Tuesday , January 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Ed de Leon (page 10)

Author Archives: Ed de Leon

Feed Subscription

ArDub, visible na, ‘di na umiiwas makunang magkasama

MUKHA ngang masyado nang visible ngayon iyong ArDub, meaning sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Kung sa bagay hindi naman maiiwasan iyon eh kasi “exclusively dating” na nga silang dalawa. Sa madaling salita magsyota na. Kung dati iniiwasan pa nilang makita sila sa isang picture together, aba ngayon ay hayagan na. Hindi na sila umiiwas na makunan ng picture na magkasama. Mukhang kaya na nilang ... Read More »

Isang award giving body, ‘di members ang namimili ng mananalo

DESMAYADO pa rin ang mga miyembro ng isang award giving body dahil nagbibigay pa rin iyon ng awards, pero ibang mga tao at hindi ang members ang namimili ng mananalo. Eh ano nga naman ang silbi pa ng maging member ng isang award giving body kung ganoon din lang. Pero mas mabuti na rin iyan kung iisipin kaysa sila nga ang namimili ... Read More »

Aktor, lalong pumangit ang career nang lumipat ng kompanya

HINDI na rin alam ng isang male star ang kanyang gagawin. Lumipat siya ng kompanya sa paniniwalang mas mapagaganda pa ang kanyang career, pero kung ano-ano na nga ang kanyang ginawa, tila mas sumama pa ang career niya sa nakalipas na taon, at ngayon sinasabing ang ginawa niyang pelikula ay “nakatakda nang maging flop.” Pagkatapos kaya niyan ay matuloy na ... Read More »

Career nina James at Nadine, parang binuhusan ng malamig na tubig

EWAN pero parang binuhusan ng malamig na tubig ang career nina James Reid at Nadine Lustre. Noong araw, sila ang matinding katapat niyong KathNiel at sinasabing neck to neck ang labanan nila. Naging best seller pa ang isang librong sila ang laman. Pero pagkatapos niyon unti-unti na yatang nawala ang dalawa. Ang huli naming narinig, nag-celebrate sila ng kanilang third anniversary kamakailan lang bilang totoong mag-syota. ... Read More »

Film industry, nagluluksa

MALUNGKOT ang film industry. Noong Linggo ng gabi ay namatay ang ermats ng komedyanteng si Joey de Leon, si Mrs. Emma Manahan Reyes de Leon sa edad na 93. Kinabukasan naman, namatay ang aktres-producer at singer na si Armida Syguion Reyna sa edad na 88, dahil sa colon cancer. Nauna riyan, namatay din ang ermat nina Rayver at Rodjun Cruz dahil din sa cancer. (Nakaburol ang ina ni Joey ... Read More »

OPM Playlist, dapat suportahan kaysa mga Koreano

AMININ natin ang katotohanan, sa panahong ito kaya hindi na masyadong matunog ang OPM ay dahil kulang na kulang sa suporta sa mga local artist natin. Hindi kagaya noong araw na masiglang-masigla iyang Metro Pop Music Festival noong isinusulong pa ni Ka Doroy Valencia at ni Imee Marcos. Noong araw, lahat ng estasyon ng radyo na miyembro ng KBP ay nagkasundo na sila ay magpapatugtog ... Read More »

Sunshine, nagluluksa

NAGPAHAYAG din ng kalungkutan ang aktres na si Sunshine Cruz nang yumao noong Sabado ng umaga ang kanyang tiyahing si Melody Beth Cruz, na sinasabi niyang “zumba partner ko at siyang unang dumaramay sa akin lalo na kung may problema.” Si Beth ay nanay nina Rodjun at Rayver Cruz. Kapatid din siya ni Ricky Belmonte at ng tatay ni Sunshine na si Danny, na kapwa yumao na rin. Pancreatic cancer ... Read More »

Liza, ‘di ‘kadugo’ ang ipagbubuntis

Liza Dino Aiza Seguerra

SIGURO nga, masasabi ring anak na nila iyon ni Liza Dino, dahil kung sakali siya ang magdadala niyon sa kanyang sinapupunan, pero kung iisipin hindi rin eh. Kasi nagmula ang binhi ng babae kay Ice Seguerra. Ang magfe-fertilize niyon ay sperm ng napili nilang sperm donor mula raw sa America. Sa America kasi may mga tinatawag na sperm bank. May mga lalaking nagdo-donate ... Read More »

Pakikiramay ni Bailey May sa Jolo, nakabibilib

BILIB kami kay Bailey May, iyong dating sumali sa PBB na ngayon ay member na ng Now United, isang international singing group na binubuo ng 14 artists mula sa 14 ding bansa. Kung nasaan man siya, nag-post siya ng isang picture ng katedral ng Jolo bago iyon pinasabugan ng bomba at ang mensahe niya ay “pray for Jolo”. Kung sa bagay, hindi naman kataka-taka dahil si ... Read More »

Female star, inaayawan dahil sa sobrang pagka-maniac

GRABE pala iyang female star na iyan. Kaya pala hindi na siya pinatulan niyong huling nabalitang syota niya, aba eh talo pa raw ang maniac. Basta raw nakalingat ang mga tao, hinihipuan niya iyong lalaki. At kaya pala maraming kaibigang bading iyan, iyong mga bading ang nag-i-introduce sa kanya ng mga lalaking nakaka-date niya ng palihim. Kasama sa nahala ng ... Read More »

Aktres, kinalasan ni male model dahil sa sobrang kamanyakan

“P ARANG maniac siya. Kung magka-date kayo hindi ka titigilan,” sabi ng isang male model tungkol sa isang female star na television personality rin. Minsan daw naiilang siya, kasi kahit na nasa sasakyan pa lang sila ay nanghihipo na ang female star. Nahalata raw niya na parang sobra nga ang hilig ng female star kaya kumalas na siya roon. Nang kumalas naman daw siya ay ... Read More »

Maine, gustong iburo ng fans

ArDub Maine Mendoza Arjo Atayde

NOONG unang nabalita na kaibigan ni Maine Mendoza si Sef Cadayona at nagpunta siya sa bahay niyon at nagkatuwaang magkantahan, aba katakot-takot na paninira agad ang inabot ni Sef. Galit na galit sila kay Sef kasi nanliligaw daw kay Maine. Maski si Maine sinisiraan nila, hindi na raw nahiya at siya pa ang nagpunta sa bahay nina Sef. Ang sumunod, ... Read More »

Clint, lumayas sa noontime show dahil sa milyong nawala sa negosyo

KAYA pala naman lumayas ang tinatawag ngayong “Mr.Universe” na si Clint Bondad sa dating noontime show na kanyang sinalihan, talagang nauubos ang oras niya at napapabayaan niya ang negosyong siya naman  pinagkukunan niya ng kabuhayan. Isipin ninyo, halos tatlong araw sa isang linggo ang commitment, kasama na roon ang recording, rehearsals, at kung ano-ano pa bukod sa actual show, at ... Read More »

Baguhang aktor, natakot sa alok ni manager-manageran

SABI raw ng isang bading na manager-manageran sa isang baguhang male star, “baka naman maiko-consider mong pumatol sa isang bading, sana sa akin na lang”. Natakot ang baguhang male star, at iniwan na lang ang kanyang career. Ang lakas ng loob at makapal ang mukha ng manager-manageran na iyan eh wala naman siyang napasikat na artista, at kung may napasikat man siya, hindi ... Read More »

Male dancer, inuutangan ang mga kaibigan

GRABE si male dancer. Naghahanap siya ng mga mabobola niyang mga nag-o-on-line banking at kinukumbinsi niyang maglipat ng pera sa kanyang account. Ang drama niya ay emergency lang. Nagtatawanan ang ilang friends niya sa social media, dahil lahat sila ay tinatanong kung may on-line banking. Lahat sila ay inuutangan ng P5,000 at ang masakit hindi naman nila kilala nang personal ... Read More »

Career ni Anne, bumabalibag na

ABA, ano na nga ba ang nangyayari sa career ni Anne Curtis? Dati kung sabihin isa siya sa pinaka-bankable stars. Hindi lamang kumikita nang malaki ang kanyang mga pelikula, maski ang concerts niya ay naging malalaking hits. Pero ewan nga ba kung ano ang nangyari at dalawang magkasunod na pelikulang ginawa ni Anne ang bumalibag na. Iyong nauna, na ipinagmamalaki nilang mailalabas ... Read More »

Mga tomboy na gustong sumailalim sa in-vitro fertilization, bigo

MUKHANG wala ng pag-asa ang mga tomboy na nag-asawahan, na magkaroon ng anak. Ang laki pala ng gastos niyang tinatawag nilang “in-vitro fertilization.” Bagama’t may gumagawa na pala niyan dito sa Pilipinas, magastos pa rin. Iyong paghahanda pa lamang sa babaeng magiging ina, magastos na. Iyon lang mga gamot at iyong “handling,” Ibig sabihin simula sa paghahanda hanggang sa makuha ... Read More »

Ai Ai, walang intensiyong mag-bold

PALAGAY namin, katuwaan lang naman iyong pagpo-post ni Aiai delas Alas ng isang sexy picture niya sa kanyang social media account. Hindi naman kami naniniwala na talagang may intensiyon siyang mag-bold talaga. In fact ang caption niya katuwaan din, dahil sabi niya “sinabi ko na gagayahin ko ito,” at ipinakita rin niya ang isang sexy pic na ginaya niya. Si Aiai ay isang ... Read More »

Alden, kailangan pa rin si Maine

NATATAWA kami roon sa mga statement ni Alden Richards na parang ang punto ng sinasabi ay ok lang sa kanya na wala na ang AlDub dahil kailangan naman nilang mag-grow bilang mga artista. Kung sa bagay may punto, na kailangan naman nilang umasenso sa kanilang acting. Pero dapat alalahanin ni Alden na ang tagal na niya sa showbusiness, apat na taon na siyang artista ... Read More »

Michael Angelo, komedyanteng nagbibigay inspirasyon sa mga tao

“KINUHA akong guest sa isang serye, ang role ko ay isang pari na magbibigay dapat ng recollection sa ibang mga pari rin. Pagdating ko sa set, nagtanong ako. Bakit iyong ibang kinuha ninyo para gumanap na pari hindi naman mukhang pari? Eh mukhang budol-budol ang mga hitsura eh” sabi ni Michael Angelo Lobrin.  Ang resulta ng sinabi niya, “iniutos ni direk Maryo (delos ... Read More »

Tony Labrusca, walang karapatang umarte nang magaspang

MARAMI tuloy ang nabuksang mga bagay tungkol sa baguhang si Tony Labrusca dahil sa pag-iinit ng kanyang ulo sa airport nang hindi siya bigyan ng “balikbayan” status ng Immigration officers.  Una, ano man ang sabihin niya, ang ginawa ng mga opisyal sa airport ay naaayon sa batas. Siya ay isang US citizen, at wala siyang kasama isa man sa mga magulang niyang ... Read More »

Dancer/Male Starlet, iniregalo ang sarili kay Direk

NAGPUNTA raw ang isang Dancer at Male Starlet sa bahay ni Direk isang hapon, at ang sabi kay Direk, ide-deliver lang niya ang kanyang Christmas gift. Pagkasabi niyon, biglang hinubad na raw ng Male Starlet-Dancer ang kanyang pantalon. Nagulat din naman si Direk. Pero ang nakapagtataka rin, bakit ba ganyan sila? Bakit nila naiisip na ganoon ang dapat nilang gawin para sila ay sumikat? Iyon ba ... Read More »

John Lloyd at Ellen, ikinasal na

IKINASAL na raw kamakailan sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Eh pabayaan na ninyo sila dahil gusto nila iyon. Huwag na ninyo silang pakialaman, tutal ngayon naman ay wala silang career. At saka karapatan nila iyon, bukod nga sa katotohanang may anak na sila. Bakit naman pinakikialaman pa ninyo iyon? Wala na sila sa showbiz, patahimikin na ninyo. Kung ... Read More »

Vic at Coco movie, mas kumita kaysa pelikula ni Vice Ganda

Coco Martin Maine Mendoza

TAPOS na ang Metro Manila Film Festival (MMFF), at bagama’t wala pang opisyal na listahang inilalabas ang Metro Manila Development Authority (MMDA), sinasabi na ngang unofficial, undeclared top grosser ang pelikula ni Vice Ganda. Talaga namang hindi na hinihintay iyang sinasabi ng MMDA eh, kasi hanggang maaari gusto nilang mag-delay ng statement para naman makatulong pa roon sa mga hindi ... Read More »

Video scandal ni male starlet, kumakalat na naman

HINDI na lang pinapansin ng isang male starlet kung kumakalat muli ang nagawa niyang video scandal noong araw. Pero aminado siya, minsan naiilang siya dahil may mga taong nakakasalubong niya na tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Ginawa raw niya iyon para sa kanyang girlfriend na gamit ang apps na Skype. Noong mag-split sila, ipinagkalat ng girlfriend ang video scandal na pinagkaguluhan ... Read More »

Scroll To Top