Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Bong Ramos

Author Archives: Bong Ramos

Feed Subscription

Totoo ba ang tsismis?

YANIG ni Bong Ramos GAANO kaya katotoo at malamang, wala rin katotohanan ang lahat ng mga isyu kung kaya’t ito’y lumalabas na isang tsismis pa lang.   Umpisahan natin ang siyete o tsismis hinggil sa isyu sa dalawang miyembro ng gabinete na sinasabing malapit sa puso ni Pangulong Digong Duterte.   Ayon sa bulong-bulungan, ang dalawang miyembro ng gabinete ay ... Read More »

Facemask o face shield hindi na kailangan pang gumamit ang mga bakunado, magandang insentibo

YANIG ni Bong Ramos MAGANDANG insentibo, kung ipag-uutos, ang hindi paggamit ng facemask ng mga bakunado o ang mga indibiduwal na natapos nang bakunahan ng 1st at 2nd dose. Ito ang iminumungkahi ng ilang health experts at kasalukuyan namang pinag-aaralan ng Department of Health (DOH). Marami rin anilang nakokombinsing mga tao sa panukalang ito partikular ang ilan nating mga kababayan ... Read More »

Penitential walk ng mga pari vs Covid-19 sinimulan kahapon

MAHIGIT 200 paring Katoliko ang lumahok sa “penitential walk” kahapon para sa proteksiyon ng bansa laban sa CoVid-19. Pinaniniwalaang ito ang pinakamalaking pagtitipon ng Manila archdiocese’s clergy mula noong magsimula ang pananalasa ng pandemya. Buong tapang na sinuong ng mga pari ang init ng panahon habang naglalakad sa kalsada kasabay ng pagdarasal. Pinangunahan ang penitential walk ng apat na paring ... Read More »

Kaisa-isang beerhouse na bukas sa Caloocan City, inirereklamo

MABIGAT na inirereklamo ng mga residente ang isang beerhouse sa Caloocan city na anila’y nag-o-operate nang solo hindi lang sa nasabing siyudad kundi sa National Capital Region (NCR) pa raw siguro.   Ang sinasabing beerhouse ay matatagpuan daw sa 5th Avenue papuntang La Loma cemetery at halos tatlong bloke lang ang layo sa Rizal Avenue. Alas sais pa lang daw ... Read More »

Yor-me, tunay na trabahador

IKINOKONSIDERA ng maraming Manilenyo, si Yorme Isko Moreno ay isang tunay na trabahador dahil sa walang humpay nitong ginagawang pagtatrabaho para sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa lungsod ng Maynila.   Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, napapansin nila na walang ibang ginagawa si Yorme kundi pulungin at kausapin ang kanyang mga staff hinggil sa mga programang ipinapatupad para ... Read More »

Monthly food pack ni Yorme, ibinibigay sa piling residente

PILING-PILING residente lang umano ang nabibigyan ng monthly food pack na ibinibigay ni Yorme kada buwan sa bawat pamilyang naninirahan sa Lungsod ng Maynila.   Mandatoryo at obligadong magkaroon ng isang kahon na food pack na naglalaman ng bigas, mga de-lata, noodles at kape ang bawat pamilya kada buwan upang maibsan ang gutom maski na paano habang nasa panahon ng ... Read More »

Pulis at barangay, mistulang mga hari sa panahon ng pandemya

MISTULANG mga hari kung umasal at gumalaw ang mga pulis at barangay sa panahong ito ng pandemya na lubhang ikinababahala ng marami nating mamamayan.   Ibang iba nga naman ang kanilang nagiging ugali kung ikokompara sa dating normal na panahon na halos hindi sila napapansin.   Sa panahon ng pandemya, lumabas na ang tunay na ugali ng mga inaakala nating ... Read More »

Community pantries maraming natutulungan, ingat lang sa virus

MARAMING kababayan natin ang natutulungan nitong community pantries pero sana ay isaalang-alang din ang kalusugan. Ikinakatuwa ng mga residente ang alituntunin ng mga pantries na nagbibigay ng mga libreng goods na pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, de-lata, noodles at marami pang iba. Malaking tulong ito lalo sa mga kababayan nating mahihirap partikular ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ... Read More »

Bakuna vs CoVid-19 dumating, infected sa virus lalong dumami

DATI ay bakuna ang hinihintay natin bilang panlaban sa CoVid-19. Ngayong nagdatingan na ang mga naturang bakuna saka naman dumagsa ang mga nahawa. Ano na nga ba ang kakulangan na dapat ipatupad ng ating gobyerno para sa kapakanan ng ating mga mamamayan na ngayon ay hirap at pasakit pa rin ang dinaranas. Ilang mga kababayan na naman natin ang nawalan ... Read More »

If government won’t, God will provide…

SA KASALUKUYANG sitwasyon at kaganapan sa ating bansa, iisa lang ang itinatanong ng ating mga kababayan sa isa’t isa — saan tayo hahantong, saan tayo tutungo at kung hanggang kailan natin daranasin ang ganitong buhay na puro na lang kahirapan at sakripisyo. Hindi natin inaasahan na ganito pala kahaba ang pandemyang dulot ng CoVid-19 na ngayo’y mahigit isang taon na ... Read More »

Rice farmers sinanay sa pagpapalakas ng rice production

LIBO-LIBONG mag­sasa­kang nagtatanim ng palay ang nakinabang nang sumailalim sa pagsasanay at naabot ng information campaign na ipinapatupad ng Rice Competitiveness Extension Fund-Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) mula nang lagdaan ang Rice Tariffication Law noong 2019. Ayon kay Karen Eloisa Barroga, vice-chair ng Technical Working Group ng RCEF-RESP, mas maraming magsasaka at trainers ang naturuan ng extension services. Ngayong 2021, ... Read More »

Pagbubukas ng ekonomiya imposibleng talaga sa kasalukuyang sitwasyon

IMPOSIBLE at komplikado yata ang pagbubukas ng ekonomiya sa sitwasyong kinakaharap ng ating bansa. Hindi yata angkop ang anunsiyo ng Malacañang na kailangan na raw buksan ang ekonomiya sa lalong madaling panahon sa kabila ng banta ng CoVid-19 sa ating mga kababayan. Sa kasalukuyan, padami nang padami ang mga kababayan nating nagkakaroon o kinakapitan ng virus sanhi umano ng hindi ... Read More »

Bagwoman o enkargada ng Plaza Miranda Police Detachment, ‘dating’ VIP

VERY important person (VIP) daw ang dating ng bagwoman o enkargada ng Plaza Miranda detachment sa Quiapo, Maynila. Siya lang umano ang may ganitong posisyon sa lahat ng presinto at detachment sa Manila Police District (MPD). Kinilala ng mga vendor ang enkargada na isang PO Tres MamSer, lehitimong pulis na nakatalaga sa Plaza Miranda detachment. Sinasabi ng mga vendor sa ... Read More »

Liwanag sa dilim

KAHIT paunti-unti ay nakakakita na ng liwanag sa dilim ang mga Pinoy matapos ang isang taon pakikipagsapalaran sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Ang liwanag na ito ay sumisimbolo ng pag-asa sa kabila ng mga hirap at sakripisyong dinanas sa salot na virus na dumapo sa ating bansa. Nabuhayan ng loob ang ating mga kababayan sa pagdating ng bakunang puwedeng makasugpo ... Read More »

Pagsasailalim sa MGCQ ng Filipinas, makatulong kaya?

MAKATULONG kaya ang pagsasailalim sa Moderate General Community Quarantine (MGCQ) ng buong Filipinas partikular ang National Capital Region (NCR) sa Marso 2021? Ito ang mga katanungang kasalukuyang bumabalot sa isip at diwa ng ating mamamayan na wala rin namang ibang option kundi ang sumunod at makipagsapalaran. Ang paglalagay sa MGCQ ng bansa ay hinggil sa rekomendasyon ng iba’t ibang ahensiya ... Read More »

Patay na naman si Juan dela Cruz sa LTO

PATAY at gastos na naman si Juan de la Cruz sa gimik ng Land Transportation Office (LTO) hinggil sa mga safety seat ng mga batang 4-12 gulang na umano’y para sa sarili nilang kapakanan at kaligtasan. Simula sa araw na ito ay obligadong bumili ng mga safety seat ang lahat ng may pribadong sasakyan para sa kanilang mga anak, kamag-anak ... Read More »

Bagman ng MPD-PS2, tipong ‘picking apples’ sa koleksiyon sa AOR Padrino malapit kay yorme?

IBA at malaki raw masyado ang koleksiyon ng isang bagman o dili kaya’y enkargado na nakadetalye sa Manila Police District , Police Station-2 (MPD-PS2) sa Tondo, Maynila. Kusang dumarating ang mga tara rito kay bagman na kinilala lang na isang Tata Jay R., na umano’y malapit daw kay Yorme Isko Moreno ang mga padrino. Picking apples anila na parang nalalaglag ... Read More »

Dapat nga bang maunang bakunahan si Pangulong Rodrigo Duterte?

IYAN ang mga tanungan ngayon ng mga mamamayan na para bang nakikipagpustahan kung sino ba ang dapat unang bakunahan. Sa mga pahiwatig, mistulang wala pang kasiguraduhan ang bakunang ituturok laban sa CoVid-19 na maaaring ikahaba o dili kaya’y ikaigsi ng ating buhay. Ang tanong na ito at hamon sa ating Pangulo na siya ang dapat maunang bakunahan ay nag-ugat kay ... Read More »

Pananalig at pananampalataya ng mga Pinoy sa Poong Maykapal hindi kayang tawaran (Sa kabila ng pandemya)

SA KABILA ng pandemya, iba pa rin talaga ang mga Pinoy pagdating sa kanilang pananalig at pananampalataya sa Poong Maykapal na tanda ng kinagisnang tradisyon at kultura. Harangan man ng sibat o kanyon ay ‘di sagabal sa mga Pinoy lalo kung ang pag-uusapan ay tungkol sa kanilang dedikasyon at paniniwala sa kanilang kinamulatang espirituwal na paniniwala at relihiyon. Hindi kaila ... Read More »

Ano na kaya magiging kaganapan sa pista ng Nazareno sa Quiapo 2021?

MARAMING kababayan natin ang nagtatanong kung ano na kaya ang magiging kaganapan sa Pista ng Quiapo 2021 na alam naman nating dinudumog ng milyong mga deboto na galing pa sa iba’t ibang dako ng ating bansa. Bagama’t maraming ipinapagbawal at pinapasunod ang ating gobyerno hinggil sa banta ng CoVid-19 ay hindi pa rin natin masisiguro na ang lahat ng ipinatutupad ... Read More »

Subok na matibay, subok na matatag ang mga Pinoy

SA KABI-KABILANG pagsubok at delubyong dumating sa ating bansa, minsan pang pinatunayan ng mga Pinoy ang tibay, lakas at tatag… subok na matibay, subok na matatag… ika nga. Bukod sa pandemyang CoVid-19 na halos siyam na buwan nating iniinda ay sinundan pa ito ng pitong bagyong lalong nagpahirap sa atin nito lamang Oktubre at Nobyembre. Bukod sa pandemic at mga ... Read More »

Normal na normal na galawan sa NCR kahit nasa ilalim ng GCQ  

NORMAL na normal ang galawan ng publiko sa National Capital Region (NCR) kahit nasa ilalim pa ng General Community Quarantine (GCQ). Ito ang napapansin ng marami nating kababayan lalo sa pagpapatupad ng health and quarantine protocols na halos hindi naman sinusunod. Sa lahat halos ng lugar partikular sa mga palengke, mall, at iba pang pampublikong lansangan ay nagkukumpulan ang mga ... Read More »

First at 2nd tranche ng SAP sa maraming barangay hindi pa naibibigay (Sa Maynila)

HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa rin daw nai-bibigay ang first at second trance ng Social Amelioration Program (SAP) sa marami pang barangay sa Maynila partikular sa 1st at 2nd district na binubuo ng buong Tondo.   Umaasa pa rin ang mga residente sa nasabing mga lugar na makatatanggap pa rin sila ng SAP bago man lang matapos ang taon ... Read More »

Motorcycle taxi, papasadang muli, pero…

PAHIHINTULUTAN nang pumasadang muli ang mga motorcycle taxi na kung tawagin ay Angkas ngunit napakaraming patakaran na gustong ipatupad ang Inter-Agency Task Force (IATF) at Task Force Against CoVid-19. Isa sa gustong ipatupad ng nasabing task force ang paggamit muli ng barrier na dati na nilang inobligang gamitin ng riders na may angkas. Maraming gumagamit ng motorsiklo at mga eksperto ... Read More »

P10-B SAP nabuko kaya ini-divert kunwari para sa livelihood program

NABUKO lang ang P10-B pondo para sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat ipamahagi sa mamamayan kung kaya’t ini-divert ito kunwari para sa livelihood program at pondo para sa private school teachers. E bakit naman daw ganon bigla ang naging desisyon ng DSWD samantala napakarami pang kababayan natin ang hindi pa nakatatanggap ... Read More »

Scroll To Top