Friday , April 26 2024

Ed de Leon

Kilalang showbiz lesbian wala ng powers, iniwan pa ng syotang starlet

Blind Item LGBTQ Lesbian Tomboy break up

HATAWANni Ed de Leon DEPRESSED ang isang kilalang showbiz lesbian matapos na makipag-split sa kanya at tuluyan na siyang iwanan ng baguhang aktres. Sanay kasi siyang siya ang nang-iiwan ng babae, ngayon lang siya iniwanan. Nangyari lang naman iyan dahil sinasabi ngang hindi na ganoon katindi ang kanyang impluwensiya sa industriya. Noong matindi pa ang impluwensiya niya sa industriya, sino mang babae …

Read More »

Angel ‘paborito’ na naman ng mga troll

Angel Locsin

HATAWANni Ed de Leon BINABANATAN na ng mga troll si Angel Locsin at iginagawa pa siya ng kung ano-anong nakasisirang tsismis. Nagsimula kasi iyan nang mag-comment siyang dapat bigyan ng proteksiyon ang mga nagreklamo ng sexual molestation laban kay Pastor Apollo Quiboloy, ang spiritual adviser ni Presidente Digong, at sinasabing “appointed son of God” and “owner of the Universe.” May hindi rin magandang …

Read More »

Ate Vi haharapin na ang pagiging aktres

Vilma Santos

HATAWANni Ed de Leon “COME back ko na naman sa 2022. Nagsimula ako nine years old, child star ako. Noong maging 11 o 12 na ako, hindi na ako puwedng child star, tumigil ako. Akala ko iyon na ending ng showbiz career ko. Tapos 15 ako, nagsimula na naman sila. Nakuha naman ako ni Atty. Espiridion Laxa. Palitan ang pelikula …

Read More »

Indie actor balik-probinsya sa takot mailantad ang sex video nila ni network executive

Blind Item, Mystery Man in Bed

TOTOO kaya ang kuwento ng isang dating indie male star na lumabas din sa ilang serye sa telebisyon bilang support lang din naman? Inutusan daw siya ng “manager” niya noon na lumapit sa isang executive. Ok lang naman daw sa kanya ang “hiningi niyon.” Pero ang hindi niya alam, habang “nangyayari pala ang lahat” ay may nakatutok na video camera sa kanila, na ang suspetsa niya …

Read More »

Dating poging sexy star yumaman dahil sa bagong asawa

Blind Item, married Couple, Money

HATAWAN!ni Ed de Leon KAYA pala tila kuntento na sa kanyang buhay ang isang dating poging sexy star ay dahil mayaman ang kanyang naging asawa. Iba na pala ang asawa niya, hindi na iyong Japayuki na una niyang naanakan. May “background” din naman ang misis niya ngayon, pero sinasabi nga niyang, ”mas ok naman ito kaysa maging kabit lang ako ng mga bakla.”  Mayaman na siya ngayon. Matatapos na raw …

Read More »

Kim aliw ang pag-goodbye sa faceshield

Kim Chiu

HATAWAN!ni Ed de Leon NATAWA kami sa farewell message ni Kim Chiu sa kanyang face shield, na sinasabi niyang nakasama niya at nakaramay sa loob ng dalawang mahabang taon. Tayo man ay ganoon din. Para tayong nakalaya sa isang uri ng paninikil nang payagan tayong alisin na ang face shield. Hindi lang istorbo eh. Kung naka-salamin ka at naglalakad , malamang madapa ka pa kung hindi ka maingat, dahil …

Read More »

Direk Joven ‘di malaswa at ‘di walanghiya ang mga pelikula

Joven Tan

HATAWAN!ni Ed de Leon BILIB din kami sa kaibigan naming si Direk Joven Tan. Sa kabila ng hirap na gumawa ng pelikula dahil sa pandemic gumagawa pa rin siya ng pelikula. At natutuwa kami dahil ang mga pelikula niyang ginagawa ay inspiring. Noong nakaraang taon, ginawa niya ang pelikulang Suarez, na nagbibigay ng lakas ng loob sa mga maysakit at nagsasabing mapapagaling pa rin sila sa awa ng Diyos. Ngayon naman …

Read More »

Hanggang sa pagkikitang muli Boss Jerry

Jerry Yap JSY

ALAM naming ito ay isang bagay na hindi papayagan ni Boss Jerry Yap kung nabubuhay pa siya. Tumatanggi nga siyang pag-usapan ang ginawa niya noong panahon ng bagyong Yolanda. Habang ang mas malalaking media entity na kung sabihin pa ay pag-aari ng mga bilyonaryo ay nanghingi pa ng donasyon sa publiko para makatulong sa mga biktima ng bagyo, si Boss Jerry naglabas ng sarili niyang pera, ginamit ang mga sasakyan ng Hataw, at …

Read More »

Gay Matinee Idol nasakang sa kakaibang ‘activity’ nila ni Apple of his eyes

Blind Item, male star, 2 male, gay

HATAWANni Ed de Leon AYAW talagang pakawalan ni gay matinee idol ang “apple ofhis eyes.” Kasi nga kailangang mag-abroad ang pogi niyang ka-affair dahil sa isang “family celebration.” Ibig bang sabihin papayagan ni gay matinee idol na mag-abroad ang kulukadidang niyang mag-isa? Natural hindi. Kaya ang ginawa niya, siya na ang nag-sponsor ng trip niyon at sasama rin siya, after all tanggap naman ng pamilya ng kanyang “kulukadidang” ang kanilang relasyon …

Read More »

Claudine hot topic nina Maritess

Caudine Barretto

HATAWANni Ed de Leon BUMUBUGA na naman ng usok ang bibig ni Maritess. Ang bilis ng pagpapakalat nila na kaya raw inilabas pa ni Claudine Barretto ang isang sulat sa kanya ng dati niyang boyfriend na si Rico Yan ay dahil gusto niyang makalikha ng controversy para mapag-usapan siyang muli. Ang dahilan, iyong pelikula nilang dalawa ni Mark Anthony Fernandez ay ilalabas nga raw sa Metro Manila Film Festiva, at siya ay kandidatong konsehal sa isang probinsiya. Pero ewan kung tama …

Read More »

Pagkahilig sa sex ng syota ni matinee idol ipinamamarali

Blind Item, matinee idol, woman on top

HATAWANni Ed de Leon NAGTATAWA pa raw ang isang dating sikat na matinee idol sa mga kuwentong talagang nag-move on na ang dati niyang syota at wala na iyong interes sa kanya. Pero ang sinasabi raw ng dating matinee idol, ”isang kalabit ko lang diyan iiwan niya ang boyfriend niya. Hindi niya makakalimutan ang mga pinagsamahan namin, at sa totoo lang siya naman ang naghahabol sa akin. Kaya lang ganyan …

Read More »

Iconic singer/songwriter Heber Bartolome pumanaw na sa edad 73

Heber Bartolome

HATAWANni Ed de Leon KINOMPIRMA ng kanyang kapatid na si Jessie, na yumao na nga ang iconic singer songwriter na si Heber Bartolome noong Lunes ng gabi, Nobyembre 15. Si Heber ay 73 years old na. Sa kuwento ng kanyang kapatid, tinawagan daw siya at sinabing isusugod nga si Heber sa ospital dahil nawalan ng pulso. At matapos lang daw ang 15 minutes ay nakatanggap ulit siya ng …

Read More »

Garden wedding nina Dennis at Jen tahimik at pribado

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado Wedding

HATAWANni Ed de Leon MAS naging tahimik ang pagpapakasal nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, na ginanap sa garden ng studio na ipinatayo at pag-aari ni Kathryn Bernardo. Siguro napili naman nila ang lugar na iyon dahil pribado nga. Roon na rin maaaring gawin ang pagbibihis at make-up ni Jennylyn, at walang magkakaroon ng supetsa makita man silang magpunta roon dahil studio nga iyon. Isang judge, batay sa suot niyang robe, …

Read More »

Aktor substitute na sa role pati rin sa gay friend ng manager

Blind Item, male star, 2 male, gay

HATAWANni Ed de Leon HINDI lang pala sa politika uso ang substitution, sa showbiz din. Ang kuwento nila, iyong isang male star payag daw mag-substitute sa maski na anong role, kung hindi makuha ang artistang talagang gustong makuha ng producers ng pelikula. Hindi lang iyan, siya rin pala ang ginagawang “substitute” ng manager niya para sa mga gay friend niyon kung ayaw …

Read More »

Paulo Gumabao mas sikat na sa kapatid na si Marco

Paulo Gumabao, Dennis Roldan, Marco Gumabao

HATAWANni Ed de Leon MAY mga nakapansin, kahit na raw naunang pumasok sa pelikula si Marco Gumabao kaysa kapatid niya sa ama na si Paulo Gumabao, mukhang nalampasan na siya niyon sa popularidad. Paano namang hindi, eh mas matapang si Paulo na ibuyangyang ang kanyang dapat itinatagong private parts, na hindi naman nagagawa ni Marco. Hanggang sa dialogue lang nasasabing “ang laki-laki,” hindi …

Read More »

Daniel bukod-tanging superstar sa MMFF

Daniel Padilla, Kun Maupay Man It Panahon

HATAWANni Ed de Leon KAHIT na sinasabing malamang na ang NCR ay malagay na sa alert level 1 pagdating ng Disyembre, ibig sabihin ang mga sinehan ay maaari nang magpapasok ng 100% audience, tila matamlay pa rin ang Metro Manila Film Festival. Wala kang mararamdamang excitement sa mga tao, kasi ang mga kasali nga ay puro mga pelikulang indie, na maliliit …

Read More »

Aktor magandang bakla

Blind Item, Aktor magandang bakla, Mystery Man Gay

HATAWANni Ed de Leon  “TALAGA namang maganda siyang bakla kahit na noong araw,” kuwento sa amin ng isang dating kaibigan ng isang gay male star ngayon, na siyempre ayaw magladlad. Ipinakita sa amin ang isang maikling video na nagsasayaw ang male star na ang suot ay ”short shorts,” at may ribbon pa sa ulo, at totoo naman ang sinabi niya. Magandang bakla nga ang male star. …

Read More »

Xian isasalba ni Glaiza sa pagka-balolang

Glaiza de Castro, Xian Lim, Jennylyn Mercado

HATAWANni Ed de Leon MABUTI naman at nagawan din nila ng paraan na makagawa ng isang serye si Xian Lim na isa pang tumalon sa kanila galing sa Mother Ignacia. Nagsimula na siya ng trabaho sa isang serye, ang totoo malapit na nga iyong matapos nang mahilo si Jennylyn Mercado at lumabas na buntis na siya ulit. Binawalan din siyang magpagod. Kalokohan nang sabihin na papalitan mo …

Read More »

John Lloyd sulit hintayin; walang maitatapat

John Lloyd Cruz GMA

HATAWANni Ed de Leon TATANUNGIN pa ba ninyo kung bakit masyadong excited ang mga taga-Kamuning sa pagpasok ni John Lloyd Cruz sa kanilag network? Tatanungin pa ba ninyo kung bakit naghintay sila ng matagal na panahon para makuha si John Lloyd, na noon pa ay kausap na nila, naudlot nga lang? Hindi kami sa kani-kanino ha, pero sa ngayon sino ba sa mga leading man sa …

Read More »

Aktres ‘di mapakasalan ni aktor dahil ayaw ni bading na nagbibigay kabuhayan sa kanila

Blind Item, Man gay woman

WALANG magawa si Misis sa tuwing umaalis ang actor niyang mister para matulog sa condo ng executive na bading. Hindi naman siya makaapela talaga dahil hindi naman sila kasal, kayapareho sila ng bading na kabit lamang ng actor.Hindi niya masabing lamang siya dahil babae siya. Kasi roon naman sa bading nanggagaling ang malaking bahagi ng kabuhayan nila, at kung wala ang bading, hindi nila kaya ang …

Read More »

Vice Ganda may ibinuking: may ‘di sila magandang ginawa kay Karylle

Vice Ganda Karylle

HATAWANni Ed de Leon IBINUKO at inamin mismo ni Vice Ganda sa kanilang cable/internet show mismo na minsan may ginawa silang hindi maganda laban sa singer na si Karylle. Mayroon daw silang isang chat group na kasali si Karylle, hanggang may magbuo ng isa pang chat group na lahat sila ay kasali rin maliban kay Karylle. Maliwanag kung ganoon na gusto nilang ipuwera si Karylle. Wala naman …

Read More »

Jake nag-offer ng tulong sa rider na nabaril

Jake Cuenca

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT din si Eleazar Martinito, iyong rider na tinamaan ng ligaw na bala ng mga pulis na bumabaril sa sasakyan ni Jake Cuenca, na sinabi nilang hindi tumigil ang aktor kahit pinahihinto ito. Ang akusasyon ng mga pulis, na nagsasagawa pala ng buy bust operations, nasagi raw ng sasakyan ni Jake ang isang sasakyan nila. Pribado ang sasakyan, at ang humaharang at …

Read More »

Fake sex video ni sikat na matinee idol pinagkakakitaan

blind item, woman staring naked man

HATAWANni Ed de Leon FAKE news ang kumakalat na umano ay sex video ng isang sikat na matinee idol, bagama’t nakakabola dahil ang lalaki sa sex video, lalo na at taliwas kasi ang anggulo ng camera at medyo madilim pa, ay masasabi nga sa biglang tingin na mukhang iyon ang matinee idol. Kung uulit-ulitin, makikita mo na ang pagkakaiba. Iyon pala ay lumang video na, at …

Read More »

Heart last serye na ang I Left My Heart in Sorsogon

Heart Evangelista

HATAWANni Ed de Leon  “Baka nga ito na ang huli kong soap,” sabi ni Heart Evangelista, na ang tinutukoy ay ang tinatapos niyang serye sa telebisyon. Pero bago iyan, kaunting leksiyon muna tayo. Alam ba ninyo kung bakit ang mga serye ay tinatawag na “soap opera” o “soap”? Noong araw po, iyang mga seryeng drama ay nasa radyo. Wala pa namang TV noong araw. Lahat halos …

Read More »

Ate Vi, mala-kuya germs na rin mag-celebrate ng birthday

Vilma Santos, Kuya Germs, German Moreno

HATAWANni Ed de Leon DATI kung sabihin, si Kuya Germs lang ang may isang buwang birthday celebration, pero iyon naman ay dahil lamang sa dami ng mga artistang gustong bumati sa kanya ng personal. Sayang din naman kung pagkatapos bumati ay paaalisin mo na ang artista. Kaya ang kanyang birthday celebration na ginagawa ay niyang isang buwan para mahati ang mga gustong bumati at mas mabigyan naman …

Read More »