Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Danny Vibas

Author Archives: Danny Vibas

Feed Subscription

Liza, may sagot sa mahaderang fan

NAKATIKIM ng taray ang isang mahaderang netizen mula sa basically ay sweet naman na si Liza Soberano. Mahirap limiin kung fan o basher ng lead actress ng Alone/Together ang netizen na ‘yon. Kung fan siya, bakit ang taray naman n’yang magsermon sa girlfriend ni Enrique Gil.  Napag-alaman ng netizen na nagbabakasyon sa Bali, Indonesia si Liza, kasama si Enrique, at isang nakababatang kapatid ni Liza. ... Read More »

Greta to Dani: Ano ako, multo?

PARANG kulang sa pangaral ng ina si Dani Barretto na unang anak ni Marjorie Barretto. Kung kailan engaged na siyang magpakasal, at saka pa umaasta si Dani na parang pinalaki siyang mag-isa ng ina n’ya at walang itinulong ang ama n’ya o kahit na ang mga kapatid at kaanak ng nanay n’ya. Dinamdam ng mga tiyahin n’yang sina Gretchen  at Claudine Barretto ang vlog (video blog) ... Read More »

Gerald Santos, bongga na kung mag-concert

PAGLULUTO ng chicken-pork adobo at sinigang ang isa sa mga natutuhan ni Gerald Santos habang nasa London at gumaganap siyang  Thuy sa Miss Saigon (na tumagal ng dalawang taon). Oo nga pala, alam n’yo na sigurong narito sa Pilipinas sina Gerald at Aicelle Santos mula sa halos isang taon na pamamalagi sa London, England at sa iba pang European countries (gaya ng Germany at Switzerland) bilang miyembro ... Read More »

Korina, super enjoy sa pag-aalaga sa kambal

GAANO karami kaya ang naipon ni Korina Sanchez na advanced episodes ng kanyang well-followed news magazine show na Rated K sa Kapamilya Network? Alam n’yo na sigurong halos isang buwan na sa US ang mag-asawang Korina Sanchez at senatorial candidate na si Mar Roxas. At batay sa mga ibinabalita ni Korina sa Instagram posts n’ya, parang ‘di siya nagmamadaling makabalik ... Read More »

Nadine, mangunguna sa paglilinis ng karagatan

SERYOSO pala talaga si Nadine Lustre na makiisa sa pag-aalaga sa  karagatan. Willing talaga siyang maglaaan ng oras sa advocacy na ito. Nitong nakaraang Sabado lang, nag-time-out muna si Nadine sa pagpo-promote ng upcoming movie n’yang Ulan para makasampa at makaikot siya sa Rainbow Warrior na isang barko ng international environmental group na Greenpeace na kasalukuyang nakadaong sa Maynila. Layon ... Read More »

Karla, may hiling sa fans ng KathNiel

“H uwag tayong manghimasok sa private life nila,” pa-sweet na payo ni Karla Estrada sa media at sa fans sa isang press conference kamakailan. At ang “nila” na pinatutungkulan n’ya ay ang anak na si Daniel Padilla at ang real-life girlfriend at ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo.  Pagmamalasakit ba ‘yon kina Daniel at Kathryn o kayabangan? O kawalan ng pag-a-analyze ni Karla kung paano nanatiling ... Read More »

Liza, Janella, at Julia, sosyal magpurihan

NAGPURIHAN sa isa’t isa kamakailan sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Janella Salvador. Sina Angelica Panganiban, Kim Chiu, at Bela Padilla naman ay nagpalagay ng tuldok na tattoo bilang sinyal ng pagiging malapit na magkakaibigan. Okey lang na magpurihan ang mga celebrity sa isa’t isa para mabalanse naman ang parang ‘di mapipigil na pamba-bash ng netizens sa kanila. Pamba-bash na ... Read More »

Singsing ni Sarah, napakaliit para maging engagement ring nila ni Matteo

Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

MUKHANG totoy pa rin si Matteo Guidicelli kahit na 28 years old na pala siya. Ang girlfriend naman n’yang si Sarah Geronimo ay 30 na pala pero mukhang nene pa rin naman. Malamang na dahil sa mga edad nila kaya panay ang puna at kantyaw sa kanila tungkol sa umano’y pagiging lihim na engaged na nila. May pinagdidiskitahan ang media ... Read More »

Jessy, handa nang maging ina… pagpapakasal kay Luis, ‘di pa handa?

PAGIGING ina na ng mga magiging anak nila ang pinag-uusapan ngayon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Hindi kasal, kundi pagkakaroon ng mga anak! Mukhang balak nilang magkaanak muna bago magpakasal—kung magpapakasal nga. Mas madali kasi ang magkaanak kaysa magpakasal. Lalo na kung sa simbahahan ang kasal, napakaraming preparasyon ang kailangan kaysa magsiping na lang muna at maghintay na magka-baby after eight months. Sa ... Read More »

Kinabukasan ni Tony, ‘wag sirain

KUNG isa kayong balikbayan na nilayasan na ang America dahil wala naman kayong nakikitang magandang kinabukasan sa pagkalaki-laking bansa na ‘yon, maiintindihan n’yo kung bakit nagalit si Tony Labrusca noong ayaw siyang bigyan ng isang taon na permit na manatili sa Pilipinas pagkagaling n’ya sa US. Sa Pilipinas siya may nakikitang magandang kinabukasan. May mga project na ang KapamilyaNetwork para sa kanya ... Read More »

Sarah, survivor ng pressures sa career at lovelife

SA pagpapatuloy ng ating column ukol sa listahan ng pinakamaiinit na bituin ng Pinoy Showbiz. 8. Pambansang kabadingang bisyo pa rin si VICE GANDA. Tinatalo ng Fantastica n’ya sa box office ang combined stardom ng FPJ’s Ang Probinsyano at Eat Bulaga. Ayon sa ulat ng isang entertainment website, si Vice talaga ang Box Office King/Queen mula pa noong 2011. Tanggap na tanggap ng madlang Pinoy ang ... Read More »

Hottest stars, momentous events in Pinoy showbiz 2018 (part 1 of 3 parts)

MAY entries sa listahan na ito na ‘di na kailangan ng tsika (paliwanag) kung bakit kabilang sila sa pinakamaiinit na bituin ng Pinoy Showbiz 2018. Pero may ilan din namang kailangan ng kaunting paliwanag kung bakit isinali namin sa listahan. Kung wala sa buhay ng madlang Pinoy ang showbiz idols na inilista namin dito, nakabuburyong, tuyot na tuyot, walang sigla ... Read More »

Showbiz Psychiatrist, nagbigay ng tips sa mga nabu-bully

Dr Randy Dellosa

MAY tips pala ang showbiz psychiatrist na si Dr. Randy Dellosa sa mga kabataang binu-bully. Ipinaskil n’ya ang tips sa Facebook (FB) account n’yang Randy Misael Dellosa.  “Showbiz Psychiatrist” ang bansag sa kanya dahil sa kanya ipinakonsulta ni Kuya ng reality show na Pinoy Big Brother sa ABS-CBN ang housemates na nagkakairingan habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Pero ... Read More »

Bea, may kidney failure

NAKATUTUWA naman si Bea Rose Santiago, ang Pinay na Miss International 2013. Siya na nga ang nanganganib ang buhay, siya pa itong nag-aalala at nagbabahala sa madla. May malubhang sakit sa kidney si Bea. “Kidney failure” ang tawag sa Ingles sa kondisyon n’ya. Siya mismo ang gumamit ng mga salitang “kinda have a kidney failure” sa paglalarawan sa malubha n’yang karamdaman. Gaano ba kalubha? Nabubuhay ... Read More »

Lotlot, Iza, pinakasalan kahit may mga edad na

Lotlot de Leon Iza Calzado

BASTA’T maayos pa rin ang pagkatao at hitsura ng isang babae, at kahit halos 40 years old na, o lagpas na siya sa edad na 40, may lalaki pa ring pakakasalan siya. At ang very recent na ebidensiya ay sina Lotlot de Leon at Iza Calzado na ikinasal ngayong Disyembre. Noong Dec. 18 lang ikinasal si Lotlot sa negosyanteng Lebanese na si Fadi El Soury sa ... Read More »

Kathryn, may magandang New Year’s resolution

NAGSIMULA na ba kayong mag-sip ng tungkol sa gusto n’yong maging New Year’s resolution? Baka gusto n’yong tularan ‘yung “three words to forever” ni Kathryn Bernardo na walang kinalaman sa pelikula niya with Sharon Cuneta at Richard Gomez na ang titulo ay Three Words to Forever. Ang kay Kathryn ay, “I am sorry.” “We think that whenever we say sorry, ... Read More »

Neri at Chito, ‘di nagpapakialamanan ng negosyo

Neri Naig Chito Miranda

  Maganda ring gawing New Year’s resolution ang kasunduan ng mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar, may sari-sarili silang negosyo na hindi nila pinagpapa­kialamanan. “Siyempre bilang mag-asawa, hati kami sa lahat. Pero naniniwala kami na mas maganda na may kanya-kanya kaming mga business at income. Iyong mga business ni Neri, sa kanya lang ‘yan at ... Read More »

Coco, isa na sa pinakamayamang artista

ANG saya at ang yaman ng showbiz! Parang si Mystica lang ang may problema sa pera at sa kung ano-ano pa. Masaya ang Pinoy showbiz dahil nagpapasik­laban na sa trailer at sa publicity ang walong entries sa ‘di na mapipigil sa pagsapit na 2018 Metro Manila Film Festival. Tiyak na alam n’yo nang ilang taon na rin ngayon na nationwide ang MMFF. Siguro ... Read More »

Jessy, naka-move on na kay Enrique; KC, friend na rin kay Piolo

Jessy Mendiola Enrique Gil KC Concepcion Piolo Pascual

KANI-KANINO kaya nanggaling ‘yung mga report kamakailan na inuungkat pa Jessy Mendiola sa mga media event ‘yung ginawa sa kanya ni Enrique Gil na tangkang paghalik ng aktor habang sakay ang isang grupo ng ABS-CBN stars sa eroplanong papuntang London para sa isang malaking pagtatanghal doon. Sa media conference ng isang pelikula naungkat ang insidenteng ‘yon. And as usual sa media events, bihira namang mag-ungkat ng ... Read More »

Jodi, pangarap nang maging piloto, kaysa mag-MD

PARANG doktora na rin pala si Jodi Sta. Maria ngayon. Para lang naman! “Certified Acupuncture Detoxification Specialist” na pala siya ngayon. Alam n’yo na siguro na ang acupuncture ay ‘yung paraan ng panggagamot sa pamamagitan ng pagtusok sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng special na mga alambre na kasing nipis ng mga karayom. Siyempre pa, inaaral ang paggamit ng acupuncture needles. Tuwang-tuwa ... Read More »

Glorious, pelikulang makamundo pero feminist

PARANG every 15 minutes ng pelikulang Glorious, naglilingkisan at naglalaplapan ang babae at lalaking ginagampanan nina Angel Aquino at Tony Labrusca. May ilang eksena rin ng sex sa kama sa loob ng kuwarto. Iba pa ‘yon, siyempre pa, sa mga lingkisan-laplapan sa kung saan-saan. Happily, may istorya naman ang pelikula kahit paano. At parehong napakahusay ng acting nina Angel at Tony hindi lang sa maaalab ... Read More »

Pinay na model ng Victoria’s Secret, kapitbahay na ni Beyonce

Kelsey Merritt

SOSYAL na sosyal na pala talaga ngayon ang kauna-unahang Pinay na opisyal na miyembro ng Victoria’s Secret Angels na si Kelsey Merritt. Kapitbhay na siya nina Taylor Swift, Justin Timberlake, Meg Ryan, Beyonce, at Jay Z sa isang apartment building sa Tribeca, New York. Aniya sa isang Instagram post n’ya ilang araw lang ang nakaraan: “From Chelsea to Tribeca. So excited I’m moving in my new apartment today!!!” Mukhang malaki ... Read More »

Toni, nag-ilusyong karelasyon si Sam; Maine, walang pinagsisisihan sa pagkalas kay Alden

Sam Milby Toni Gonzaga Aldub Maine Mendoza Alden Richards

NGAYONG magka-loveteam sina Sam Milby at Toni Gonzaga sa Mary, Marry Me na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF), inamin ng aktres na may panahong nag-ilusyon siya na may relasyon na sila ng  aka dahil lang may pelikula silang pinagtatambalan. “Lahat ng mga nakakikilig na eksena, ‘pag binalikan mo, sa pelikula pala nangyari, sa set lang. Wala pala talaga ‘yung behind the scene na nag-date kayo, ... Read More »

Mga relasyong ‘di inaamin, nauuso sa showbiz

Vice Ganda Calvin Abueva Maine Mendoza Arjo Atayde

MUKHANG mauuso ang mga relasyon sa showbiz na ‘di aaminin. At hindi sila aamin dahil wala namang advantage para sa kanila na umamin. At wala ring disadvantage kung ‘di sila umamin. Mag-date man nang mag-date sa syudad o out-of-town sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, pati na sina Vice Ganda at Calvin Abueva, hindi sila kailangang umamin na may relasyon ... Read More »

Demanda kay Keanna, leksiyon sa mga manlalait sa social media

LEKSIYON sa mga manlalait ang naging demanda kay Keanna Reeves. Buti naman at pansamantalang nakalaya na si Keanna sa pagkakakulong sa Laguna dahil sa panlalait n’ya sa pamamagitan ng isang Facebook video sa isang transgender woman na ang pangalan ay Nancy Dimaranan at may-ari ng isang food park sa Laguna na pinag-perform-an niya at ng ilang kasama n’ya noong Hulyo. ... Read More »

Scroll To Top