Saturday , April 20 2024

Ed de Leon

Matteo, bakit ‘di na lang idemanda ang dating bodyguard ni Sarah?

BAKIT hindi idemanda na lang ni Matteo Guidicelli ang dating bodyguard ni Sarah Geronimo dahil sa ginawang pagpapa-blotter niyon sa kanya sa Presinto 7 ng Taguig Police, at pagpapa-interview pa sa radyo tungkol sa sinasabing pananapak niya kung hindi naman talaga totoo iyon kagaya ng kanyang claim? Ganoon din ang iginigiit ng kanyang manager na si Vic del Rosario, na “wala naman daw sinapak …

Read More »

Panganganak ni Anne, natabunan ng hostage taking sa Greenhills

HINDI halos namalayan ang balita tungkol sa panganganak ni Anne Curtis sa isang ospital sa Melbourne, Australia dahil nasabay iyon sa isang hostage taking na tumagal ng 10 oras sa Greenhills. Dati madalas kami sa mall na iyon, paborito namin ang isang Chinese restaurant doon, iyong Shin Ton Yon. Ngayon lang tinatamad kaming magpunta sa Greenhills dahil sa traffic at doon sa …

Read More »

Mommy Divine, lalong napasama sa pagsasalba ng imahe nina Sarah at Matteo

Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine

AGREE ang maraming observers, na sa ginagawang damage control ngayon para maisalba ang image nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil sa kaguluhang naganap noon sa kanilang sikretong kasal na ang magiging “collateral damage” ay ang nanay ni Sarah na si Divine Geronimo. Tiyak na siya ang pagbubuntunan ng sisi para maisalba ang image ng kanyang anak at manugang. Ang masakit pa ay ang bintang …

Read More »

Direk Joel, nakapag-promote ng Hindi Tayo Pwede sa senado

WALA naman daw pagta-trying hard sa parte ni director Joel Lamangan nang mag-promote pa siya ng pelikula niyang Hindi Tayo Pwede nang humarap siya bilang resource person sa pandinig ng senado sa franchise extention ng ABS-CBN. TINANONG naman kasi siya ni Senadora Grace Poe kung ano ang pelikula niya. In fact, nagtanong pa si direk Joel kung ok lang bang sabihin pa iyon. Pero binigyan siya ng …

Read More »

Matteo, sinabihan si Mommy Divine ng ‘baliw iyan, baliw iyan’; Ama ni Sarah, hinamon pa ng suntukan

TAHIMIK na sana ang lahat, pero nang lumabas daw na parang nagsisinungaling pa siya, nagpasyang magsalita si Jerry Tamara, bodyguard ni Sarah Geronimo, at magsasampa rin ng demanda laban kay Matteo Guidicelli na sinasabi niyang sumapak sa kanya, nang pakiusapan niya si Sarah na kausapin muna si Mommy Divine bago tuluyang umalis kasama ng kanyang asawa. Sinabihan daw siya ni Matteo na, “huwag kang makialam dito, asawa …

Read More »

Hindi Tayo Pwede, maging hit din kaya sa takilya?

GAANO kalaki kaya ang kikitain ng pelikulang Hindi Tayo Pwede kapag ipinalabas na iyon sa mga sinehan sa March 4? Kung titingnan mo ang dami ng nanood ng trailer ng pelikulang iyan nina Lovi Poe at Marco Gumabao, masasabi mong magiging hit nga iyan. Pero hindi mo mapagbabasehan iyong count ng social media, dahil iyang mga nag-aabang sa social media, hindi iyan ang nanonood ng …

Read More »

ABS CBN rally mas sinuportahan kaysa EDSA anniversary

MAS marami pang taong nagkatipon para suportahan noong isang gabi ang ABS-CBN kaysa nakita sa EDSA noong anniversary ng People Power. Sa ABS-CBN ang estimate ng pulis ay mga 1,000 katao. Sa EDSA ang police estimate ay 300 lamang, at ang nagpadami ay iyong mga pulis. Karamihan pa ng sumama sa celebration ay mga government employees. Akala pa naman namin ay talagang …

Read More »

Pagsugod ni Mommy Divine, natural sa isang magulang

Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine

ITUWID na natin ang lahat ng maling reports. Hindi isang civil wedding iyong ginawa kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Iyon ay isang kasal na ang nagsagawa ay isang pastor ng Evangelical Church, dahil ang kanilang kinaaanibang Victory Christian Fellowship ay nasa ilalim ng Evangelical church, isang sektang protestante. Roon naman sa sinasabing sapakan, sabihin na lang nating napag-usapan na …

Read More »

Lovi, Marco, at Tony, sexy na kahit ‘di magpa-sexy

 “ANG daming mga artista riyan nagpipilit na magpa-sexy, hindi naman sexy. Pero ang mga artista ko ano mang tingin ang gawin mo talagang sexy. Hindi na kailangang magpa-sexy, kasi nga sexy na sila,” ang sabi ni director Joel Lamangan tungkol sa mga artista niyang sina Marco Gumabao, Lovi Poe, at Tony Labrusca Roon sa pelikula niyang Hindi Tayo Pwede. Hindi …

Read More »

SUNTOK SA TALA: Matteo, sinuntok ang bodyguard ni Sarah sa kanilang kasal

Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine

SINUNTOK at tinamaan sa leeg ni Matteo Guidicelli ang bodyguard ng kanyang asawa na ngayong si Sarah Geronimo, na nagpakilalang si Jerry Tamara y Cortez, 31, at naninirahan sa 1000 Mindanao Avenue Quezon City. Ito ay ayon sa sumbong na ginawa ni Tamara sa presinto 7 ng Taguig Police. Habang idinaraos umano sa Shangrilla Hotel sa BGC ang kasal na sibil nina Sarah at Matteo, …

Read More »

Naglalakihang artista, pumirma pa rin ng kontrata sa ABS-CBN (tiwalang ‘di magsasara ang network)

MUKHA ngang dahil sa pagtitiwala na ano man ang gawin ay hindi maaaring masara ang ABS-CBN, talagang pumirmang muli ng kontrata sa kanila ang maraming mga star. Kabilang sa mga muling pumirma ng exclusive contract sa Kapamilya Network ay sina Karla Estrada, Ogie Alcasid, at Donny Pangilinan. Nauna riyan muling pumirma ng kontrata para sa network si KC Concepcion. Iyong …

Read More »

TV plus, magagamit pa rin

NAPAG-USAPAN na rin iyang “technical,” marami raw po ang natatakot na mabasura pati na ang kanilang ABS-CBN TV Plus kung mawawala na ang franchise ng network. Hindi naman po mangyayari iyon. Ang kinukuwestiyon lang sa TV Plus ay iyong kanilang pay per view. Iyong free tv broadcast na nasasagap ng TV Plus ay walang problema. Iyang TV Plus na iyan …

Read More »

John Lloyd at Bea movie, sure hit

NAGKASAMA lang sa isang script reading project sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, marami na agad ang nagsabi na bagay silang dalawa, at hindi lang sinasabing sana ay magkaroon sila ng pelikula. May nagsasabi pang sana magkatuluyan na lang silang dalawa. Sina John Lloyd at Bea ay nakagawa na rin naman ng ilang pelikulang lahat ay naging malalaking hits. May tuksuhan pa …

Read More »

Nude pictures ni Anne, sexy pa rin

NOONG araw, ang paniniwala ng mga matatanda, ni hindi dapat magpapakuha ng litrato ang isang babaeng buntis. Kaya nga noong araw basta ang isang babae ay buntis at hindi maiwasan ang picture taking hahanap iyan ng kahit na anong mahahawakan para matakpan ang kanyang tiyan. Pero ngayon, buong ningning nang nagpapakuha ng picture ang mga buntis. Si Anne Curtis ay may ginawa …

Read More »

Kulikadidang ni Direk, kasing laki lang daw ng ATM ang ipinagmamalaki

NAKAHALATA na raw si direk. Iyong kanyang kulikadidang na nasa probinsiya, panay na ang request sa kanya na magpadala ng pera sa pamamagitan ng money transfer. “Humihingi ng pera, hindi nagpapakita,” sabi ni direk. Nahalata na tuloy ni direk na mukhang balak na lang siyang gawing ATM machine ng kanyang lover. “Aba wala naman siyang maipagmamalaki. Oo nga pogi siya pero kasing …

Read More »

Aktres, sunod-sunuran sa aktor BF

TALAGANG sunod-sunuran lamang si female star sa kung ano man ang gustong mangyari ng kanyang boyfriend. Takot kasi siyang mapalitan ng boyfriend niya. Hindi niya maipagmamalaki ang suportang ibinibigay niya sa boyfriend niya dahil may dalawa naman daw mayamang bading na nagbibigay din ng suporta roon. Kawawa si female star. Isipin ninyo iyong ganda niyang iyon ang kalaban lang niya bading? Paano …

Read More »

Mister, ‘di makakawala kay bading kahit kasal na kay misis

blind item

EWAN kung alam ni misis, pero hindi natatapos sa pag-aasawa nila ng kanyang mister ang relasyon niyon sa isang bading na matagal na niyong karelasyon. Kung magkapagpapagaan sa loob ni misis, at least isang bading lang ang pinakisamahan ng mister niya, hindi gaya ng problema ng isang female star na ang boyfriend ay palipat-lipat sa mga bading. Hindi rin naman daw kasi maiwan agad ni …

Read More »

Robin, ‘di kinakalaban ang ABS-CBN

TEKA mukhang nagiging magulo ang mga issue. Kung titingnang mabuti, hindi naman masasabing kinakalaban ni Robin Padilla ang ABS-CBN. Hindi naman niya pinakikialaman ang problema sa franchise ng network. Ang sinasabi lang ni Robin sa mga kapwa niya artista, bago makialam sa problema ng franchise ng kanilang network, pakialaman muna ang pagpapabuti ng kondisyon sa trabaho nilang lahat na mga artista. Kung iisipin …

Read More »

Tatay ni James, ka-date ni Nadine noong Valentine’s Day

BUSY kasi si James Reid doon sa pagsasanay sa pag-arte at pagsasalita ng Tagalog, dahil sa gagawin nilang project niyong si Nancy McDonie ng Momoland. Kaya naman siguro ang nakitang ka-date ni Nadine Lustre noong Valentine’s day ay ang tatay ni James na si Malcolm Reid. Magkasama sila sa isang restaurant sa Rockwell, Makati. Pero hindi naman silang dalawa lang. Kasama nila ang kinilalang si “Ate Marie” na …

Read More »

Aktor, mahilig tumitig sa mga nakasasabay sa gym

blind mystery man

MAGANDA rin naman ang abs ng isang male star, pero ang hindi maintindihan ng kanyang gym instructor ay kung bakit lagi siyang titig na titig sa ibang nag-eensayo sa gym na maganda rin ang katawan? Basta raw pogi, at may pagka-chinito ang nakakasabay niyon sa gym, hindi makapag-concentrate sa sarili niyang exercise at hihingi na ng break, tapos tititigan na ang poging …

Read More »

DZMM, ‘wag masyadong higpitan si Jobert

HINDI maitatago na masama ang loob ng kolumnista at radio host na si Jobert Sucaldito. Isang buwan na siyang suspendido sa kanyang radio program, “without pay” at ang narinig niya ay iniaalok na ang kanyang trabaho sa ibang talents. Ang angal ni Jobert, 17 taon na siya sa DzMM, wala man lang bang konsiderasyon matapos na ireklamo siya ng fans …

Read More »

Aktres, ‘di matanggap ang pagiging high class escort ni actor-BF

TITA Maricris, ang hindi raw ma-take ng isang female star ay ang natuklasan niyang katotohanan na ang kanyang boyfriend pala ay suma-sideline bilang isang “high class escort” sa mga bading. Pumapatol siya sa ganoon para lang magkapera. Kung sabagay bago naman naging sila ay naging “low class escort” din naman iyan, eh ano ang bago? Buti nga ngayon mas malaki na ang bayad …

Read More »