Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Gerry Baldo (page 3)

Author Archives: Gerry Baldo

Feed Subscription

Himok sa IATF at CAAP: 167,000 OFWs abroad pauwiin na — Kamara

HINIMOK ng House of Representatives committee on public accounts ang Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa COVID-19 at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na payagan umuwi ang 167,000 overseas Filipino workers (OFWs) na nabibinbin sa labas ng Filipinas. “Our modern-day heroes have been stuck in their host countries since the coronavirus outbreak three months ago. They are now ... Read More »

OFWs na stranded dapat nang makauwi (Sa loob at labas ng bansa)

HUMIRIT ang mga kongresista sa pamahalaang Duterte na gumawa ng paraan para maiuwi ang libo-libong overseas Filipino workers (OFWs) na ilang linggo nang nabibinbin sa ibang bansa at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).   Ayon kay House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez naghahanap ng paraan ang liderato ng Kamara na matugunan ang pag-uwi ng OFWs na stranded ... Read More »

DSWD kinastigo sa naantala at makupad na ayudang SAP

KINASTIGO ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Department of Social Welfare Development (DSWD) kaugnay ng naantala at makupad na pagbibigay ng ayuda sa mga benepisaryo ng Social Amelioration Program (SAP).   “Hindi alam ng Pangulo na ganyan ang gawain ninyo,” ani Cayetano sa mga taga-Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dumalo sa pagdinig sa Kamara.   Ikinalungkot ... Read More »

‘Genuine status’ ng COVID-19 cases ilabas – Solon (Hamon sa DOH)

HINAMON ng isang kongresista ang Department of Health (DOH) na maglabas ng ‘tunay na datos’ at kalagayan sa mga kaso ng COVID-19 upang matugunan ang pagkukulang sa testing at magkaroon ng tunay na pananaw sa kalagayan ng pandemya sa bansa.   Ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera, kailangan ang tunay na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa pagdedesisyon ... Read More »

Anti-Terror bill naramdaman’ ng 2 negosyanteng Muslim — Hataman (Sa Araw ng Kalayaan)

MATINDING pangamba sa pagsasabatas ng Anti-Terror Bill ang ipinahayag ni Deputy Speaker Mujiv Hataman matapos ares­to­hin ang dalawang nego­syanteng Muslim kahit walang arrest warrant. Ayon kay Hataman, ang Anti-terror Bill kapag naging batas ay madaling abusohin ng mga awtoridad. Kaugnay nito kinon­dena ng Basilan representative na si Hataman ang pag-aresto sa dalawang Muslim na negosyante sa San Andres, Maynila at ... Read More »

Meralco puwedeng i-takeover ng gov’t

IPINAALALA ng isang kongresista sa Meralco na maaaring mag-takeover ang gobyerno sa kanilang operayson batay sa isinasaad sa prankisa nito. Ayon kay Aklan 2nd district Rep. Teodorico Haresco, Jr., may probisyon sa prankisa ng Manila Electric Company (Meralco) na pinapayagan ang gobyerno na mag-takeover sa distribusyon ng koryente. Ginawa ni Haresco ang paaalala noong Martes sa pagdinig ng House committee ... Read More »

IATF hinimok magbigay ng passes sa angkas kapamilya

HINIKAYAT ng isang kongresista ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na maglabas ng special permit para sa mga magkakapamilya na aangkas sa motorsiklo imbes i-ban nang tuluyan.   Ayon kay Rep. Ronnie Ong ng Ang Probinsyano party-list, dapat maglabas ang IATF-EID ng special identification cards o exemption passes para sa mga mag-asawa at miyembro ... Read More »

Duque resign — Solon

MAG-RESIGN ka na Duque! Ito ang hiling ni Magdalo Party-List Rep. Manuel Cabochan III kay Department of Health (DOH) Secretary Fran­cisco Duque III matapos niyang sisihin  ang kanyang mga tauhan sa ibinimbing ‘konsolasyong Benepisyo’ para sa health workers na nama­tay at nagkasakit  nang mahawa ng coronavirus (COVID-19). “For once, he should take responsibility on the fiasco in DOH and resign,” ... Read More »

Frontliners, sektor na mahihina unahin sa COVID-19 testing (Ipinasa sa Kamara)

IPINASA ng Kamara sa pangalawang pagbasa ang panukalang batas na magbibigay ng COVID-19 reverse transcription polymerase chain reaction (RT–PCR) testing para sa mahihinang miyembro o sektor ng lipunan. Ayon kay Iloilo Rep. Janette Loreto-Garin, kailangan unahing bigyan ng COVID-19 RT- PCR test ang mga manggagawa na bumalik sa trabaho, ang matatanda at mga may sakit. Sa kanyang sponsorship speech kahapon para sa ... Read More »

25,000 Marawi bakwit hindi pa nakakabalik

Marawi

TATLONG taon matapos mawasak ang Marawi dahil sa pambobomba sa mga lungga ng Abu Sayyaf, 25,000 residente nito ay nanatiling ‘bakwit’ sa evacuation centers hanggang ngayon at hindi pa nakababalik sa normal na pamumuhay. Sa privilege speech ni Deputy speaker Mujiv Hataman, sinabi niyang lalong nalagay sa panganib ang mga bakwit na taga-Marawi ngayon dahil sa COVID-19. “Hindi either-or ang ... Read More »

Mandatory immunization laban sa COVID-19 – solon

IGINIIT ni House Committee on Health chairman Rep. Angelina Tan sa administrasyong Duterte na magkaroon ng mandatory immunization laban sa COVID-19 bilang pagpuksa sa panibagong outbreak bg virus.   Sa kauna-unahang “Kapihan Sa Manila Bay” sa pamamagitan ng teleconferencing kahapon, sinabi ni Tan na importante ang malawakang immunization program habang nasa ang mga tao.   “We have several initiatives in ... Read More »

Health protocol mahigpit na ipatutupad sa construction work — DHSUD

NAGBABALA ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa mga construction companies na kanilang ipasasara kung hindi masusumod ang mandatory safety protocols na inilatad bago mag-umpisa ang mga trabaho sa construction at iba pang aktibidad sa larangan ng real estate na naantala bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Ayon sa Department Order 2020-005 na pinirmahan ni DHSUD ... Read More »

MERALCO panagutin bunsod ng “shocking electric bills”

NAGBABALA si House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa Manila Electric Company (Meralco) na maaari silang sampahan ng kaso sa ilalim ng Republic Act 11469, o ang Bayanihan to Heal as One Act, kung hindi nila maipaliwanag ang “shocking electric bills” sa gitna ng pandemyang COVID-19.   “Meralco should be made to explain why it is ... Read More »

Palugit sa PhilHealth hiniling ng lady solon (Para sa members at health workers)

HINILING ni Rep. Florida Robes ng San Jose del Monte kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng palugit sa pagbayad ng premium ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kasama ang mga doktor at iba pang health workers bunsod ng kahirapan na dala ng pandemyang COVID-19.   Sa Resolution No. 862, umapela si Robes kay Duterte na isuspendi ... Read More »

NTC nag-sorry sa Kamara (Sa pagpapasara sa ABS-CBN)

HUMINGI ng paumanhin kahapon ang  National Telecommunications Commission (NTC) sa Kamara sa pagtakas sa pangako na bibigyan nila ng provisional authority ang ABS-CBN habang dinidinig ng lehislatura ang aplikasyon ng media company para sa prankisa.   Pumunta ang mga opisyal ng NTC sa Kamara nang hingian sila ng paliwanag para hindi sila i-contempt dahil sa pagsisinunagaling.   “Please rest assured ... Read More »

Artista at iba pang personalidad gamitin sa online teaching – Solon

SA GITNA ng pangamba sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata habang umiiral ang general community quarantine (GCQ) o “new normal” ngunit hindi pa napupuksa ang pandemyang COVID-19, hinimok ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran na mas magiging interesado ang mga bata sa pag-aaral online o kahit sa TV at radyo, kung mga kilalang personalidad na kanilang makikita at maririnig na nagtuturo ng ... Read More »

Provisional authority sa ABS-CBN ipinasa sa ikalawang pagbasa  

INAPROBAHAN ng Kamara sa una at ikalawang pagbasa ang panukalang bigyan ng provisional authority (PA) ang ABS-CBN na makapag-ere hangang Oktubre ngayong taon. Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano na naghain ng House Bill 6732, sapat ang limang buwan para pag-usapan ang 25-taon prankisa ng TV network. Sinisi ni Cayetano ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pabago-bagong posisyon nito ... Read More »

PAG-IBIG Fund huwag maningil nang buo ngayong ECQ – Solon

HINIMOK ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang Home Development Mutual Fund, na kilala sa pangalang Pag-IBIG Fund, na huwag munang maningil ng kabuoang bayad sa mga utang ng miyembro ngayong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) at sa mga lugar kung saan ito tatanggalin.   Ayon kay House Deputy Majority Leader Herrera, ‘unfair’ ang ganyang asta at labag sa ... Read More »

NTC ‘wag gamiting sangkalan ng Kamara  

BINATIKOS ni Albay Rep. Edcel Lagman ang administrasyon sa pagsisi sa National Telecommunication Commission (NTC) sa ipinataw na cease-and-desist order laban sa ABS-CBN. Ayon kay Lagman bigo ang liderato ng Kamara sa pag-aproba ng prankisa na inihain noon pang 2016.   “There is no other solution to the dilemma of ABS-CBN than the immediate renewal of its franchise now that ... Read More »

Away ng NTC at Kamara ‘nagliyab’ sa #deadair ABS-CBN

‘NAGLIYAB’ na ang away ng Kamara at ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos maglabas ang naturang ahensiya ng cease-and-desist order sa ABS-CBN. Pinatitigil ng NTC ang operasyon ng dambuhalang media network ngayon, 5 Mayo. Ayon kay Palawan Rep. Franz “Chikoy” Alvarez, ang chairman ng House Committee on Legislative Franchise, walang karapatan ang NTC na makialam sa isyu ng prankisa ng ... Read More »

Taas-singil ng Philhealth wrong-timing

NANANAWAGAN si House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Philhealth na ipagpaliban ang pagtataas ng contributions ng overseas Filipino workers (OFWs) habang hinihimok ang Pangulong Duterte na iatras and kontrobersiyal na order sa gitna ng kahirapang dinaranas ngayong may krisis pangkalusugan. Sa Circular No. 2020-0014, ang OFWs na may income mula P10,000 at P20,000 ay kailangang mag bayad ... Read More »

Psychiatric evaluation, training ng AFP at PNP suhestiyon ng lady solon

NANAWAGAN si Rep. Niña Taduran ng ACT-CIS party-list ng malawakan at malalimang pagsasanay sa sikolohika (psychological training) ng mga tagapagpatupad ng batas upang mas maging epektibo sa paghawak ng mga sitwasyong may kinalaman sa mga taong may problema sa pag-iisip. Ang panawagan ay ginawa ni Taduran makaraan ang pagkakabaril at pagkamatay ni Private First  Class Winston A. Ragos na nasita ... Read More »

Test kits tinitipid ng DOH – Garin

BINATIKOS ni dating Health secretary at ngayo’y Rep. Janette Loreto-Garin ang Department of Health sa pagkaantala ng malawakang testing sa mga hinihinalang may COVID-19 na dapat umpisahan noong 14 Abril 2020.   Ayon kay Garin, noong 14 Abril pa dapat nagsagawa ng mass testing pero hindi ito nangyari. “Tinitipid ba ng DOH ang pamimigay ng testing kits?” tanong ni Garin. ... Read More »

Allowance sa volunteer doctors at nurses isinulong

IMINUNGKAHI ni Rep. Eric Go Yap ng ACT-CIS Party-list  na bigyan ng allowance ang volunteer doctors at nurses na nasa frontline ng laban sa COVID-19. “We are more than willing to pay what is due for our volunteer doctors and nurses and we will look into this asap,” ani Yap. “Gaya ng mga nasabi ko, itong COVID-19 crisis ay isang ... Read More »

Positibong balita laban sa COVID-19 ng media inspirasyon sa publiko

HINIMOK ng ilang kongresista ang mga miyembro ng media na maglabas ng mga positibong istorya tungkol sa isyu ng COVID-19 upang mabigyan ng pag-asa ang sambayanang Filipino. Ayon kay Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga at Batangas Rep. Raneo Abu importanteng mabigyan ng halaga ang positibong kaganapan laban sa coronavirus (COVID-19)  upang magkaroon ng inspirasyon ang taong bayan na magkaisa laban ... Read More »

Scroll To Top