Sunday , November 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Gerry Baldo

Author Archives: Gerry Baldo

Feed Subscription

Mula 8th Congress may ‘small committee’ na — Lagman

NOON pa mang 8th Congress bumubuo na ang Mababang Kapulungan ng “small committee” upang ayusin at pagandahin ang pinagbotohan at ipinasa ng mga mambabatas. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman matagal nang tradisyon ang pagbuo ng “small committee” at may  “presumption of regularity in effecting corrections of style and errata after the approval of the national budget on second reading.” ... Read More »

‘Corrections’ at ‘pinaganda’ lang ng Kamara — Leachon (Para sa 2021 national budget)

SA GITNA ng pangamba ng iilang senador, nanindigan si Senior Deputy Speaker at Oriental Mindoro Rep. Salvador “Doy” Leachon na ang P20 bilyones na institutional amendments ay ginagawa upang itama at pagandahin ang pagkakasulat ng  panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021 na aprobado sa pangatlo at huling pagdinig noong Biyernes. Paliwanag ni Leachon walang binago ang small committee ... Read More »

Imbestigasyon sa DPWH isinulong ni Barzaga

PINAIIMBESTIGAHAN ni Dasmariñas city Rep. Elpidio Barzaga ang Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos mabuyangyang ang malawakang korupsiyon sa ahensiya. Ayon kay Barzaga, nararapat imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ahensiya matapos sabihin ng Pangulong Duterte na sobra na ang katiwalian sa ahensiyang pinamu­munuan ng anak ni Senator Cynthia Villar na si Secretary Mark Villar. Ani ... Read More »

Sobrang ganid sa ‘pork’ — solon (Cayetano kaya bumagsak)

ni Gerry Baldo SOBRANG pagkaganid sa pork barrel kaya nasira, ang liderato ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano. Ito ang sinabi ni Cebu City 2nd District Rep. Rodrigo Abellanosa sa kanyang interpelasyon sa deliberasyon sa P667.32 bilyong pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinamumunuan ni Secretary Mark Villar. Ayon kay Abellanosa, dapat pantay ang pagtingin ... Read More »

Velasco pormal nang iniluklok bilang speaker (Sense of statesmanship ibabalik)

IPINANGAKO ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na ibabalik niya ang “sense of statesmanship” sa Kamara, sa kanyang talumpati sa plenaryo matapos ratipikahan ang boto pabor sa kanyang pamumuno bilang bagong Speaker of the House laban sa mambabatas mula sa Taguig.   Lumabis sa 186 boto na nakuha niya noong Lunes sa labas ng plenaryo ang nakamit na pagsang-ayon ng ... Read More »

Velasco iniluklok ng 186 boto (Para sa Speakership)

ni GERRY BALDO UMANI ng 186 boto si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para iluklok bilang Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sesyon na ginanap sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City kahapon ng umaga. Ang bomoto kay Velasco ay sobra sa kalahati ng 299 bilang ng kabuuang miyembro ng Kamara. Kasama sa mga pinagbotohan sina Jocella Bighani Sipin ... Read More »

2021 nat’l budget ‘ikinakamada’ ng 25 kongresista (Sa bilang na 304 House reps)

NANAWAGAN si Buhay Party-list Rep. Jose “Lito” Atienza kay House Speaker Alan Peter Cayetano na payagang dumalo sa plenaryo ang mga kongresista upang makasama sa mga importanteng pagdinig lalo sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon. Desmayado si Atienza sa nangyayari sa Kamara na 25 kongresista lamang ang pinapayagang makadalo at halos lahat dito ay mga kaalyado ni ... Read More »

Impluwensiya ni Cayetano, bawas na — Atienza

NABAWASAN na ang lakas at impluwensiya ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa 304-member ng legislative chamber para patuloy na hadlangan ang term-sharing agreement na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, naharap si Cayetano sa isang mahirap na sitwasyon matapos maglunsad ng loyalty check na humantong sa pagtanggal kay 1PACMAN Rep. Mikee Romero bilang ... Read More »

Giit ni Velasco 15-21 term-sharing dapat tuparin

MATAPOS maglabas ng manifesto of support ang mayorya ng Mababang Kapulungan noong Lunes, naglabas ng pahayag si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na dapat tuparin ang kasunduan sa pagitan nila ni House Speaker Alan Peter Cayetano. Anang susunod na speaker, tiwala at dangal ay karakter ng isang lider. “Trust and honor are values that are important, especially in these trying ... Read More »

Utak at ‘di tapang kailangan ng presidente – Ex-speaker

SA GITNA ng mga batikos kay Pangulong Duterte sa pagtugon nito sa pandemyang dulot ng CoVid-19, nagpasaring si dating House Speaker Pantaleon Alvarez na kinakailang magkaroon ang bansa ng presidente na may utak at hindi lamang puro tapang.   Ito, umano, ang sinabi ng dating speaker sa kanyang radio program sa Davao del Norte.   “Una, kining kinahanglan mupili ta ... Read More »

Kudeta Vs Cayetano kinompirma ni Pulong

ni GERRY BALDO NAKAAMBA ang posibleng kudeta laban kay House Speaker Alan Peter Cayetano sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw, 21 Setyembre, kung hindi gagawin ang patas na pamamahagi ng pondo para sa mga distrito ng kongresista. Kinompirma ni Deputy Speaker at Davao Rep. Paolo Duterte ang nasabing kudeta kahapon matapos kumalat ang text message niya sa isang kongresista na ... Read More »

80-M Pinoy atat nang gumala (Sa tagal ng lockdown)

KAHIT kumakalat pa ang sakit na CoVid-19, mahigit 80 milyong Filipino ang gusto nang gumala sa mga tourist spots sa iba’t ibang dako ng bansa. Sa pagharap sa pagdinig ng P3.5-bilyong budget ng  Department of Tourism (DOT) sinabi ni Secretary Berna Romulo-Puyat sa House committee on appropriations, 77 porsiyento ng mga Filipino ay ‘atat’ nang gumala. “Based on our survey, ... Read More »

Brosas ng Gabriela, ika-75 biktima ng CoVid sa Kamara

PATULOY ang pagrami ng kaso ng CoVid-19 sa Kamara na ang pinakabagong biktima ay si Rep. Arlene Brosas  ng Gabriela party-list.   Pang-10 kongresista si Brosas na nagka-CoVid sa Kamara, 75 ang naitalang biktima ng malalang sakit.   Hinihinalang nakuha ni Brosas ang sakit sa Kamara.   Ani Brosas, dumalo sa pagdinig ng budget ng Department of Social Welfare and ... Read More »

24.4-M estudyante naka-enrol sa public schools (Sa taon ng pandemya)

UMABOT sa 24.4 milyong estudyante ang naka-enrol sa pampublikong paaralan sa darating na school year 2020 – 2021. Ito ang ulat ni Secretary Leonor Briones ng Department of Education (DepEd) kahapon sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa budget ng ahensiya na naitala sa P754.4 bilyon. “As of this morning we already have 24.4 million learners who are enrolled ... Read More »

Refund sa Covid testing (Utos sa PhilHealth)

ni GERRY BALDO INATASAN ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang Philippine Health Insurance Corp., (PhilHealth) na ibalik ang ginastos sa swab test ng mga kalipikadong miyembro nito. Ayon kay Herrera ang mga miyembro ng PhilHealth “who are classified as eligible for testing based on the guidelines issued by the Department of Health (DOH) could ... Read More »

PERA ng public school teachers inihirit taasan ng kongresista

SA HIRAP ng ekonomiya, hinirit ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred Delos Santos na taasan ng P8,000 ang pinansiyal na tulong para sa mga pampublikong guro sa ilalim ng Personnel Economic Relief Allowance (PERA).   Ani Delos Santos, ito ay tugon sa kakulangan sa monthly income at living wage sa sambahayang may limang miyembro.   Sa House Bill 6329, o ... Read More »

Term-sharing nina Cayetano at Velasco ‘bomalabs’  

AYON kay House Speaker Alan Peter Cayetano ‘malabo’ nang matuloy ang kasunduan nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na paghatian ang liderato sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.   “We don’t really know what will happen in the future,” ani Cayetano sa interbyu sa radio DZBB.   Paliwanag ni Cayetano kung sakaking matuloy ang palitan, siya at isang chairman ng ... Read More »

Reporma sa PhilHealth iminungkahi sa Kamara

SA GITNA ng labis na korupsiyon sa Philippine Insurance Health Corporation (PhilHealth), iminungkahi ni Albay Rep. Joey Salceda, ang hepe ng House committee on ways and means, na magkaroon ng reporma sa estruktura ng ahensiya upang tugunan ang malawakang korupsiyon at mismanagement.   Sa kanyang report sa estado ng sistema ng insurance sa bansa, sinabi ni Salceda, dapat magkaroon ng ... Read More »

Diskuwento sa remittance fees aprobado sa Kamara

INAPROBAHAN na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang magbibigay ng 50% diskuwento sa remittance fees ng overseas Filipino workers (OFWs).   Sa pagdinig kahapon sa pamamagitan ng teleconferencing ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, inaprobahan ang House Bill 826 na iniakda ni Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales.   Nakasaad ... Read More »

Panukala sa presidential succession binawi ng QC lady solon

BINAWI kahapon ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo ang kanyang panukala na magbibigay kapang­yarihan kay Pangulong Duterte na magtalaga ng hahalili sa kanya sakaling hindi nakayanang gampanan ng presidente, bise-presidente, ng Senate president, at ng House speaker. Ang pagbawi sa House Bill No. 4062, na isinumite ni Castelo noon pang 20 Agosto 2019, ay ginawa matapos akuin ng pangulo ... Read More »

 ‘APOR’ nalito at nagkagulo sa border pass ng CSJDM LGU

NAGKAGULO ang netizens ng San Jose del Monte sa Bulacan kahapon dahil sa inilabas na bagong direktiba ng pamahalaang lungsod patungkol sa bagong Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na gustong ipatupad bukod pa sa inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ayon sa SJDM Public Information Office kailangan mag-fill-up ng APOR form ang lahat para maisyuhan ... Read More »

P1.4-B IRM fund ng PhilHealth sa 51 fraud-ridden hospitals ibinigay (Para sa CoVid-19 patient); PhilHealth’s IRM ipinabubuwag

SA PAGDINIG ng House committee on public accounts kahapon lumabas ang karagdagang mga isyu kaugnay sa katiwaliang nangyari sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sa pamumuno ni chairman Rep. Mike Defensor ng Anakalusugan party-list sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa PhilHealth, lumabas na 51 ospital ang nabiyayaan ng P1.4 bilyon sa pamamagitan ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM). Ayon kay Defensor, binigyan ... Read More »

Pagsasanay sa pandemya dapat isama sa K-12 curriculum — solon

HINIMOK ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang Department of Education (DedEd) na isama sa curriculum ng K-12 ang pagtuturo patungkol sa pandemya. Paliwanag ni Herrera, ang kasalukuyang krisis dulot ng CoVid-19 ay nagbibigay diin sa pangangailangang magkaroon ng pagsasanay ang mga estudyante mula Kindergarten hangang Grade 12 upang maging handa sa mga darating na krisis ... Read More »

Turismo magbebenepisyo sa P10-B pondo ng TIEZA  

SISIGLA, umano, ang industriya ng turismo sa bansa sanhi ng P10-bilyong pondong ibinuhos ng pamahalaan sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).   Ayon sa chairman ng House committee on good governance and public accountability Jose Antonio Sy-Alvarado malawak ang mararating ng pondong ito sa sektor ng turismo.   Sa isang pahayag, sinabi ni Sy-Alvarado na ang pondo’y “will ... Read More »

Plunder vs Philhealth officials – solon (Sa nawawalang P153-B pondo)

PLUNDER ang dapat ikaso laban sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa natuklasang eskema kaugnay ng nawawalang mahigit P153 bilyon sa kaban ng ahensiya. “And I submit to this committee, this in fact is plunder. ‘Yung bilyon-bilyong nawala ay plunder. At ang rekomendasyon ko kasuhan hanggang sa regional level dahil lalabas po riyan kung sinong ospital ... Read More »

Scroll To Top