Friday , April 26 2024

Ed de Leon

Ate Vi hindi ‘wanted’ o nagtatago

Vilma Santos

HATAWANni Ed de Leon NATAWA ako sa tanong ng writer na si Macoy Infante sa isang group chat ng mga bumuo ng Anim na Dekada Nag-iisang Vilma. Nag-post siya ng napakaraming pictures ng mga streamer na nakakalat sa kalye na nagtatanong “Nasaan si Vi.” Sabi ni Macoy, “promo po ba natin ito,” sabay tawa. Noong una naming makita iyan ang nasabi namin baka ang …

Read More »

Coco nagkulang sa research, ilang tagpo sa BQ pinalagan ng mga Muslim 

Coco Martin Batang Quiapo

HATAWANni Ed de Leon UNANG nagpadala sa amin ng isang news clip ang kaibigang si Wendell Alvarez tungkol sa reklamo ng mga Muslim laban sa serye ni Coco Martin. Pero nang sumunod na araw ay may nakita na kaming video ng kanilang reklamo sa Tiktok at iba pang social media platforms. Ano ang reklamo? Ipinakita si Coco na nagdarasal na loob ng simbahan ng Quiapo, …

Read More »

Sa mga ‘naloko’ ng Flex Fuel
CEO AT TOPMAN ANG HABULIN AT ‘DI SI LUIS

Luis Manzano Flex fuel

HATAWANni Ed de Leon NGAYON pinalalabas pa nilang si Luis Manzano ang wanted sa NBI dahil sa reklamo ng ilang investors ng Flex Fuel, ganoong hindi pa man sila nagsisimulang umangal, hiningi na ni Luis na imbestigahan ng NBI ang kompanya noon pang Nobyembre ng nakaraang taon, at umalis na siya sa kompanya noon pang 2001. Bakit hindi kung sino ang top man at CEO ng …

Read More »

Pagsisiraan ng mga direktor, artista ‘di maganda sa industriya

Darryl Yap

HATAWANni Ed de Leon KUNG ano-ano ang ipinupukol na akusasyon sa director na si Darryl Yap. Asahan na ninyo iyan dahil isa sa kanyang mga pelikula ay sinasabing “third highest grossing film in the history of Philippine Cinema.” Kung iyan hindi kumikita ang pelikula, hindi nila papansinin iyan. Kinatakutan ba siya noong gawin niya iyong Revirginized? Hndi ba pinagtawanan lang. Eh noong …

Read More »

Mga tinukoy ni Willie na binigyan ng ayuda pangalanan

Willie Revillame

HATAWANni Ed de Leon HINDI maiaalis na sumama ang loob ni Willie Revillame. Isipin ninyo may mga movie reporter daw na inayudahan niya ng P10k buwan-buwan sa loob ng dalawang taong lockdown, na tila ngayon ay natutuwa pa sa nangyayari sa kanyang show. May sinasabi pa siyang isang reporter na binigyan niya ng P50k nang kumandidato iyong konsehal na hindi naman …

Read More »

Theresa wala pang puwang na patawarin si Cesar

Teresa Loyzaga Cesar Montano

HATAWANni Ed de Leon DIRETSAHAN iyon, sinabi ni Theresa Loyzaga na natutuwa siyang talaga na nagkakasundo na ang kanyang anak na si Diego at ang tatay niyong si Cesar Montano. Ikinatutuwa rin niya ang pagkakasundo ni Sunshine Cruz na kaibigan niya at ang dating asawa niyon na si Cesar, pero inamin niyang mukhang para sa kanya ay wala pang puwang para magkasundo sila ng aktor. Hindi namin …

Read More »

Nora Aunor ‘di dapat naghihirap

nora aunor

HATAWANni Ed de Leon NOONG araw pa, sinasabi ng master showman na si Kuya Germs na, “dapat pangalagaan natin ang kapakanan ng mga artista. Walang artistang dapat na naghihirap sa buhay kahit na hindi na sila sikat.” Noong siya pa ang presidente ng KAPPT, iniipon ni Kuya Germs ang lahat ng kinikita ng samahan, pati ang nakukuha nilang royalty noon sa Star Olympics. Sa …

Read More »

Ate Vi sisimulan na ang pelikula nila ni Boyet, lilipad ng Japan sa March

Vilma Santos Christopher de Leon

HATAWANni Ed de Leon MAALIWALAS ang mukha, maliksing kumilos, nasa porma, kaya paano mong iisipin kung makikita mo lang si Vilma Santos ngayon na 60 taon na siya sa showbusiness, ganoong kung ang pagbabatayan ay ang kanyang hitsura, mas mukhang totoo ang kanyang biro na, “it’s hard to be 35 and remain georgeous.” Pero totoo naman, ganoon ang kanyang hitsura noong magkita kami …

Read More »

Love affair ni Jerome tinitira

Jerome Ponce

HATAWANni Ed de Leon GUWAPO naman si Jerome Ponce at mahusay ding umarte iyong bata. Kaya lang nakasama siya sa pelikulang hindi naman kumita, at sa hindi namin malamang dahilan siya ang bida sa pelikula pero hindi siya nominated man lang bilang best actor, at sa halip ang binigyan ng award ay hindi naman iyong bida. Pero ganoon lang talaga, siguro may …

Read More »

Willie sumama ang loob sa mga natuwa na natigil ang show nila sa AllTV

Willie Revillame

HATAWANni Ed de Leon MASAMANG-MASAMA ang loob ni Willie Revillame dahil sa mga natutuwa pang pansamantalang matitigil ang mga show ng AllTV. Kasi ang tagal na naman nilang naka-test broadcast, wala namang pumapasok na commercials. Kasi masama pa nga ang kanilang signal na sa Metro Manila lang napapanood. Wala pa silang provincial relay, at maging ang NCR, mahirap kang makakuha ng magandang signal …

Read More »

Male starlet bokya na sa career, zero pa kay BF

Blind Item, Male Celebrity

ni Ed de Leon HALOS gabi-gabi, naglalasing ang isang male starlet. Bukod kasi sa walang mangyari sa kanyang career, at ang nasasalihan niya ay puro indie na ang bayad sa kanya P5,000 lang bawat pelikula, at mga out of town shows ng mga bading, wala na. Bukod doon masama ang loob niya dahil nalaman niya na kinakaliwa pala siya ng kanyang …

Read More »

Kailan naging national costume ang Darna?

Celeste Cortesi Jane de Leon Darna

HATAWANni Ed de Leon HINDI naman siguro kasalanan ni Jane de Leon o ng mga gumagawa ng Darna sa ABS-CBN, iyong pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe. Hindi naman sila ang nagsabing magsuot ng costume ni Darna sa national costume competition.    Iyon ang alamin kung kaninong idea iyon, dahil kahit kailan, wala kaming alam sa kasaysayan na mga Flipino na nagsuot ng costume ni Darna sa …

Read More »

FDCP, direk Paul dapat nang kumilos vs mahahalay na pelikula

Paul Soriano FDCP

HATAWANni Ed de Leon BAGAMAT ang may pangunahing tungkulin ng classification ng pelikula ay ang Movie and Television Review and Classification Bord (MTRCB), hindi ba magkakampanya ang ibang ahensiya gaya ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ang presidential adviser on creative communications na si Paul Soriano para mapigilan ang mga mahahalay na pelikula na ilang taon nang puro ganoon ang ginagawa? Parang …

Read More »

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong sabihin nating bading, sa poging actor na nakasama niya sa isang BL series. Ang masakit lang, wala pala siyang pag-asa sa actor, at nang matapos ang kanilang BL, nalaman na lang niyang sinabi niyon na ayaw na siyang makasama ulit. Noong panahong may ginagawa pa silang BL, …

Read More »

Pokwang umamin ‘nabola’ ni Lee, 5 taon ‘di kumayod, walang sustento

Pokwang  Lee O’ Brien

HATAWANni Ed de Leon BIGLANG putok ang post ng komedyanteng si Pokwang tungkol sa naging buhay niya kasama ang Kanong si Lee O’Brian. Ang natatandaan namin, nakasama lang ni Pokwang iyang Lee noong ginawa niya iyong pelikulang indie na EDSA Woolworth noon sa US. Hindi namin kilala iyang Lee kung artista ba iyan sa America, isang bit player lang o kung ano iyan. Alam naman …

Read More »

Mang Kanor ‘nayari’ ng MTRCB: pagpapalabas walang permit

Mang Kanor Nika Madrid Emelyn Cruz Rez Cortez

HATAWANni Ed de Leon NAYARI si Mang Kanor. Isipin ninyo, iyong isang pelikulang pang-internet streaming inilabas sa isang commercial theater, mali na iyon eh. Walang mailalabas sa ano mang sinehan sa buong Pilipinas nang hindi dumaan sa MTRCB. Kung iyong kanilang premiere ay ginawa sa silong ng isang bahay, at doon sila nanood, walang problema. Pero inilabas nila sa isang sinehan na …

Read More »

Male star mas feel lagi na sa probinsiya ang booking

Blind Item, Mystery Man, male star

ni Ed de Leon MAS gusto raw ng isang bagets na male star na kung sakali at may “booking,” out of town na lang. Una, nakapapasyal siya kung may “provincial bookings.” Tiyak din dahil malayo “mas malaki ang bayad sa kanya.” Ikatlo dahil malayo, “walang makakikilala sa kanya dahil hindi naman iisipin ng mga tao na may milagro siya roon.”  Iyon daw …

Read More »

Apela ni Kuya Dick sa Sandigang Bayan ‘di kinatigan

Roderick Paulate

HATAWANni Ed de Leon SIGURO nga maraming tao sa showbusiness ang concerned sa kilalang actor na kaibigan din naman namin talaga na si Roderick Paulate, na medyo nabahala dahil sa balita noong isang araw na ibinasura ng Sandigang Bayan ang iniharap niyang motion for reconsideration matapos siyang hatulan nang mahigit na 60 taong pagkakabilanggo matapos na masabing guilty sa pagkuha ng …

Read More »

Gabby lucky charm nina Sunshine, Ryza, Sanya  

Sunshine Dizon Ryza Cenon Gabby concepcion Sanya Lopez

HATAWANni Ed de Leon KUNG sabihin nga nila, isa si Gabby Concepcion sa pinakasikat talagang actor sa Pilipinas. Sino ba ang mag-aakalang matapos siyang mawala ng 13 taon sa Pilipinas, dahil sa isang kasong hindi naman niya kasalanan kundi nadamay lang siya, ay makababalik pa siya sa dati niyang popularidad? Hindi agad-agad, para siyang nagsisimula ulit. Pero nakatutuwa naman na nakabalik siya …

Read More »

Career ni Vice Ganda bumubulusok na?

Vice Ganda

HATAWANni Ed de Leon MAY tsismis kaming nasagap. Tsismis lang naman ito, hindi kami sigurado dahil puwedeng mabaliktad pa ang lahat ng pangyayari hanggang hindi sila gumagawa ng opisyal na statement. Pero malungkot ang kuwento ng isang kakilala namin nang sabihin niyang siniguro daw sa kanya ng isang source na talo na si Vice Ganda, talo na ang It’s Showtime, at talo …

Read More »

James Reid muling nag-sorry, concert sa North America ‘di matutuloy

James Reid

HATAWANni Ed de Leon HUMIHINGI na naman ng paumahin si James Reid at humihingi ng pang-unawa dahil hindi na naman matutuloy ang sinasabi niyang North American concert tour. In the first place, mayroon na nga ba talagang arrangement o plano pa lang? Mukhang mahina ang kanyang production company sa ganyan, iyon nga lang music fest nila sa Cebu naging isang malaking disaster …

Read More »

Showbiz gay nai-video paglaspag kay bagets 

Blind Item, Mystery Man in Bed

ni Ed de Leon NAKAHALATA na si showbiz gay na talagang pineperahan lang siya ng bagets, kaya inalok niya iyon nang mas malaki kaysa usual na ibinibigay niya, at nang magkita sila, nai-video ng bading ang lahat ng gusto niyang ipagawa sa bagets. Wala naman daw plano ang bading na ipagkalat ang sikreto ng bagets, gusto lang niyang masabi na nalaspag niya iyon.

Read More »

Alex bugbog na bugbog sa bashing (matindi pa kay Toni)

Toni Gonzaga Alex Gonzaga

HATAWANni Ed de Leon IYONG ginagawang pamba-bash kay Toni Gonzaga, masasabi mo ngang siguro politically motivated. Nagsimula lang naman kasi iyan nang mag-perform at maging host si Toni roon sa political rally ng Uniteam. Hindi matanggap ng ilan na si Toni na isang ABS-CBN talent ang nag-endoso kay BBM na ang tatay ay unang nagpasara ng network noong Martial Law, at kay Sara Duterte rin na ang tatay …

Read More »