Tuesday , January 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Ed de Leon (page 3)

Author Archives: Ed de Leon

Feed Subscription

Anne Curtis, happy at excited sa malaking bumps

HINDI na ang magandang porma ng kanyang abs, kundi ang kanyang bumps ang ipinagmamalaki ngayon ni Anne Curtis dahil siya ay buntis. Mukhang masyadong excited si Anne sa pagbubuntis niya. Matagal din naman niyang hinintay iyan, at hindi nga mangyari noon dahil sa rami ng kanyang ginagawang proyekto. Humingi siya ng bakasyon. Nagpunta pa sila ng kanyang asawa sa abroad pero hindi ... Read More »

Aga, tiyak na makababawi sa MMFF

MAY nagtatanong, maapektuhan daw kaya ang pelikula sa festival ni Aga Muhlach dahil sa naging resulta ng kanyang huling pelikula? Sa palagay po namin ay hindi. Magkaiba pong tipo ang dalawang pelikula. Habang ang natapos niyang pelikula ay masasabi ngang “experimental,” iyong pelikula naman niyang kasali sa festival ay isang remake ng isang Korean film, ibig sabihin mas komersiyal iyon. ... Read More »

Kaso ni Manoy Eddie, ano na nga ba ang nangyari?

TAHIMIK na tahimik na ngayon at halos wala nang usapan. Ano na nga ba ang nangyari sa kaso ni Eddie Garcia? Mayroon man lang bang napanagot sa naging kapabayaan? Nagkaroon ba naman ng just compensation ang pamilya ng actor dahil sa kanyang sinapit sa mismong set ng kanilang teleserye? Iyan ang hirap sa Pilipinas eh. Basta may nangyari ang iingay, ... Read More »

Male model, naagaw na ni aktor kay singer

IBANG klase ang ngiti ng isang matinee idol nang marinig sa usapan na mag-aasawa na ang isang poging male model. May “lihim” kasi si matinee idol, at noong araw ay sinasabing madalas na sinusundo niya sa mga fashion show ang poging male model. Mukhang nagkaroon din sila ng “link” in the past. Ang narinig naming tsismis, si male model ay naagaw naman sa matinee idol ... Read More »

Aga, ‘ayaw ng fans ang pagiging killer; Pinoy ‘di handa sa tema ng Nuuk

NAGSIMULA ang pelikulang Nuuk ang character ni Aga Muhlach ay napaka-wholesome. Napakabait na character. Hindi mo iisipin na sa simula pa lamang may binabalak na siyang paghihiganti dahil sa pagpapakamatay ng kanyang anak. Iyong biglang pagbabago ng kanyang mga facial expression matapos niyang maisagawa ang paghihiganti, na ang tingin niya kay Alice Dixon ay wala siyang pakialam, palagay namin walang ibang artistang lalaking makagagawa niyon ... Read More »

Aktor, ‘available’ raw kahit may asawa na

PALAKAD-LAKAD sa isang “festival” na ginanap kamakailan sa isang city in the north ang isang male star, kasama ang kanyang mga “old time friends”. Pero ewan kung bakit kumakalat naman sa gay circle roon na “available” raw siya. Pero iyong iba naman, ang reaksiyon ay “hindi na siya sikat, may mga anak pa.” As if naman talagang major consideration nila iyon at hindi ... Read More »

Daniel, pantasya ng mga millennial, bukol king pa

MAY isang designer na tumawag sa amin kahapon ng umaga, at sinabi sa aming magpunta sa isang social media platform, at ilagay sa search box ang ”#DanielPadilla”. Ginawa naman namin at lumabas nga ang isang mahabang serye ng mga post at repost ng isang video ni Daniel Padilla habang siya ay kumakanta, hindi namin alam kung saan. Kung babasahin mo ang mga sinasabi ... Read More »

Kid Yambao, nalilinya sa lihis na love stories

MAYROON pa kaming isang narinig. Sinabi raw ni Kid Yambao, iyong leading man doon sa pelikulang produced ni Ogie Diaz na Two Love You, na mas attracted siya sa older woman. Aba mas gusto pala niya ang mga cougar. Doon naman sa pelikula, ang role niya ay isang lalaking may love affair sa isang beki, pero tapos mai-in love rin sa isang tunay na ... Read More »

Newbie actor, may kumakalat na sex video

MAY bagong lumabas daw na sex video, isa na namang sexy male newcomer ang biktima. Pero wise sila, mapapanood mo, pero hindi mo puwedeng i-download. Makakakuha ka ng kopya, pero hindi mo maaaring kopyahin. Ibig sabihin, technically, magaling ang gumawa niyan. Nagiging high tech na rin ang mga sex video. Hindi na katuwaan iyan. Mukhang talagang gagawin na nilang negosyo. ... Read More »

Spiritual adviser nina Greta at Claudine, kontrobersiyal din?

EWAN kung ang kontrobersiyal na paring si Fernando Suarez nga ang spiritual adviser ngayon nina Gretchen at Claudine Barretto. Ang kontrobersiyal na pari ay nakita sa isang picture na kasama nila sa isang lunch para sa ilan nilang kaibigan, kasama rin ang kanilang inang si Inday Barretto. Si Gretchen ay kabilang sa isang grupo ng mga “born again” Christian. Si  Suarez naman ay isang ... Read More »

Nuuk, makabuluhang pelikula para kay Aga

HINDI iniisip ni Aga Muhlach na isang box office hit ang pelikulang kanyang gagawin. Noong tanggapin niya ang pelikulang Nuuk, sinabi niyang tinanggap niya agad iyon dahil naiiba ang material at naniniwala siyang magiging challenge ang role sa kanyang abilidad bilang isang actor. Iyong mga artistang kagaya ni Aga, napatunayan na nilang lahat ang kaya nilang gawin. Ang iniisip na lang niyan ay ... Read More »

Aktor, nagtitili nang magulat

KASAMA ang kanyang barkadang namamasyal sa isang mall nang may makitang kung ano ang male youngstar. Bigla ba namang tumili to the highest note. Paano mo ngayon sasabihing hindi bakla iyan sa kabila ng kanyang mga denial. Paano mong ikakaila ang sinasabi ng isang nagpakilalang ex gay friend niya na talagang bakla rin siya. Ayaw masabing bakla, hindi naman nag-iingat ... Read More »

Elder brother, nakabingwit ng bilyonaryang transwoman

NGAYON, naniniwala na kaming mas matinik nga si “elder brother” kaysa mas daring na “younger brother” niya. Habang si younger brother ay sikat na sikat sa mga fashion designer dito sa ating bansa, aba si elder brother naman pala ay nakabingwit na sa abroad ng isang transwoman na bilyonarya talaga, at may kompanyang involved din sa showbusiness. Sinasabi pa raw ... Read More »

Ate Vi, sa Taiwan nag-birthday kasama ang pamilya

TAHIMIK na tahimik ang birthday celebration ni Congresswoman Vilma Santos. Ilang araw bago ang kanyang birthday, tahimik na umalis ang kanilang buong pamilya para mamasyal sa Taiwan, na roon na rin nag-celebrate si Ate Vi. Iyan ay matapos naman siyang magbigay galang kay Mama Santos, na ngayon nga ang unang Todo Los Santos na dinalaw nila sa libingan. Sinamantala rin ng ... Read More »

Yorme Isko, ipinadiretso ang P5-M TF sa Cotabato

HANGA kami kay Yorme Isko Moreno. Iyong P3-M na ibinayad sa kanya ng isang drug company para maging endorser nila, ipinadiretso na niya ang tseke sa local government ng Cotabato para sa mga biktima ng lindol. Sa tingin niya kulang pa iyon, kaya nang kausapin siya ng isang dermatologist para maging endorser din ng kanilang clinic, tinanggap niya agad ang offer ... Read More »

Aktres, 6 weeks nang buntis

AYOKONG mabigla pero narinig ko na ang mga tsismis, buntis na raw ang isang aktres, bale six weeks na iyon. Pero alam naman ninyo hanggang hindi sila umaamin na buntis sila, wala tayong masasabi. After all sino nga ba ang tuwirang makapagsasabi na buntis siya kundi ang nanay mismo. Kung sakali namang magbuntis nga siya, mukha namang kaya nilang pangatawanan iyon. ... Read More »

Cong. Yul ipaayos, sinehan sa Escolta at Monte de Piedad

“NAKIPAG-USAP na ako sa mga lider ng pribadong sektor diyan sa Escolta. Nasabi ko na sa kanila iyong idea ko na iyong dalawang saradong sinehan sa Escolta ay ayusin at buksang muli para riyan natin mailabas iyong ating mga artistic film. Iyong mga art films kasi, halos walang chances na makakuha iyan ng sinehan sa malls dahil naghahabol sila ng ... Read More »

Pacman, tinatanggihan ng mga artista

ANO ba naman iyan, matapos na sabihin ng mga apo ni Heneral Miguel Malvar na hindi sila pabor sa pelikulang ginagawa ni Pacman tungkol sa buhay ng kanilang lolo, si John Arcilla naman ang naglabas ng statement na hindi totoo ang lumabas na press release na kasama siya sa pelikula para gampanan ang role ni Heneral Antonio Luna, na ginawa ... Read More »

Alex Diaz, umalis muna ng ‘Pinas

UMALIS pala muna ng bansa ang male starlet na si Alex Diaz, matapos na ibulgar ng isang fitness coach ang kanyang ginawang indecent proposal. May nagsasabing maaaring magdemanda si Diaz dahil ibinulgar ng fitness coach ang kanyang pagiging bading, pero masisisi mo ba iyon eh talaga namang inalok niya ng indecent proposal iyong tao. Anyway, tama na nga iyang umalis ... Read More »

Female star, sobrang hilig, iniiwasan ng mga nakaka-date

WALANG say ang isang female star na nagpa­pantasya sa isang male actor model, dahil na-realize niyang wala siyang laban sa billionaire na sinasabing siyang apple of the eyes ngayon ni pogi. Transwoman si billionaire, pero kahit hindi tunay na babae, mas maganda naman siya kaysa female star na nag-aambisyon din sa male star. Lalo na nga nakikita siya ngayon kung ... Read More »

Kita ng movie ni Sarah, apektado ng kawalan ng love interest

HALOS isang linggo na, pero hindi na nasundan ang kanilang pra la la na ang pelikula ni Sarah Geronimo ay kumita ng P5.1-M sa unang araw. Eh magkano nga ba ang kinita ng mga sumunod pang araw? Bakit parang hindi na sila excited sa resulta at hindi na nila iyon ipinagmalaki? Maaari rin namang siguro nga happy na sila sa first day ... Read More »

Julia, dapat nang sagutin: nabuntis at nanganak nga ba siya?

NGAYONG nasa bansa na si Julia Montes, naniniwala kaming dapat na niyang harapin ang mga issue na iniwasan niya noon. Mas maganda kung sasagutin na niya ang tanong kung totoo nga bang nagbuntis at nanganak na siya. Maraming naglabas niyan eh, at may mga unconfirmed reports pero detalyado. Hindi ba may ginawa pang video report ang isang sandal blogger, iyong si Kapitana ... Read More »

Kredibilidad ni Gretchen, sinisira; Picture w/ Atong habang natutulog, ikinakalat

MAHIGIT na sa isang linggo iyang Barretto wars, pero araw-araw may sumisingaw at iyon ay sinusundan ng mga tao. May gumawa na nga ng meme, na nagsasabing hindi sila kasali at ligtas sila sa Barretto wars, pero sinusundan pa rin naman nila kung ano ang nangyayari. Ang labanan nga kasi nila ngayon, sino ba ang mas credible? Sino ba ang ... Read More »

Sarah, bigong talunin sina Kathryn at Maine

HINDI tinalo ni Sarah Geronimo si Kathryn Bernardo. Maski nga ang first day gross ng pelikula ni Maine Mendoza, mas mataas kaysa pelikula ni Sarah. Nadaanan namin ang sabay na pagpasok ng mga tao sa isang mall sa pelikula ni Maine na nasa second week, at pelikula ni Sarah na first day. Mas mahaba ang pila ng taong papasok sa pelikula ni Maine. Ewan lang ... Read More »

Aktres, takot ma-like mother, like daughter

NAGIGING malaking problema na rin daw ng isang female star ang kanyang anak na babaeng artista rin. Natatakot siyang kagaya ng nangyari sa kanya, baka isang araw ay malaman na lang niyang buntis na rin ang kanyang anak. May mga tsismis kasing pinatutulog na ng kanyang anak ang rumored boyfriend niyon sa kanyang sariling condo. Kaya nagsarili iyon gusto niyang gawin iyong gusto niyang ... Read More »

Scroll To Top