Thursday , May 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Bong Ramos (page 2)

Author Archives: Bong Ramos

Feed Subscription

Kudos MPD PS3 at Blumentritt PCP!

BINABATI natin ang masisipag na pulis ng MPD PS-3 na pinangungunahan ni P/Supt. Tom Ibay na walang tigil sa kampanya kontra krimen at droga sa Sta. Cruz Maynila. Mismong si Supt. Tom Ibay kasi ay masigasig sa pagkapa sa mga notoryus na kriminal sa kanilang AOR. Mas naging aktibo kontra krimen ang nasabing presinto, gayondin ang mga police detachment nito ... Read More »

MPD PS8 tahimik at malalim

  MARAMI ang nagtatanong kung ano ba ang pinagkakaabalahan ng isang estasyon ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa giyera kontra droga nina C/PNP DG Bato Dela Rosa, NCRPO RD Oscar Albayalde at MPD Director C/Supt Joel Napoleon Coronel. Mistulang tahimik sa mga aktibidad ang estasyon na gaya ng MPD OTSO sa Sta. Mesa pero smooth sailing ang ganansiya sa ... Read More »

PNP internal cleansing mas epektibo kasama ang religous sector! (Attn: PNP PCR)

SERYOSO ang kampanya ng pulisya sa paglilinis ng kanilang bakuran at pagwawaksi sa mga tinaguriang pulis scalawags sa pamamagitan ng internal cleansing program sa hanay ng PNP. Epektibo ang programa na nabawasan ang matutulis at maliligalig sa kanilang hanay. Mayroon rin naman nadamay lang sa sistema at naisahog sa listahan ng tapunan sa Mindanao na parte ng paglilinis sa hanay ... Read More »

Tricycles sa Blumentritt kanto ng Avenida Rizal balakid at abala sa publiko!

BALAKID at malaking abala sa mga motorista at publiko ang nga tricycle na nakahambalang sa kanto ng Blumentritt at Avenida Rizal malapit sa riles ng tren at LRT station. Ang kanilang mahabang pila at ilegal na terminal ay okupado na halos ang buong kalye at bangketa sa nasabing lugar kaya’t naantala ang mga motorista, Gayondin ang commuters. Imbes sa bangketa ... Read More »

Happy Land at Aroma Tondo kanlungan ng notoryus na kriminal?!

IPINAPALAGAY ng karamihan na ang lugar na Happy Land at Aroma sa Tondo, Maynia ay kanlungan ng mga notoryus na kriminal at mga hoodlum. Ang nga kasong kainasasangkutan ay mula agaw-cellphone, snatching at robbery hold-up, nasa murang edad ang mga suspek ngunit kakaiba na ang lakas ng loob nila. ‘Ika nga, kung mga kabataan ng Maute ay armado at magigilas, ... Read More »

Dalawang anyo ng pulisya! (Kudos MPD PS3)

SALUDO kami sa ginawang tiyaga at sinop ng mga operatiba ng Anti-Crime Unit ng MPD PS3 sa pagkakadakip nila sa dalawang hoodlum na may kasong robbery hold-up at rape sa kaawa-awa nilang biktimang mga babae na karamiha’y mga wala pang muwang na mga estudyante. Series at ilang beses nang nakalusot sa batas ang mga sadista ngunit dito na natapos ang ... Read More »

Kuwento ni Lolo tungkol sa Mindanao

HALOS mag-iisang dekada na ang kaguluhan sa Mindanao papalit-palit lang ng nga bida at karakter. Kung sa bagay, totoo na may Abu Sayaff, minsa’y may MILF at MNLF at ngayon naman ay Maute ang nasa limelight at isyu sa bansa. Ganoon din noong panahon nila, natapat na isang alyas Kamlon at ang kanyang mga tauhang bandido ang namayagpag. Ang lakad ... Read More »

Politikong masisipag mag-ikot sa mga lamay noon nasaan ngayon?!

RAMDAM na ramdam noon ang presensiya ng mga TRAPO (traditional politician) na masigasig mag-ikot sa mga lamay at magbigay ng kaunting tulong pinansiyal sa bawat pamilyang naulila kahit hindi mo hingan sa lungsod ng Maynila. ‘Yan ay noong bago ang eleksyon 2016 na halos lahat ng sulok na may nakaburol ay inaalam at ginagalugad ng mga kandidato at politiko. Lalo ... Read More »

Patakaran at polisya ng BJMP walang sustansya’t katuturan

WALANG sustansya’t katuturan ang mga polisiya at patakaran ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nagmumukhang proteksiyon at cover-up lang ng kanilang liderato at mga opisyal sa loob ng mga municipal at city jail sa buong bansa. Isa sa mga patakaran ng BJMP na isang malaking kahangalan ay media entry sa loob ng kanilang mga premises na kulang ... Read More »

Mga anomalya sa Manila City Jail (MCJ)

IBINULGAR sa atin ng isang impormante ang mga karumal-dumal na anomalyang sinasabing nagaganap sa loob ng BJMP Manila City Jail (MCJ) sa pamamagitan mismo ng mga detainee at mga kawani ng nasabing institusyon. Ayon kay Godo (hindi tunay na pangalan), ang anomalya ay nagmumula sa mga cellphone ng mga inmate na sinasabing binabayaran sa mga awtoridad sa halagang P500 para ... Read More »

Laban kontra droga sa Maynila, bow!

MAHIGPIT ang tagubilin ni CPNP Director General Ronaldo “Bato” Dela Rosa sa mga pulis na paigtingin ang laban kontra droga sa pamamagitan ng Oplan Double Barel at Oplan Tokhang alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isa sa prayoridad ng kanyang administrasyon. Dahil dito, malalim ang ginagawang paghuhukay ng pulisya upang makakalap ng intel o impormasyon upang matukoy ... Read More »

Blumentritt at Plaza Miranda PCP outstanding

MARAMI sa mga Police Community Precinct (PCP) sa AOR ni MPD Director S/Supt Joel Coronel ang aktibo sa kanilang anti-Crime at Drug campaign. May ilang MPD detachment ay nakitaan ng extra-effort na kaayusan sa kanilang nasasakupan gaya ng Plaza Miranda PCP ni C/Insp John Guiagui at Blumentritt PCP ni Major Marlon “triple M” Mallorca. Marami ang nakapuna sa dedikasyon sa ... Read More »

Money down before panty down sa Avenida

ITO ang kasabihan ng pick-up girls sa Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Manila na lubhang nakaaalarma dahil sa biglang paglobo ng kanilang bilang. Ang prosti-girls ay matatagpuan sa gilid-gilid ng bangketa mula sa Plaza Goiti hanggang sa Lope De Vega sa Rizal Avenue na mas kilalang Avenida Rizal. From morning till dawn o halos 24 oras silang makikita sa nasabing ... Read More »

Laban sa ilegal na droga

AYON at okey ang mga police operation kontra ilegal na droga na positibo o umano’y nanlaban ang mga sangkot. Pero sa pananaw ng ilan or from a layman’s point of view, parang may kakulangan pa raw ang lahat. All praises ang hanay ng pulisya sa lahat ng effort sa kanilang laban kontra ilegal na droga. Sa mga namatay na umaabot ... Read More »

Senator Leila De Lima, ‘pinupulutan’ sa kongreso at senado

NAKASUBAYBAY ang sambayanang Filipino sa nagaganap na hearing sa Kamara kaugnay sa sinasabing malawakang drug trade sa National Bilibid Prison (NBP) na iniuugnay kay dating Juctice Secretary at kasalukuyang Senadora Leila De Lima. Walang nagawa si Senator D5 kundi ang magngitngit habang nagaganap ang pagdinig ng mga iniharap na witness ni SOJ Vitaliano Aguirre sa milyon-milyong drug trade sa Bilibid. ... Read More »

Anyare sa double barrel ng MPD PS9?! (Patay na nabuhay pa?! Sablay!)

  MUKHANG mahilig gumawa at magpaputok ng kakaibang issue ang ilang tulis ‘ehek’ pulis nuwebe na talaga namang nag-trending. Walang-humpay ang oplan double barrel ni MPD DD SSupt. Joel Napoleon Coronel kaisa ang halos lahat ng Presinto ng MPD. Outstanding ang PS-1 ni Supt. Red “Snappy” Ulsano at PS-11 Supt. Amante Daro laban sa ilegal na droga. Pasado rin si ... Read More »

5 MPD police stations walang aktibidad halos imbalido

  LIMA sa 11 police stations o presinto sa ilalim ng Manila Police District (MPD) ay wala umanong nakikitang aktibididad o trabaho sa lahat ng aspekto. Para bang imbalido at walang silbi sa trabahong pulis sa hanay ng kanilang mga kabaro at mamamayan. Ang limang presintong tinutukoy dito ay MPD-PS 4, MPD-PS 5, MPD-PS 8, MPD-PS 9 at PS 10. ... Read More »

Maraming ‘negosyo’ sa Barangay 220 Zone-20

HINDI kukulangin sa 50 kubol na nakatirik sa bangketa sa kahabaan ng Antipolo St., sa Tondo, Manila ang kinukuwestiyon ng libong commuters na napipilitan magdaan sa gitna ng kalye dahil sarado ang bangketa dahil sa mga estrukturang ilegal na nakatayo rito. Tinatayang nasa 100 metro rin ng bangketa na dapat ay nilalakaran ng pedestrian mula sa Severino Reyes St., hanggang ... Read More »

Paglilinis sa Maynila totohanan na ba!?

MAGANDA at kaaya-aya anila ang ginagawang paglilinis ng mga tauhan ng Manila City Hall sa masisikip na lugar ngayon sa lungsod ng Maynila. Pero hindi alintana ang kahirapang dulot nito sa nakararaming maninindang residente ng lungsod. Kamakailan, inuna ng mga tauhan ni Mayor “under electoral protest” Erap Estrada ang pagpapaalis sa mga vendors sa Divisoria, Maynila. Dito puwersahan at agarang ... Read More »

Tata Boyong Tago bagong enkargado ng MPD PS- 4 at PS-11

SI Tata Boyong y Tago ang sumisikat na bagong enkargado ng Manila Police District (MPD) Station 4 at Station 11. Ang buong akala natin, sobrang tikas siya dahil sa kanya inatang ang responsibilidad na hepe ng anti-crime unit ng dalawang presintong nabanggit. Bukod rito, ‘matik’ na siya rin daw ang enkarkadong itinalaga ng kanyang ‘mga’ station commander. Hindi kaya nabubulagan ... Read More »

Mga vendor isinakripisyo ni pangulong mayor Erap Estrada

TINABLA at isinakripisyo na rin ni Pangulong Mayor Erap Estrada ang kawawang vendors kapalit ng muling pagbubukas sa trapiko sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue Divisoria. Marami ang natuwa pero marami rin naman ang sumama ang loob sa biglaang aksiyon ni Yorme Erap lalo na ang hanay ng mga vendor sampu ng kanilang mga pamilya. Hinaing nila, basta na lamang ... Read More »

Change is coming ni yorme Erap

MARAMI ang nagulat at nagtaka sa mga biglaang proyekto at aktibidad ni Pangulong Mayor Erap Estrada sa ilang lugar sa Maynila na kanyang ipinatupad kamakailan. Ano nga ba raw ang nakain ni Erap at bigla na lamang ipinalinis ang kahabaan ng Recto Avenue sa Divisoria, Pedro Gil at Blumentritt na pinangasiwaan ng kanyang itinatag na Task Force Clean-up na pinamumunuan ... Read More »

MPD Director Joel Coronel, desidido kontra droga

BUONG-BUO ang loob ngayon ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) sa pagsugpo sa ilegal na droga base sa marching order ni President Rodrigo Duterte at C/PNP Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa. Pakitang gilas ‘este’ parang gilas sa trabaho ang mga pulis-Maynila sa direktiba ni MPD district director S/Supt. Joel “Pogi” Coronel na lansagin ang mga tulak ng shabu ... Read More »

NPD at EPD aksyon!

WALA yatang programa at aktibidad ang hanay ng ating pulisya sa Northern Police District (NPD) at Eastern Police District (EPD) kontra sa illegal na droga at kriminalidad na kasalukuyang pinaiigting ni Pangulong Digong Duterte at ng bagong upong Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa. Ang NPD, nakasasakop sa apat na lungsod na kinabibilangan ng Caloocan, ... Read More »

Change is coming sa MPDPC

NATAPOS rin ang eleksiyon ng mga bagong opisyal ng Manila Police District (MPD) Press Corps nitong nakaraang linggo na labis na ikinatuwa nang marami dahil sa wakas ay natuloy na rin sa kabila ng ilang posponement sa ‘di malamang dahilan. Dalawang partido ang lumahok at nagtunggali sa sinasabing pinaka-kontrobersiyal na eleksiyon sa MPD Press Corps election. Ang dating administrasyon na ... Read More »

Scroll To Top