Friday , April 19 2024

Ed de Leon

Sarah, kasundo na ang mga magulang; Matteo, ‘di bumati sa birthday ng ama ni Sarah

NOONG birthday ng tatay ni Sarah Geronimo, lumalabas ang isang picture niya, nakayakap sa kanyang tatay at sinasabing iyon ang kanyang “habambuhay.” Maliwanag kung ganoon na nagkasundo na si Sarah at ang kanyang mga magulang. Pero kapuna-puna na ang bumati nga lang ay si Sarah. Si Matteo Guidicelli ay hindi kasama. Ibig bang sabihin ay hindi pa rin nagkakasundo si Matteo at ang kanyang …

Read More »

Mga programa ng ABS-CBN, mapapanood na sa Zoe TV

KAILAN pa ba namin sinabi sa inyo na nagkakaroon na ng kasunduan ang ABS-CBN at ang ZOE TV? Isang buwan na yata ang nakaraan, hindi ba Tita Maricris?   Kasi maliwanag na hindi kayang mag-survive ng mga TV show kung wala silang on the air broadcast. Hindi puwedeng cable at internet lang. Noong mawala on the air ang ABS-CBN, para na rin silang nabura, …

Read More »

Dahlia, ‘di ipinagdamot nina Anne at Erwan

IPINAGMAMALAKI pa ni Anne Curtis, seven months na ang anak niyang si Dahlia. Iyang si Dahlia na yata ang showbiz baby na may pinakamaraming pictures. Kapapanganak pa lang niya lumabas na agad sa social media account ng kanyang mga magulang ang pictures niya. Hindi ipinagdamot ni Anne at ni Erwan ang picture ng kanilang anak sa fans. Siguro masasabi ngang natural lang iyon …

Read More »

Caridad Sanchez, may Dementia

MAY dementia na pala si Caridad Sanchez. Iyan ang inamin ng kanyang anak sa isang television interview ni Mario Dumaual. Mahirap na sakit iyang dementia. Pero suwerte na rin si Aling Caring, dahil at least 87 na pala siya. Iyang dementia rin ang ikinamatay ng singer na si Helen Reddy noong nakaraang linggo lang at iyon ay 78 lamang. Noong araw ang akala namin …

Read More »

Malanding bata, umamin na

AAMININ din naman pala ng malanding batang babaeng iyan ang kanyang kalandian, bakit nga ba pinatagal pa niya? Kung noong una pa ay inamin na niya ang lahat, hindi na sana nagkaroon pa ng kung ano-anong controversy sa kanyang buhay. Ang lahat naman ng controversy ay nagsimula lamang sa kanyang kalandian.   Hindi na sila natuto. Katakot-takot na denial pa ang kanilang …

Read More »

Pamilya ni Aktor, nabubuhay ng marangya kahit walang trabaho

MATAGAL na rin namang walang trabaho si male star at sa ngayon sinasabing binubuhay niya ang kanyang pamilya sa paggawa ng tinapay. Ewan kung mayroon na nga ba siyang maliit na panaderya. Pero hindi sa panaderya nabubuhay ang actor, sabi ng isa naming source. Kasi sinasabing every now and then, nakikita siyang bumibisita sa bahay ng isang politician na kilala namang “gay.” …

Read More »

People’s Initiative ng ABS-CBN, malabo na

abs cbn

SINASABING ang tinatanaw na linaw ng ABS-CBN na muli pa silang makapagharap ng panibagong application para sa panibagong franchise, makalipas lang siguro ang ilang buwan ay mukhang lumabo pa ngayon. Iyong inaasahan kasi nilang pagpapalit ng liderato ng kamara ay hindi rin naman nangyari.   Inaasahan nila noon na sa pagpapalit ng liderato, mas magkakaroon naman ng simpatiya sa kanila, pero sa …

Read More »

Jodi at Raymart, may karapatang lumigaya

HINDI na natin kailangan pang kompirmahin kahit na kanino, kasi mismong sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria na ang umamin mismo ng kanilang relasyon sa kanilang social media account. Hindi halos natin nabalitaan, pero lumalabas na split na pala si Raymart sa kanyang non-showbiz girlfriend. Kasi iyang si Raymart naman talagang malihim pagdating sa kanyang lovelife. Hindi siya nagkukuwento talaga sa mga bagay …

Read More »

Poging actor, kay gay politician na iniaasa ang kabuhayan

OKEY din naman ang gimmick ni Pogi. Kung saan-saan siya nakararating dahil umano sa ipino-promote niyang advocacy. Kasama rin niya ang “friend” niyang politician na may kapareho rin namang advocacy. Sino nga ba naman ang magdududa kung magkasama sila sa kung saan-saan?   Pero ang totoo, iyon palang politician ay gay, at siyang benefactor ngayon ni pogi. Paano nga ba naman siyang mabubuhay …

Read More »

Pagpapalit kay Mr. M sa Star Magic, maling diskarte

WALA sa panahon ang pagpapalit ng mga namumuno sa Star Magic. Una ang lahat ng idea simula’t simula ay binuo ng director na si Johnny Manahan. Sina Mr. M at Mariole Alberto ang nagpatakbo niyan (Star Magic) noon pa man. Parang hindi ito ang panahon na mawala sila roon at magpalit ng diskarte sa handling ng talents, lalo na’t kailangan pa nga nilang makipag-deal …

Read More »

Tony Labrusca, no time sagutin kung gay ba siya o hindi

HINDI naman sinagot nang diretso ni Tony Labrusca ang sinasabi ng iba na siya ay “gay.” Ang sinabi niya, sabihin man niyang hindi siya gay, paniniwalaan pa rin iyon ng iba. Kung sasabihin naman niyang gay siya, may iba rin namang mag-iisip at sasabihing iyon ay “gay baiting” lang, o iyong pagpapanggap na gay para makuha ang suporta ng gay community. Kaya …

Read More »

Affair ni Aktor sa showbiz gay, ‘di maitanggi (Pati tulo ng bubong ipinagawa)

HINDI maitanggi ng isang male star ang naging “affair” niya sa isang showbiz gay. Tinulungan naman sila niyon, noong ang kanilang pamilya ay walang-wala pa. Pinapakyaw ang lahat ng kanilang tinda. Ipinagawa pa raw ang bubong ng kanilang bahay na tumutulo na. Bukod doon, hindi naman biro-birong pera rin ang naibigay sa kanya ng showbiz gay, lalo’t noon naman ay wala na siyang …

Read More »

Kabayan Noli, mananatiling Kapamilya

SINABI ni Noli de Castro, siya ay mananatiling Kapamilya at hindi na  aalis ng ABS-CBN. Sinabi nga niyang nagsimula siya sa ABS-CBN noong 1986, noong makuhang muli iyon ng mga Lopez mula sa gobyerno. Hindi na siya aalis doon. Parang mahirap din namang umalis pa si Noli sa ABS-CBN. Hindi siya riyan nagsimula. Galing siya sa mga Benedicto, sa RPN at sa IBC, pero nagtagal siya talaga at nakakuha ng malaking …

Read More »

Sherilyn, aminadong naghirap nang ma-1-2-3 sa negosyo

INAMIN ni Sherilyn Reyes na sa ngayon, panay ang kayod nila dahil hirap na hirap sila sa pera. Talagang sagad, sabi nga niya. Una, dahil nga sa pandemic wala sila halos trabaho, at hindi lang naman siya, halos lahat ng artista ay ganyan. Kaya nga mapapansin ninyo, ang daming artistang pumasok na lang sa on line business, dahil iyon lang ang kanilang …

Read More »

Poging actor, ni-reject ni gay millionaire

ISANG dagok sa dating poging sikat na matinee idol iyong sinabi ng isang “friend” niya na “rejected” siya ng isang gay millionaire na target sana niya. Noong araw na kasikatan niya, aba eh pila-pila ang may ambisyong maka-date siya, at willing to pay kahit na magkano ang mga iyon. Pero iba noon kaysa ngayon. Sikat na sikat siya noon, at aminin naman natin talagang …

Read More »

Bantang rape ng netizen kay Liza, tinadtad ng bash

NAG-APOLOGIZE iyong isang ang pangalan ay Melissa Olaes, gamit ang kanyang social media account, dahil sa kanyang nagawang pagbabanta ng rape kay Liza Soberano. Sinabi niyang katakot-takot na bash ang kanyang inabot dahil sa kanyang statement na iyon, na sa palagay naman niya ay parang karaniwang pribadong usapan lamang, at hindi niya inaasahan ang ganoong reaksiyon. Aba nakalimutan yata niya na hindi …

Read More »

Seksing katawan ni Julia, ibinuyangyang (igiit na ‘di siya buntis)

HINDI pinalampas ni Julia Barretto ang tsismis ng broadcaster na si Jay Sonza na siya ay nabuntis ni Gerald Anderson. Inilabas pa niya ang isang picture na sexy siya at litaw ang tiyan. Pero alam naman ninyo ang mahihilig sa tsismis, puwedeng sabihing lumang photo iyan. Ewan kung ang ginawang denial ni Julia ay sasagutin pa ni Jay sa kanyang social media account, dahil doon …

Read More »

Aktor, bawal na sa gym dahil sa pamboboso

“MADALAS siya noon sa gym namin eh, pero ngayon hindi na,” sabi ng isang poging physical fitness trainer tungkol sa isang male star. “Sinabihan kasi siya ng may-ari na sa ibang branch na lang mag-gym, kasi sunod-sunod ang reklamo ng ilang gym goers na namboboso siya sa mga nagsa-shower na lalaki,” sabi pa ng aming source. Inamin din niyang pati siya ay gustong maiskoran ng pogi …

Read More »

Bisikleta ni Bailey May, ninakaw ng 3 kalalakihan

SA panahong ito na napakaraming bisikleta dahil sa kulang nga ang transportasyon, marami rin siguro kayong naririnig na mga bisikletang nananakaw. Pero huwag na kayong magtaka, hindi lang naman sa Pilipinas nangyayari ang ganyan. Natatandaan pa ba ninyo iyong sumali noon sa PBB na si Bailey May? Nagbibisikleta siya noong isang araw bilang bahagi ng kanyang daily exercise. Ginagawa naman niya iyon araw-araw. …

Read More »

Lupang kinatitirikan ng ABS-CBN, iimbestigahan din

ABS-CBN congress kamara

HINDI lamang nawalan ng franchise at nabawian ng frequency. Ang kasunod namang iimbestigahan ng Kongreso sa Miyerkoles, ay ang lupang kinatatayuan ng studios ng ABS-CBN. Kasi wala raw naipakitang original title ang ABS-CBN noong tinatanong sila tungkol sa kanilang lupa, at lumalabas sa record na ang lupa nila roon ay 42 square meters lamang dapat, at hindi apat na libong square …

Read More »

Janella, tahimik sa tunay na dahilan ng pagpunta sa UK

HANGGANG ngayon, nananatiling tahimik si Jannella Salvador tungkol sa mga tsismis na kaya siya nasa UK, kasama ang kanyang boyfriend na si Markus Paterson ay umano roon siya magsisilang ng kanilang anak. Lumabas ang tsismis na iyan dahil din sa isang video na naka-upload sa social media account ni Markus na sinasabi ni Janella na  “I can’t jump”. At pinakakahulugan ng iba na kaya …

Read More »

Rodjun, sobra ang pagkasabik sa anak

SABI nila, mukhang masyado ngang sabik si Rodjun Cruz sa kanyang anak na panganay na si Rodolfo Joaquin Diego Ilustre III, dahil kapapanganak pa lang niyon, ilang araw pa lamang at makikitang lagi na siyang karga ng kanyang tatay. Noong isang araw, may video pa ang mag-ama habang nagpapa-araw. Sinasabi ngang mabuti naman iyon para sa bata, pero at the same time may …

Read More »

Poging matinee idol, ‘di type ang GF na masyadong mahilig

SABI ng isa naming source, hindi naman daw bading ang dating sikat na poging matinee idol. Siguro nga raw ay tripper lang, kasi nga may bisyo. Siguro raw kaya nagkakaroon ng kakaibang trip at nakikipagpatulan sa male model-starlet na kilala namang pumapatol din sa kahit na sino. Iginigiit ng aming source, hindi ang male model-starlet ang dahilan ng pakikipag-split noon ni pogi sa …

Read More »

Janella Salvador, buntis nga ba?

ABA, mukha ngang talagang seryoso na ngayon ang lovelife ni Janella Salvador. Nasa UK na pala siya, kasama ang ermat niyang si Jenine Desiderio at ang kanyang kapatid na si Russel. At maliwanag sa mga video na posted sa kanilang mga social media account na sila ay nasa bahay doon ng kanyang boyfriend na si Markus Patterson. Noong una nagde-deny pa sila sa kanilang relasyon, …

Read More »