito sa mga kongresistang sumusuporta sa renewal ng prankisa ng dambu­halang media company. Sa panig ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodri­guez, ang quo warranto sa ABS-CBN ay labag sa Saligang …

Read More »

Sa unang kaso ng coronavirus… Maging malinis, huwag mag-panic

NANAWAGAN kaha­pon ang mga kongresista na huwag mag-panic matapos kompirmahin ng Department of Health (DOH) na nakapasok na ang novel coronavirus (n-Cov) sa Filipinas. “Huwag ma-alarm. Basta maging malinis lang sa katawan hindi ka dadapuan ng virus,” ayon kay dating health secretary Janette Garin. Ang coronavirus ay dala ng isang 38-anyos babaeng Chinese ayon sa DOH. Base sa report, dumating …

Read More »

Pekeng balita kumakalat… Don’t panic sa Coronavirus — Garin

NANAWAGAN si dating Health Secretary, Rep. Janette Loreto-Garin na huwag maniwala sa mga pekeng mensahe patungkol sa 2019 novel Coronavirus. “Keep calm and don’t panic,” ani Garin. Ayon kay Garin hindi dapat mag-panic ang mga tao bagkus mag-ingat at gawin ang narara­pat  na precautionary measures. Aniya, kumakalat ang napakaraming mga mensahe sa social media na nagsasabing may Wuhan coronavirus sa …

Read More »

Bakwit ng Tanauan umangal sa gutom at sakit sa evac centers

HABANG may oversupply ng mga damit ang bakwit sa Tanauan City Gymnasium, nagkukulang naman sa mga gamot at pagkain. Ayon sa mga bakwit, nagkakasakit na sila maging ang kanilang mga anak dahil sa congestion. Wala rin anila silang regular na rasyon ng pagkain. Ayon kay Georgina Quembo, taga-Barangay Ambulong ng Tanauan, halos dalawang linggo na silang nasa evacuation center at …

Read More »

Bagong komite para sa PWD serbisyo paiigtingin

PAG-IIBAYUHIN ni Rep. Ma. Lourdes “Marilou” Arroyo ang mga serbisyo para sa persons with disability (PWD) matapos siyang italaga bilang chairperson ng bagong Special Committee on PWDs. Ayon kay Arroyo ng 5th District, Negros Occidental, pagtutuunan niya ng pansin ang lahat ng panukalang mag kaugnayan sa kapakanan ng mga PWD. “The PWDs sector is one of the most overlooked sectors …

Read More »

‘Kamay ng Malacañang’ gumagalaw vs prankisa ng ABS-CBN — Defensor (Palasyo naghugas ng kamay)

Duterte money ABS CBN

HALATANG gumaga­law ang Malacañang laban sa prankisa ng dambuhalang ABS-CBN Network matapos mag­hain ang Office of the Solicitor General ng petisyon sa pagbawi nito. Ayon kay Anak Kalusugan Rep. Mike Defensor, malinaw na ang ehekutibo ay hindi sang­ayon sa pagpapalawig ng prankisa ng nasabing network. “The OSG by filing a petition to revoke the ABS -CBN franchise is a clear …

Read More »

Delikadong lugar sa Batangas i-lock down — Solon

HINIMOK ni ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran ang gobyerno na huwag nang payagan bumalik ang mga tao sa mga mapanganib na lugar sa paligid ng Taal Volcano. Ayon kay Taduran, maaari silang ilipat sa Metro Manila upang makaiwas sa panganib. “Strictly implement the lockdown of Lemery and other towns where fissures are showing. Evacuate some, if not all, of the …

Read More »

Upgrade ng PhiVolcs equipment panawagan ng majority leader

NANAWAGAN si House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez sa Philip­pine Institute of Vol­canology and Seismology (PhiVolcs) na i-upgrade na ang kanilang mga kaga­mitan sa pamamagitan ng P221 milyong budget ngayong 2020. Ani Romualdez, kailangan nang pag­ibayuhin ang monitoring at warning equipment upang magkaroon ng gamit sa volcanic eruption, earthquake at tsunami. Ginawa ni Romua­ldez ang panawagan matapos ang …

Read More »

Underspending sa 2020 dapat iwasan ng gobyerno

MATAPOS pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang General Appropriations Act para sa 2020, hinimok ni House deputy majority leader BH party-list Rep. Bernadette Herrera ang Ehekutibo na gastusin ito sa pinakamaayos at mabi­­li­sang paraan upang maiwasan ang under­spending sa gobyerno. “The ball is now in the executive department’s court on how to spend the funds in a fast but proper manner …

Read More »

Malls papanagutin sa sasakyang napinsala sa parking

MATAPOS mabiktima si ACT-CIS Party-list Rep. Nina Taduran ng basag kotse gang sa SM Sta. Mesa, ipinanukala ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera Dy sa Kamara na linawin ang responsibilidad ng nga establisimiyento sa kanilang customers. Sa  House Bill 3215 na inihain ni Herrera, dapat ma-regulate at maging malinaw ang patakaran sa pay parking areas. “While there are available parking …

Read More »

Petisyon laban sa bus ban ihihirit ng Ako Bicol sa SC

MULING hihirit ang Ako Bicol Party-list sa Korte Suprema patung­kol sa pagbabawal ng mga pamprobinsyang bus sa Metro Manila dahil labag ito sa Saligang Batas. Ayon kay Rep. Alfredo Garbin, kailangan umano, ng agarang aksiyon ng Korte dito dahil apekatado ang lahat ng biyahero maging matanda o bata man. “The SC should have taken jurisdiction over the petition on the …

Read More »

Taas sahod aprobado sa Kamara

IPINASA na sa Kama­ra ang panukalang pagtaas ng sahod ng mga sibilyang kawani ng gobyerno sa pangat­lo at huling pagbasa sa panukala kahapon. Ayon kay Marikina Rep. Stella Luz Quim­bo, ang House Bill No. 5712 ay nagtutulak sa mga kawani ng go­byerno para maging mabilis at mahusay sa serbisyo publiko. Ani Quimbo, ang mataas na sahod ay nagreresulta sa mas produktibong …

Read More »

Sa Ampatuan massacre… ‘Guilty’ vs akusado

INAASAHAN ngayong araw ang hatol sa mga akusado sa Ampatuan massacre. Ayon kay Maguin­danao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu, sana’y “guilty” ang maging hatol sa pumatay sa 58 katao kabilang rito ang 32 kagawad ng media. Ngayong araw ay babasahan ng hatol ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis-Reyes ang mga akusado sa Ampatuan massacre. “Imposibleng walang makuhang …

Read More »

Rufus sa mga Senador: Maging bukas kayo sa Cha-Cha

HINIMOK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ang hepe ng House Committee on Constitutional Amendments, na maging bukas sa panukalang baguhin ang Saligang Batas lalo ang nga probisyong  pang-ekonomiya. “I hope that senators instead of just saying that it (Charter change) is doomed, (that) it’s not a priority, should go into each and every proposal. Are they good for …

Read More »

Maynilad, Manila Water bumigay kay Duterte

BUMIGAY ang Maynilad at Manila Water sa kagustohan ni Pangu­long Rodrigo Duterte na hindi siya papayag mag­bayad ang gobyerno sa concessionaires ng tubig ng mahigit P11 bilyon sa kasong isinampa laban sa gobyerno sa Singapore Permanent Court of Arbitration. Sa pagdinig ng House committee on good govern­ment kahapon, sinabi ni Jose Almendras, presidente at CEO ng Manila Water; at Ramon­cito …

Read More »

P4-B ‘maglalaho’ sa Marawi rehab

HIGIT sa P4-bilyon ang nanganganib mawala sa rehabilitasyon ng Marawi City kung hindi ito gagas­tusin sa bayan na winasak ng gera sa pagitan ng gobyerno at mga extremist na Muslim. Ayon kay Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman, ang P4-bilyong pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi ay malapit nang mag-expire at babalik sa national treasury. Ani Hataman, malaking inhustisya para …

Read More »

May discrepancy pa sa Kamara at Senado… Pambansang budget aprobado sa Martes

AAPROBAHAN ng Kamara ang P4.1-trilyong pamban­sang budget sa Martes sa susunod na linggo. Ayon kay House Com­mittee on Appropriations Chairman Isidro Ungab, tatapusin nila ang bicam sa 2020 budget sa Martes ng umaga para sa hapon ay maratipikahan na ito sa plenaryo ng dalawang kapu­lungan. Sinabi ni Ungab na sini­sikap nilang makamit ang target sa mas maagang aprobasyon ng budget …

Read More »

Cayetano handang humarap sa imbestigasyon

HANDANG humarap si House Speaker Alan Peter Cayetano sa imbestigasyon ng Ombudsman patungkol sa mga alegasyon ng korupsiyon na may kaugnayan sa pagpatakbo ng Southeast Asian (SEA) Games. Nagbanta si Cayetano sa mga kritiko niya na kanyang bubuweltahan. Dalawang linggo na, aniya, na sinabi niyang handa siya sa mga imbestigasyon. “Two weeks ago, when the SEA Games was under attack …

Read More »

Bangayan sa P50-M kaldero itigil… 3 solons nanawagan, atleta suportahan

NANAWAGAN kaha­pon ang ilang kongresista na itigil na ang bangayan patungkol sa P50-milyo­nes na kaldero sa SEA Games. Anila, dapat ng mag­kaisa ang nga Pinoy at kalimutan ang mga kon­trobersiya kaugnay ng ika-30 Southeast Asian (SEA) Games na mag-uumpisa sa 30 Nobyem­bre hangang 11 Disyem­bre 2019. Ayon kay Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., Quezon City Rep. Onyx Crisologo, at …

Read More »

Kamara takot kay Digong — Salceda

IMBES maging independent ang Kamara sa Ehekutibo, sunod nang sunod ito sa nga kagustuhan ng Pangulong Duterte. Ani Albay Rep. Joey Salceda, nangyayari ito dahil sa sobrang takot ng mga kongresista sa pangulo. Ayon kay Salceda sa panayam sa ABS-CBN  news nitong nalaraang Martes, lahat ng ginusto ng pangulo ay sinasanga­yunan ng mga mababa­tas. “Takot,” ani Salceda, “ang mga mambabatas …

Read More »

Buwis sa POGOs ‘ipinataw’ ng Kamara

LEGAL na opinyon man ni Solicitor General Jose Calida na hindi na dapat buwisan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), nagkakaisang ipinasa ng House Committee on Ways and Means ang panukalang patawan ng buwis ang nasabing pamumuhunan. Batay sa House Bill 5257, limang porsiyento ang direktang ipapataw na franchise tax sa gross winnings ng POGOs at 25 porsiyento sa POGO workers na …

Read More »

Term sharing nina Cayetano at Velasco kasado pa rin

SA GITNA ng mga pag-uu­dyok kay House Speaker Alan Peter Caye­tano na huwag para­ngalan ang kasunduang term-sharing dahil sa magandang survey nito, sinabi ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kahapon na tuloy pa rin ang kani­lang ”gentle­man’s  agreement.” Ayon kay Velasco, napipintong mag-take-over sa puwesto ni Cayetano pagkatapos ng 15 buwan, hindi pa napapahon pag usapan ang term-sharing pero dapat …

Read More »