Saturday , July 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Brian Bilasano (page 2)

Author Archives: Brian Bilasano

Feed Subscription

Sa utos ni Yorme: Intsik arestado sa pagdura sa loob ng fast food chain

IPINADAKIP ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila Police District, ang isang Chinese national na nag-viral sa social media dahil sa ilang beses na pagdura sa  isang kilalang fast food chain sa Maynila. Kinilala ang ina­restong Chinese national na si Jinxiong Cai, alyas Willy Choi, 35 anyos, nagpakilalang nego­syante, at residente sa Room E, 45/F, Orchard Garden, Masangkay St., Tondo. ... Read More »

Sa utos na manhunt ni Yorme… Suspek sa pagbaril at holdap sa mami vendor kalaboso

NATIMBOG ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang holdaper na namaril at malubhang nakasugat sa isang mami vendor, kamakalawa ng gabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila. Pahayag ng suspek na si Alexander Ogdamina, residente sa Blk.1 Gasa­ngan, Baseco Compound, Port Area, ‘ipapayo niya sa mga biktima ng holdap na ibigay na lang ang mga gamit kaysa mabaril ... Read More »

Health care employees paglalaanan ng libreng tirahan — Mayor Isko

MAAYOS at libreng matutuluyan ang ibibi­gay ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­go­so sa health workers  ng anim na district hospital sa Maynila kabilang ang mga kawani ng Manila Health Department na malayo ang inuuwian at hirap sa araw-araw na pagbiyahe. Inihayag ito ni Moreno sa ginanap na kauna-unahang  Consultative Meeting  kasama ang  Medical Health Sector na dinalohan nina Vice Mayor Honey ... Read More »

Super health centers sa bawat distrito ng Maynila — Isko

SA KAUNA-UNA­HANG pagkakataon ay magkakaroon ng super centers ang bawat distrito ng Lungsod ng Maynila bilang alay ng lokal na pamahalaan para sa mga residente ng Maynila. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna, super centers na maituturing matapos masaksihan ang iniharap na plano ni Manila Health Depart­ment (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan sa ... Read More »

“No to kotong” sa panahon ni Yorme Isko (400% increase sa koleksiyon ibinida ng MTPB)

TUMATAGINTING na 400% ang itinaas ng koleksiyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kompara noong nakalipas na taon. Ito ang ipinagmalaki ni Mayor Francisco “Isko” Domagoso sa mga empleyado ng Manila City Hall, sa kanyang talumpati kamakalawa. Base sa pahayag ni Mayor Isko, iniulat ni MPTB chief Dennis Viaje na ang anim na buwang kinolekta ng nakaraang administrasyon ay katumbas lamang ... Read More »

Montero nagwala sa Raon… Babae patay sa freak accident (6 pedestrians sugatan)

PATAY agad ang isang babaeng pedestrian habang anim ang isinugod sa dalawang pagamutan nang mapitpit at masoro ng isang Montero SUV na umuugong ang makina at mabilis na umatras sa kinaroroonan ng mga biktima sa Quiapo, Maynila. Patingkayad at tila nabali ang likod ng babaeng biktima nang mapitpit ang katawan ng Mitsubishi Montero, may plakang RKM-602 nang tila magwala ang ... Read More »

‘Komisyoner’ sa maralita… Nanghihingi ng ‘picture’ isumbong kay Isko

HUMIHINGI ng tulong si Mayor Francisco “Isko” Domagoso sa mga Manileño upang tuluyan nang matuldukan ang mga ‘enterprising individuals’ na nagpapahirap sa maralitang taga-lungsod. Kaugnay nito, hinikayat ni Mayor Isko ang mga residente ng lungsod na agad ipaalam sa kanya ang mga tinaguriang ‘Eddie’ at ‘Patty’ na tila mga ‘komisyoner’ na nanghihingi ng komisyon o ‘picture’ sa mga  pinagkakalooban ng  ... Read More »

Chinese at Romanian national… Bangkay ng 2 ‘alien’ iimbestigahan sa nCoV

DALAWANG dayuhan ang namatay sa karaga­tan ng Filipinas ang isinasailalim ngayon sa imbestogasyn kaugnay ng 2019 novel coronavirus (nCoV). Ang isang bangkay ay natagpuang walang buhay at palutang-lutang sa tubig, isang Chinese national na may sukbit pang backpack sa tapat ng MJ Cafe sa Manila Bay sidewalk, Malate, May­nila kahapon ng umaga. Base sa ulat ng Manila Police District (MDP) ... Read More »

Traffic enforcer tinakasan… Tsekwang alien nasakote droga nakuha sa SUV umarestong parak sinumpit ng laway

NASAKOTE ng Manila Police District (MPD) ang  isang 50-anyos Chinese national na nahaharap sa patong-patong na kaso makaraang takasan ang dalawang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa isang traffic violation kahapon ng umaga sa Binondo na nagtapos sa panulukan ng Tayuman at Abad Santos Avenue Tondo sa lungsod ng Maynila. Sa ulat, kinilala ang suspek na si ... Read More »

Missing taxi driver natagpuang patay sa loob ng drum sa Port Area

NAKALUBOG ang ulong patiwarik nang matagpuang ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng isang abandonadong palikuran kamakalawa ng hapon sa Port Area, Maynila. Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, kinilala ang biktimang si Jamal Tagsayan ng Barangay 647, Zone 67, San Miguel, Maynila na positibong kinilala ng kanyang ina na ang nawawala niyang anak. Nabatid ... Read More »

Pulis igalang ‘wag katakutan — Isko

NAIS ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso na ganito ang muling mangyari sa kanyang panahon ng panunung­kulan sa lungsod ng Maynila. Kasabay ito ng pag­hikayat ni Isko sa mga  opisyal at tauhan ng Manila Police District (MPD) na  maibalik ang respeto ng mamamayan sa mga pulis tulad noong mga naunang panahon. Ito ay pahayag Mayor Isko sa kanyang pagsa­salita sa harap ng ... Read More »

10K barangay officials, bubulabugin ni Isko

BUBULABUGIN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 10,000 barangay officials sa Maynila upang makiisa sa patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan sa paglilinis at pagsasaayos ng Lungsod. “Balewala ang pagliling­kod nang tapat at sigasig ng gobyerno kapag ang tao, ‘di nag-participate… impor­tante na tulungan ninyo ang city government hindi para sa atin kundi para sa mga susunod na ... Read More »

Sa unang anim na buwan ng termino… VM Lacuna pinasalamatan ni Yorme Isko

LUBOS ang pagbibigay-pugay ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang Bise-Alkalde na si Honey Lacuna-Pangan at sa lahat ng tumulong sa kanya sa konseho  at sa pamahalaang lungsod na naging daan sa tagumpay at patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng Manileño, sa unang anim na buwan ng panunungkulan bilang punong ehekutibo at ama ng lungsod.  Ayon kay Mayor ... Read More »

2 BIFF member timbog, sangkap ng pampasabog nakompiska sa Maynila

BAGSAK ang tatlong gulong ng isang sports utility vehicle (SUV) dahil sa tama ng bala lulan ang dalawang nadakip na hinihinlang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na nakompiskahan ng sangkap na pampasa­bog, sa isinagawang ope­rasyon ng mga tauhan ng  National Capital Region Police Office – Regional Special Operation Unit (NCRPO-RSOU) sa lungsod ng Maynila, kamakalawa ng hapon. Sa ... Read More »

Para sa Traslacion 2020: Zero vendor sa Quiapo, utos ni yorme

MAHIGPIT na ipinag-utos ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang zero vendor policy sa darating na pista ng Itim na Nazareno sa 9 Enero 2020. Hindi papayagan ni Isko na makapagtinda ang ambulant vendors partikular sa kasagsagan ng  Traslacion 2020. Ang pagbabawal ay ipinahayag ni Mayor Isko sa kanyang “The Capital Report” na nagpa­pa­hayag na tablado ang lahat ng vendor at ... Read More »

Isko, MPD sumalakay sa ‘Recto university’

GINALUGAD ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasama ng mga pulis ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen Bernabe Balba ang tinaguriang “Recto university” sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila. Umarangkada ang grupo ng alkalde dakong 11:00 am  para ilunsad ang “Operasyon Baliko” upang galugarin ang mga gawaan ng pekeng doku­mento at iba pang ilegal na aktibidad ... Read More »

Habang nasa motorsiklo… Pulis-Maynila inatake sa puso

BINAWIAN ng buhay sa ospital ang isang pulis-Maynila makaraang atakehin sa puso habang lulan ng kanyang motor­siklo papasok sa trabaho sa Tondo, Maynila kama­kalawa ng umaga. Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), kinilala ang biktimang si P/Lt. Raul Imperial na papunta sa MPD Police Station 5 nang atakehin habang sakay ng kanyang motor­siklo sa Chesa St., Tondo dakong ... Read More »

Citizen’s arrest vs ‘mambababoy’ sa Jones Bridge

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang citizen’s arrest laban sa mag­tatangkang ‘mana­laula’ sa pinagandang Jones Bridge na nag­dudugtong sa Intra­mu­ros at Ermita sa Binon­do, Maynila. Pahayag ni Moreno, “Be vigilant. ‘Yung mga magdudumi dito, ares­tohin ninyo, taongbayan. Hindi lang amin ito. Bilang pamahalaan, sa ating lahat ito… bilang Filipino, bilang Manile­ño. You own it.” Idinagdag ni Mayor ... Read More »

MPD-TPU chief humingi ng ‘tara’ inreklamo sa GAIS

NASA hot water nga­yon ang hepe ng Tourist Police Unit (TPU)  ma­ka­raang ireklamo ng kanyang mga tauhan sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (GAIS) dahil sa umano’y pagtatalaga ng tara ng P150-P300 kada araw sa MPD Headquarters sa United Nation Ave., Ermita, Maynila. Sa ulat ng MPD-GAIS, dakong 9:00 am kamakalawa, si P/Cpl. Jonathan Yasay, naka­talaga sa TPU ... Read More »

Manila traffic enforcer kinaladkad… SUV driver hindi paliligtasin ni Mayor Isko

NABUGBOG sa sermon kay Manila Mayor Fran­cisco “Isko Moreno” Doma­goso, ang SUV driver na nadakip at nakapiit ngayon sa Manila Police District (MPD) matapos kalad­karin sa kanyang behi­kulo ang isang traffic enforcer na sumita sa kanya dahil sa pagba­lewala sa lane marking, sa Sta. Cruz, Maynila. Hinarap kama­ka­lawa ng gabi ni mayor Isko sa kulungan ng Manila Police District Sta. ... Read More »

Pulis-Maynila na nanakit ng bata, wanted kay Balba!

GALIT na ipinag-utos ni Manila Police District (MPD) director P/BGen. Bernabe Balba ang pag-aresto sa isang pulis-Maynila makaraang mag- viral pa sa social media ang ginawang pananakit sa isang 12-anyos binatilyo na nakasira sa side mirror ng kanyang sasakyan, kamakailan sa Pandacan, Maynila. Ayon kay Balba, sisiguradohin niyang matatanggal sa serbisyo ang pulis na si P/MSgt. Dennis Piad, nakatalaga sa ... Read More »

4 pulis timbog sa P.2-M extortion sa drug suspect

ARESTADO ang apat na tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang entrap­ment operation ng Integrity Management and Enforcement Group (IMEG) katuwang ang Regional Intelligence Division (RID) NCRPO at MPD DID makaraang manghingi ng malaking halaga sa kaanak ng naarestong drug suspect, nitong Miyerkoles ng gabi sa loob ng isang presinto sa Baseco Compound, Port Area, Maynila. Kinilala ang mga ... Read More »

Vendors tablado kay Yorme Isko ngayong Pasko

TALIWAS sa nakasa­nayan tuwing Pasko na naglipana ang vendors sa buong lungsod ng Maynila, tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­go­­so na mananatiling zero vendors ang main thoroughfares ng May­nila partikular sa Divisoria. Seryosong pahayag ni Isko, “tapos na ang maliligayang araw na ang mga vendor ay ‘panginoon’ sa mga kalsada sa Maynila.” “Nakagawian na kasi ‘yan. ‘Pag panahon ... Read More »

Bebot na tulog binoga sa loob ng bahay, patay

HINDI na nagising ang isang 38-anyos babae makaraang barilin nang hindi nakilalang gunman habang nasa mahimbing na pagtulog sa tinu­tuluyang unit sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat na nakarating kay Manila Police District(MPD) Director P/BGen. Bernabe Balba, kinilala ang biktimang si Maela Prisno, may live-in partnr, taga-314 Blk.15-A Baseco Compound. Sa imbesti­ga­syon ni P/Capt. Henry ... Read More »

Cavite official sinibak 300 VK, fruit games machines winasak

MINASO at winasak ng mga pulis ng Police Regional Office 4-A (PRO 4-A) Office of the Regional Director Action Team ang mahigit 300-piraso ng ipinagba­bawal na video karera at fruit game sa Calabarzon. Base sa ulat ni PRO4-A Regional Director (RD) General Vicente Danao, nakompiska ng mga pulis ang 252 piraso ng VK at FG mula sa limang probinsiya na ... Read More »

Scroll To Top