Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Ed Moreno

Author Archives: Ed Moreno

Feed Subscription

15,000 bakwit siksikan sa Montalban

NANANATILING puno ang 16 evacuation centers ng mahigit sa 15,000 bakwit, habang lubog pa rin sa putik at tambak ng basura ang kanilang mga bahay na sinalanta ng nagdaang bagyong Ulysses sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal. Sa rekord ng lokal na pamahalaan, ilan sa mga ginawang evacuation centers ang Aranzazu covered court, Burgos Elementary School, Manggahan National ... Read More »

Donasyon ideretso sa 49 evacuation centers — Teodoro (Sa mga magbibigay ng tulong)

SINABI ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa mga nais magbigay ng mga donasyon sa kaniyang mga kababayan na ideretso sa evacuation center dahil lubog pa rin sa putik at baha ang mga bahay at kabuhayan sanhi ng bagyong Ulysses. Higit aniya na nangangailangan ang mga residenteng nasa evacuation centers ng pagkain, malinis na tubig, gamot, vitamins, diaper, at gamit ... Read More »

EJK victim nabuhay, tinodas sa ospital

NAKALIGTAS man sa bingit ng kamatayan, tinapos ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng emergency room ng ospital ang buhay ng isang biktima ng ‘salvage’ sa bayan ng Angono, sa lalawigan ng Rizal, nitong Miyerkoles, 4 Nobyembre. Kinilala ni P/Maj. Richard Corpuz, hepe ng Angono police, ang biktimang si Vincent Adia, 27 anyos, pinasok at pinatay sa loob ng ... Read More »

P.5-M droga kompiskado sa 2 tulak sa Pasig

NAREKOBER ng mga awtoridad ang higit sa P500,000 o kalahating milyong pisong halaga ng shabu mula sa hinihi­nalang dalawang tulak na nadakip sa lungsod ng Pasig, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Lt. Elvin Olmedillo ang mga arestadong suspek na sina Rhina Rose Olarte, 27 anyos, at Jericson Laguna, 27 anyos, kapwa residente ng Pasco Ave., Barangay, Santolan, sa naturang ... Read More »

No. 1 wanted karnaper timbog sa Marikina

ARESTADO ang isang 44-anyos top most wanted na karnaper nang masakote ng tropa ng intelligence unit ng pulisya sa Barangay Fortune, sa lungsod ng Marikina, noong Sabado ng gabi, 10 Oktubre. Kinilala ang nadakip na suspek na si Eduardo Odibellas, 44 anyos, No. 1 most wanted ng Eastern Police District (EPD) sa kasong carnapping at nakatira sa nabanggit na lugar. ... Read More »

Ferry terminal, itatayo sa Rizal (Para iwas trapik)

INILATAG na ang groundbreaking ceremony ng itatayong ferry terminal na uugnay sa Rizal at Makati upang maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila. Tiniyak ito ni 2nd District Congressman Fidel Nograles upang mapabilis ang biyahe at inaasahang darami ang investor sa lalawigan ng Rizal. Magmumula ang konstruksiyon ng terminal sa bayan ng Cardona at bahagi ito ng itatatag na ... Read More »

69 bagong CoVid-19 recovery naitala sa Mandaluyong

NAITALA sa lungsod ng Mandaluyong ang 69 bagong pasyenteng gumaling mula sa CoVid-19 kamakalawa, 5 Oktubre.   Sa datos ng Mandaluyong Health Department, dakong 4:00 pm noong Lunes, nasa 4,858 ang kompirmadong kaso ng CoVid-19 sa lungsod, 487 dito ang aktibong kaso.   Naitala rin ang 20 itinuturing na probable cases, 1,540 suspected cases at 1,285 ang cleared na.   ... Read More »

Mag-tatay na kidnap suspects patay sa shooutout

PATAY ang mag-amang pinaniniwalaang sangkot sa mga insidente ng homicide at kidnapping, sa isang enkuwentro laban sa mga pulis sa bayan ng Teresa, lalawigan ng Rizal, noong Miyerkoles ng gabi, 16 Setyembre.   Kinilala ni PNP Anti-Kidnapping Group chief P/BGen. Jonnel Estomo ang mga napaslang na suspek na sina Rodel Cabungcal Basi at kaniyang anak na si Romar Basi.   ... Read More »

P1.3-M shabu kompiskado sa Montalban

TINATAYANG nasa P1,360,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang pinaniniwalaang big time na tulak ng droga sa isinagawang buy bust operation kahapon, 14 Setyembre, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal.   Ikinasa ng PDEA Special Enforcement Service ang anti-illegal drugs buy bust operation dakong 3:10 pm nitong Lunes, laban sa ... Read More »

Kara o Krus sa Kalyeng Cruz 4 timbog (Sa Pasig City)

KALABOSO ang apat katao nang makompiska ng mga awtoridad ang tatlong pirasong mamiso o ‘pangara’ at bet money kamakalawa, 13 Setyembre, sa lungsod ng Pasig.   Kinilala ang mga nadakip na sina Dionito Bahia, 54 anyos; Romnick Calingasan, 31 anyos; Rafael Bernardo, 48 anyos; at Rolando Avelino, 33 anyos, pawang mga nakatira sa Bolante 1, Barangay Pinagbuhatan, sa naturang lungsod. ... Read More »

Binatang giniyang timbog sa alak at droga sa Pasig

KALABOSO ang isang binata nang mahuli sa aktong nagnakaw ng isang bote ng gin at nakuhaan ng droga sa lungsod ng Pasig.   Kinilala ang nadakip na si Giro Cruz, 28 anyos, matapos ireklamo ni Marvil Cancisio, tindero sa 7/11 Convenient Store sa Barangay Caniogan, sa lungsod.   Ayon sa pulisya, dakong 3:30 pm nang pumasok ang suspek sa convenience ... Read More »

8 sabungero tiklo sa tupada sa Marikina

ARESTADO ang walo katao at nakompiska ang ilang manok na panabong na may mga tari, at perang taya sa isang tupada, noong Linggo ng hapon, 6 Setyembre, sa lungsod ng Marikina.   Kinilala ng Marikina PNP ang mga nadakip na nagsasabong na sina Benjie Vazuela, 26 anyos; Richaer Telan, 40 anyos; Elmer Vargas, 39 anyos; Eduardo Masco, 53 anyos; Michael ... Read More »

Ginang na tulak timbog sa Antipolo (P.7-M droga nasamsam sa buy-bust)

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit sa P.5 milyong halaga ng shabu mula sa isang ginang sa isinagawang buy bust operation noong Linggo ng gabi, 6 Setyembre, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal.   Sa ulat na tinanggap ni P/Col. Joseph Arguelles, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang suspek na si Corazon Antonio, nasa hustong gulang, nakatira sa Sitio ... Read More »

4 golden ladies timbog sa droga (Sa Marikina City)

ARESTADO sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina city police ang apat na matandang babae sa ilegal na droga kabilang ang dalawang huli sa aktong sumisinghot ng shabu, nitong Lunes ng gabi, 31 Agosto, sa lungsod ng Marikina.   Kinilala ni P/Capt. Fernildo de Castro, hepe ng SDEU, ang mga nadakip na sina Emma de Leon, ... Read More »

Pulis-CIDG niratrat sa bilyaran (Sa Rodriguez, Rizal)

PATAY ang 46-anyos tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa rami ng tama ng bala ng baril mula sa apat na gunman, kamakalawa ng gabi, 31 Agosto, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), sa lalawigan ng Rizal.   Sa ulat na tinanggap ni P/Lt. Col. Rexpher Gaoiran, hepe ng Montalban police, kinilala ang napatay na si P/SSgt. Renato Grecia, ... Read More »

2 patay, 17 arestado sa land grabbing (Sa Antipolo City)

PATAY ang dalawa katao habang 17 ang inaresto kasama ang apat na pulis na sangkot sa pangangamkam ng lupang pag-aari ng Hard Rock Aggregates, nitong Lunes ng hapon, 31 Agosto, sa lungsod ng Antipolo.   Ayon kay P/Maj. Baby Amadeo Estrella, deputy chief ng Antipolo City police, kasalukuyan nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang namatay sa insidente.   Kinilala ang ... Read More »

Alyas Tulok timbog sa P.2-M shabu sa Marikina City

ARESTADO ang isang 39-anyos lalaki, kilala sa alyas na ‘Tulok’ na pinanini­walaang talamak sa pagtutulak ng droga, sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), noong Sabado ng gabi, 29 Agosto, sa lungsod ng Marikina. Kinilala ni P/Col. Restituto Arcangel, hepe ng Marikina police, ang nadakip na suspek na si Rolando Turalba, Jr., alyas ... Read More »

Graphic artist, Grab driver arestado sa pekeng dokyu

ISANG graphic artist at isang Grab driver ang dinakip ng pulisya dahil sa pamemeke ng health certificate at travel pass sa ikinasang entrapment operation ng San Juan PNP noong Sabado ng hapon, 22 Agosto. Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, hepe ng San Juan police, ang mga nadakip na sina Angelito Benipayo, 42 anyos, isang graphic artist; at Laverne Esquivias, 32 ... Read More »

2 itinurong ‘tulak’ timbog sa droga (Sa Montalban)

ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug pusher at nakuha sa kanila ang 25 transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu sa buy bust operation na ikinasa ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon, 17 Agosto, sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal.   Kinilala ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Joseph Arguelles ang mga nadakip na suspek na sina Alexander Rañada, alyas ... Read More »

Doktor timbog sa cainta (Inakusahang nanghipo ng dalaga)

ARESTADO sa mga operatiba ng Pasig PNP ang isang 41-anyos doktor na sinabing wanted sa kasong panghihipo noong isang taon, sa bayan ng Cainta, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 16 Agosto. Kinilala ni P/Col. Moises Villaceran, hepe ng Pasig police, ang nadakip na kinilalang si Dr. Ian Raymond Antonio, medical doctor, nakatira sa Green Park, Barangay San Isidro, ng nabanggit ... Read More »

Pasaway sa Marikina binalaan ni Teodoro (Pulis, barangay chairmen mananagot)

NAGBABALA si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa ilang barangay chairman dahil sa paglabag sa quarantine protocols. Ang pahayag ay ginawa ng alkalde kaugnay ng panayam sa radyo hinggil sa mga ulat na nagkakaroon ng mass gathering gaya ng inuman at videoke sa ilang barangay sa Marikina City, kabilang sa Fortune, Parang, at Marikina Heights. “Bawal ‘yan. Hindi dapat mangyari… ... Read More »

COVID-19 positive sa Montalban umakyat sa 71

LOMOBO sa 71 ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa anim na barangay sa bayan ng Montalban, sa lalawigan ng Rizal.   Ayon sa datos ng local health office, 32 sa Barangay San Jose, 20 sa Barangay San Isidro, lima sa Barangay San Rafael, siyam sa Barangay Burgos, tatlo sa Barangay Manggahan, at dalawa sa Barangay Balite ang positibo sa naturang ... Read More »

379 COVID-19 positive sa Marikina 181 gumaling na, 31 naitalang patay

TUMAAS sa 379 ang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 habang nananatili sa 31 ang pumanaw dahil sa pandemya at 181 ang nakarekober sa lungsod ng Marikina. Ayon sa Public Information Office (PIO), 11 ang nadagdag sa tinamaan ng coronavirus disease kaya umakyat sa 379 sa huling tala nitong nakalipas na Biyernes ng hapon, 3 Hulyo, na umabot sa ... Read More »

Tulak nasakote sa .6-kilo ‘damo’

TIMBOG ang isang 23-anyos lalaki nang masamsam mula sa kaniya ang tinatayang 604 gramong pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pinagsanib na puwersa ng Montalban PNP at PDEA sa bayan ng Rodriguez, sa lalawigan ng Rizal.   Kinilala ni P/Capt. Renato Torres, deputy chief of police ng Montalban PNP, ang nadakip na suspek na si John ... Read More »

8 adik nag-pot session sa footbridge timbog (Sa Mandaluyong)

KALABOSO ang walong katao nang mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa isang footbridge sa Shaw Boulevard, Barangay Highway Hills, sa lungsod ng Manda­luyong noong Huwebes ng gabi, 25 Hunyo. Kinilala ang mga suspek na sina Allan Garcia, 39 anyos; Rowell Santos, 33 anyos; John Carlo Ocampo, 34; Ryan Mendoza, 30 anyos; Lester Caalim, 28; Andrew Aday; Jose Panganiban, 21 ... Read More »

Scroll To Top