Friday , April 26 2024

Gerry Baldo

Budget hostage ni Lacson — Solon

BINATIKOS ng isang kongresista si Sen. Panfilo Lacson kahapon dahil sa umano’y pag-hostage sa panukalang 2019 national budget. Ayon kay Rep. Anthony Bravo ng party-list na COOPnatco, may personal na galit si Lacson kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kaya niya iyon ginagawa. “Ngayon, pinaka-latest ho ngayon, the way I look at it, in my own assessment, Sen. Ping Lacson …

Read More »

Bangayan sa budget lalong umiinit

LALONG uminit ang bangayan ng Senado at Kamara kahapon patungkol sa maanomalyang 2019 budget nang hamunin ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya ang mga Senador sa isang joint press conference para himayin nila ang budget ng bawat proyekto. Ani Andaya, ang paglalathala ng budget sa harap ng media ay mag­papatotoo kung sino sa dalawang sangay ng lehis­latura ang nagsasabi ng …

Read More »

Andaya umatras na kay Diokno

UMATRAS na si Cama­rines Sur Rep. Rolando Andaya, chair­man ng House committee on appropriations, sa pag-iimbestiga kay dating Budget Secretary Benja­min Diokno mata­pos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bang­ko Sentral ng Pilipi­nas (BSP). Umasa na lamang si Andaya na mauungkat pa ang mga isyung katiwalian laban kay Diokno sa pagharap niya sa Commission on Appoint­ments kung saan mahaharap si …

Read More »

PPA pinatitigil sa pagsingil sa weighbridge

Philippine Ports Authority PPA

NANAWAGAN si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Philippine Ports Autho­rity (PPA) kaha­pon na tumigil na sa pagsingil sa weighbridge fees para makabawas sa presyo ng mga bilihin. Ani Arroyo, malaking kabawasan sa presyo ng mga gulay, bigas, isda at iba pang bilihin kung ititigil ng PPA ang pa­niningil sa mga truck na nagkakarga nito sa barko. Ginawa ng Speaker ang …

Read More »

Dahil sa delay na nat’l budget… 9-M aso walang bakuna —Suarez

NAGBABALA si House minority leader Danilo Suarez kahapon sa dumaraming aso na walang bakuna.  Ayon kay Suarez umaabot na sa 9 milyon ang aso sa bansa at 10 porsiyento lamang dito ang may bakuna. Sa  kabila nito, sinabi rin ni Suarez na walang anti-rabies vaccine ang mga ospital ng gobyerno sakaling makagat ng dumaraming asong walang bakuna. “May nakagat ng …

Read More »

Narco-list ng politicians isasapubliko inangalan

ANG paglalabas ng listahan ng narco-politicians ay labag sa karapatang pantao at paraan ng panla­lamang ng gobyernong Duterte sa nga kalaban sa politika. Ayon kay Akbayan Rep. Rep Tom Villarin, ang listahan ay isang “virtual death warrant” para hiyain ang politiko at kanyang pamilya sa publiko. Ani Villarin, magiging target rin ito ng mga death squad habang ang mga kaalyado …

Read More »

75 barangay sa Dasmariñas City nakatangap ng patrol cars

TUMANGGAP ng mga patrol car ang 75 barangay sa Dasmariñas City mula kay Rep. Jenny Barzaga at kay Mayor Elpidio F. Barzaga, Jr., kahapon. Ayon kay Cong. Barza­ga kailangan ng mga bara­ngay ang patrol cars, na may nakakabit na CCTV, para sa kaligtasan ng mga tao at para sugpuin ang kriminalidad na bumaba sa halos 50%. Kasama sa mga ibinigay kahapon …

Read More »

‘Drug war’ ni Digong bigo — solon (Sa pagpasok ng bulto-bultong cocaine)

ANG pagbagsak ng bulto-bultong cocaine at iba pang uri ng illegal na droga sa bansa ay isang malinaw na indikasyon na bigo ang Pangulong Duterte sa kanyang madugong “war on drugs.” Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, ‘yung mga nahuling “cocaine bricks” sa karagatan ng bansa ay isang babala sa mas malaking shipment ng droga. “The recent seizures of cocaine …

Read More »

Pagkatapos ng 3 dekada… Mala-diktadurang pamamahala muling nabuhay

Duterte Marcos Martial Law

NAGPAHAYAG ng pag­kalungkot ang mga miyem­bro ng oposisyon kahapon sa ika-33 anibersaryo ng People’s Power Revolution. Anila bumalik ang mala-diktadurang pamamalakad na isinuka ng sambayanang Filipino sa ilalim ng gobyernong Marcos. “Tatlong dekada na ang nakalilipas ngunit nasasaksihan pa rin natin ang mala-diktadurang pamamahala sa gobyer­no. Kaliwa’t kanan ang paglabag sa kara­patang pantao — pagpapata­himik sa mga kritiko ng administrasyon, …

Read More »

NYC chief sibakin — NUSP

UMALMA ang National Union of Students of the Philippines sa pahayag ni Ronald Cardema ng National Youth Commission (NYC) na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng sumasali sa mga kilos protesta laban sa pamahalaan. Ayon sa NUSP, wa­lang karapatan si Car­dema  na supilin ang mga estudyanteng nagpo­protesta laban sa maling patakaran ng adminis­trasyon, malawakang paglabag sa karapatang pantao at ang …

Read More »

Presyo ng palay bumagsak sa rice tariffication law

Rice Farmer Bigas palay

ILANG araw matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang Rice Tariffi­cation Law, nagpahayag ng pangamba ang ilang kongresista sa magiging epekto nito sa magsa­saka. Ayon kay Butil Rep. Cecil Chavez, ang kongre­sista ng mga magsasaka, bumagsak agad ang farm gate price ng palay sa P14 kada kilo. Sa press conference kahapon, nagbabala si Chavez, na magdurusa ang sektor ng agrikultura dahil …

Read More »

Karapatan binatikos si Duterte sa pag-aresto kay Maria Rezza

KINONDENA kahapon ng human rights watch­dog Karapatan ang administrasyong Duterte kaugnay sa pag-aresto sa CEO at executive editor ng Rappler sa kasong cyberlibel. Ayon sa Karapatan, ang kaso kay Maria Rezza at sa Rappler ay malinaw na isyu ng freedom of expression sa bansa. Kinuwestiyon ni Karapatan secretary general Cristina Palabay ang Malacañang na nagsabing ang pag-aresto ay walang kaugnayan …

Read More »

SGMA nagdeklara ng suporta sa HNP ni Sara; Otso Diretso sa Caloocan naglunsad ng kampanya

NAGDEKLARA si Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo ng suporta kay Sara Duterte at sa kanyang Hugpong ng Pagbabago (HnP) sa paglulunsad ng pamban­sang kampanya sa Clark, Pampanga kahapon. Buong-buo aniya ang kanyang suporta rito kasa­ma ang mga sena­torial candidates ng koa­lisyon. “All out, all out,” ani Arroyo. Kasama sa mga senatorial candidates ng HnP ang reelectionists na sina senators Sonny Angara, Cynthia …

Read More »

Bidders na may cash advance nagkakagulo sa P75-B ‘insertions’ — Andaya

MATAPOS ipamahagi ng Kongreso ang P75-bilyones  ‘insertions’ ng Department of Budget and Management sa mga mambabatas, nag­ka­kagulo ang mga con­trac­tor na nanalo sa bid­ding. Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando Anda­ya Jr., pinuno ng House Committee on Appro­pria­tions,  nagbigay na ng ‘commission’ ‘yung iba rito. Ani Andaya, nagta­gumpay ang Senado at Kamara sa re-alignment ng ‘insertions’ ni Budget Secretary Benjamin …

Read More »

Reklamasyon ng Manila Bay target ng EO74

MABILIS na reklamasyon ng Manila Bay ang tunay na pakay ng pagla­labas ng Executive Order No. 74 para sa mga kaibigang negosyanteng Chinese ng Duterte administration. Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao kasama sa mga mapapaboran ng EO 74 ay ang 265-hectare Pearl Harbor City project sa Pasay City na pagma­may-ari ng kaalyado ng pangulong si Dennis Uy. Ang Philippine …

Read More »

Sa ikatlong pagkakataon… Batas militar sa Mindanao walang basehan — oposisyon

mindanao

WALA nang basehan ang batas militar na ipinaiiral sa Mindanao sa pangat­long pagkakataon alinu­snod sa ilalim ng Saligang Batas. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, sa peti­syong inihain sa Korte Suprema kahapon, wa­lang sapat na basehan ang pagpalawig ng batas militar sa Mindanao dahil wala namang nagaganap na rebelyon. Sinabi ni Lagman at anim pang miyembro ng oposisyon sa Kamara, …

Read More »

Sabong pasok sa GAB

Sabong manok

ISASAILALIM na sa Games and Amusement Board ang larong sabong at iba pang electronic betting games. Inaasahang aaprobahan ito ng Kamara sa pangat­lo at huling pagbasa bago mag-adjourn sa linggong ito. Kasama sa mga aw­tor ng bill ang napatay na si Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at Abra Rep. Joseph Sto. Niño Bernos. Sa kasalukuyan, ang pangasiwaan ng GAB, na …

Read More »

ROTC bubuhayin ng Kamara

MATAPOS burahin sa curriculum ng kolehiyo ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) dahil sa mga katiwalian at karahasan na naganap, ibabalik itong muli ng Kamara at inaasahang iaaprub bago mag-adjourn sa 7 Pebrero 2019. Ang ibabalik na ROTC ay ipapatupad sa Grades 11 at 12 o sa senior high school. Ayon kay Batangas Rep. Raneo Abu, isa sa mga awtor …

Read More »

Imbestigasyon sa flood control ‘di matatapos sa pagbibitiw ni Andaya sa Rules Committee

ANG imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects kina­sasangkutan ni Budget Secretary Benjamin Diok­no at kanyang mga balae na nagmamay-ari ng Aremar Construction sa Sorsogon ay hindi mata­tapos sa pagbibitiw ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya bilang chairman ng House Committee on Rules. Inaprobahan ng mga kongresista ang mosyon ni Andaya na ilipat ang imbestigasyon sa House Committee on Appro­priations na …

Read More »

‘Batang Bilanggo Bill’ pasado sa justice panel ng kamara

IPINASA kahapon ng Justice panel ng Kamara ang panukalang ibaba sa 9 anyos ang edad ng criminal liability ng bata taliwas sa kabila ng pagba­tikos dito. Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin kabalik­taran ito ng Juvenile Justice Welfare Act or RA 9344. Nagpahayag ng ma­tin­ding pangamba si Villarin sa kadahilanang mapaparusahan ang mga bata sa ilalim ng baluktot ng sistema …

Read More »

Diokno muling ipinatawag ng Kamara (Sa P37-B bayad sa consultants)

DBM budget money

IPINATAWAG muli ng House committee on rules si Budget Secretary Benja­min Diokno sa pagdinig ngayong araw patungkol sa mga kuwestiyonableng budget allocations ng ahensiya at ang pagpapa-bid ng P37-bilyong con­sultancy fees para sa mga proyekto ng admi­nis­trasyong Duterte. Ayon kay House Majority Leader at Cama­rines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., ang chairman ng komite, nararapat na sagutin ni Diokno …

Read More »

Solons natuwa kay PacMan

NAGPAHAYAG ng tu­wa ang mga kongresista sa panalo ni Senator Man­ny Pacquiao, 40 anyos, laban sa mas batang si Adrien Broner, 29 anyos. Ayon kay Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez, nagbigay ng karangalan si Pacquiao sa Filipinas. “Sen. Pacquiao’s victory is a testament to the faith and resiliency of the Filipino spirit,” ani Romualdez, ang chair­person ng House com­mittee …

Read More »

DBM parang megamall… P37-B ibinayad sa consultants kinuwestiyon

KINUWESTIYON ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang P37-bilyong bidding ng Department of Budget and Management (DBM) para sa consultancy sa iba’t ibang proyekto ng gobyerno. Ani Andaya, hindi lamang bidding ang ginawa ng DBM para sa multi-billion big-ticket infrastructure projects, naging one-stop mega­mall rin ito para sa mga consultant na nag-bid para sa malalaking hala­gang kontrata. Isiniwalat ni …

Read More »

Tax collections sa TRAIN pumalpak — Suarez

MALIBAN sa mga banat ng oposisyon sa parusa ng TRAIN (Tax Reform Acceleration and Inclusion) Law, binatikos na rin ng mga kaalyado ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Kamara ang kapalpakan ng batas para abutin ang target nitong excise tax collection sa mga produktong petrolyo noong nakaraang taon. Ayon kay House minority leader Danilo Suarez, ang nakolekta ng TRAIN …

Read More »

P198-B proyekto isinalang sa bidding ng DBM — Andaya

DBM budget money

NAGMISTULANG bids and awards committee (BAC) ng gobyerno ang Department of Budget and Management (DBM) sa pamumuno ni Secre­tary Benjamin Diokno nang isalang sa bidding nito ang P198-bilyong proyekto  ngayong taon. Ayon kay Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang mga proyektong ito’y bahagi ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte. Sumingaw ang ano­malya sa pagdinig ng House committee on rules …

Read More »