Tuesday , August 3 2021
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Ba Ipe

Author Archives: Ba Ipe

Feed Subscription

Huwag paasahin

Balaraw ni Ba Ipe

BALARAWni Ba Ipe HINDI dapat alipin ang puwersang demokratiko sa paghihintay sa desisyon ni Leni Robredo kung tatakbo o hindi sa panguluhan sa 2022. Hindi dapat pinaasa ang mga kakampi sa kanyang desisyon. Hindi dapat maging batayan ng kapalaran ng oposisyon ang kanyang desisyon kung tatakbo o hindi. Hindi si Leni Robredo ang oposisyon. Ano ang malaking kasalanan ng oposisyon ... Read More »

Walang hatak

Balaraw ni Ba Ipe

  BALARAW ni Ba Ipe MARAMING netizen na kabilang sa hanay ng puwersang demokratiko ng bansa ang hindi natuwa nang hindi humatak ang pagkamatay ni Benigno “Noynoy” Aquino III upang magmilagro kay Bise Presidente Leni Robredo sa halalang pampanguluhan sa 2022. Sa kanilang pakiwari, gagawa ng malaking “groundswell” ang pagkamatay ni Noynoy upang tangkilikin ang kandidatura ni Leni.   Hindi ... Read More »

Walang sagot

Balaraw ni Ba Ipe

BALARAW ni Ba Ipe   PAPAINIT na ang politika sa bansa. Hindi katata-taka sapagkat nahaharap tayo sa halalang pampanguluhan sa 2022. Pipiliin natin ang susunod na pangulo ng Filipinas. Kasalukuyang gumugulong ang pambansang talakayan tungkol sa iba’t ibang isyu ng bayan – korupsiyon sa gobyerno, pagsugpo ng pandemya, pangangamkam ng China sa bahagi ng West Philippine Sea, at ang malawakang ... Read More »

Lusot sa ICC

Balaraw ni Ba Ipe

BALARAW ni Ba Ipe ISA lang ang lusot sa International Criminal Court (ICC): Ititigil ang imbestigasyon sa madugo ngunit bigong digma kontra droga ng administrasyong Duterte kung mapapatunayan na tumatakbo nang maayos ang sistemang legal ng Filipinas at dinadala sa hustisya ang mga maysala at pinaparusahan. Kung hindi mapapatunayan ng sinumang Herodes sa gobyernong Duterte na kontrolado nila ang gobyerno ... Read More »

Kaso sa ICC

Balaraw ni Ba Ipe

BALARAW ni Ba Ipe   NADAGDAGAN ang mga isyu kontra Rodrigo Duterte habang papainit na ang mga paghahanda sa halalang pampanguluhan sa 2022. Mga isyu: una, kakulangan ng pagharap at pagsugpo sa pandemya; pangangamkam ng China sa ating teritoryo at karagatan; matinding korupsiyon na aabot sa P1 trilyon kada taon ang nawawala sa kaban ng bayan; at ngayon, ang pormal ... Read More »

Magretiro na lang

Balaraw ni Ba Ipe

KUNG kami ang tatanungin, mas nais namin na magretiro na lang si Bise Presidente Leni Robredo sa daigdig ng politika. Maganda ang kanyang mga nagawa sa bansa bilang pangalawang pangulo sa nakalipas na limang taon. Matibay ang kanyang legacy sa aking pagtaya. Binigyang buhay ang konsepto ng “working vice president” at walang bise presidente maliban kay Leni Robredo ang maraming ... Read More »

Maramdaming aso

Balaraw ni Ba Ipe

MASYADONG malaki ang tingin ni Rodrigo Duterte sa sarili. Bilib na bilib sa sarili. Mahirap kantiin ang kanyang ego dahil punong-puno siya ng yabang sa katawan. Ngunit sobrang manipis ang pride at sa kaunting kanti, nasasaktan at nagtataray. Labis na maramdamin si Duterte sa aming pagtaya. Masahol pa sa paslit na inagawan ng kendi. Matanda na pero isip bata si ... Read More »

Hindi kinaya

Balaraw ni Ba Ipe

TILA balaraw na tumarak sa puso’t damdamin ni Rodrigo Duterte ang taguri sa kanya na “taksil sa bayan.” Hindi niya gusto ang taguri na “traydor.” Nang lumabas siya sa telebisyon noong Lunes ng gabi, minura niya sina Antonio Carpio at Albert del Rosario. Hindi kinaya ni Duterte ang lalim at pait ng mga katwirang ibinato sa kanya ng dalawang katunggali. ... Read More »

Korupsiyon

Balaraw ni Ba Ipe

AABOT sa 20 porsiyento ng taunang pambansang budget ang nawawala dahil sa korupsiyon, ayon sa mga pag-aaral. Kung ang taunang budget ay P4.5 trilyon, nasa P80 bilyon ang nawawala dahil sa korupsiyon. Tinatawag na korupsiyon ang paggamit ng puwesto sa gobyerno upang magkamal ng salapi para sa pansariling interes. Isa ito sa malubhang sakit ng lipunang Filipino.   Kung si ... Read More »

Kampi sa China

Balaraw ni Ba Ipe

WALANG maasahan kay Rodrigo Duterte sa usapin ng pangangamkam ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea. Hindi siya tatayo upang ipagtanggol ang karapatan ng Filipinas sa ilalim ng international law. Kabaliktaran ang mangyayari dahil mas kampi siya sa China. Hindi siya nahihiya kahit sa sarili na magsalita ng pabor sa China. Kahit magmukhang siya ang spokesman ng China. ... Read More »

‘Inferior Davao’

Balaraw ni Ba Ipe

WALANG walang taga-Davao City ang magiging pangulo ng Filipinas sa susunod na 50 taon. Sa ipinakita ni Rodrigo Duterte na kabastusan, kawalan ng kakayahan, katamaran, at kababuyan sa Tanggapan ng Pangulo, madadala ang mga Filipino na maghalal ng taga-Mindanao – at lalo na kung taga-Davao City – na pangulo ng bansa. Isang malaking kalokohan ang ihalal sinuman sa kanila. Naniniwala ... Read More »

‘Budol-budol’

Balaraw ni Ba Ipe

HINDI malalaman ang tunay na pagkatao ng isang nilalang hanggang hindi siya nakakausap nang masinsinan. Ito ang aral ni Sonny Trillanes nang nakausap niya nang tao-sa-tao (one-on-one) si Rodrigo Duterte noong Abril 2015. Bahagi ang kanilang pagkikita sa proseso ng Magdalo upang malaman kung sino ang kanilang susuportahan sa halalang pampanguluhan noong 2016. “Ang pambungad niya sa akin ay hindi ... Read More »

Bakunang Intsik

Balaraw ni Ba Ipe

MASUNURING kalihim si Carlito Galvez, Jr. Bilang vaccine czar, nakausap ni Galvez ang mga manager ng mga kompanya ng bakuna upang makabili ng ibibigay sa sambayanang Filipino. Ngunit mabigat ang hinihingi ng mga kompanya ng bakuna sa gobyerno ni Rodrigo Duterte. Ipinaliwanag ni Galvez kay Duterte sa harap ng telebisyon noong Lunes ng gabi na humihingi ang mga kompanya ng ... Read More »

Isang kandidato lang

Balaraw ni Ba Ipe

SINONG nakaalala sa inyo ng halalan ng 2016? Dalawa ang kandidato ng puwersang demokratiko: Mar Roxas at Grace Poe. Nahati ang boto ng puwersang demokratikong at nakalusot si Rodrigo Duterte sa halalan. Hitik sa aral ang karanasan noong 2016. Upang maiwasan ang sitwasyon na higit sa isa ang kandidato ng puwersang demokratiko sa halalan sa 2022, binuo ng mga lider ... Read More »

Biglang salakay

Balaraw ni Ba Ipe

NAG-UMPISA ang gobyerno ni Rodrigo Duterte noong 2016 sa pagpatay ng mga maliit na gumagamit ng ilegal na droga. Nang makita ni Duterte na walang mangyayari kahit libo-libo ang napatay at nananatili ang droga sa paligid, lumipat ang atensiyon ng tila baliw na lider sa mga puwersang makakaliwa. Biglang sinalakay ang ilang lider magsasaka at obrero sa Calabarzon noong Linggo ... Read More »

‘Tigas titi’

Balaraw ni Ba Ipe

KAHIT noong kasagsagan ng aktibismo sa pagpapatalsik ng mga base militar ng Amerikano sa bansa, hindi nalaman kung may mga nuclear weapon ang mga Amerikano sa Subic Naval Base, Clark Air Base, at iba pang military installation ng Estados Unidos sa bansa. Isa itong ipinagkatago-tagong lihim ng mga Amerikano sa Filipinas. Wala kahit sinong Filipino – aktibista, sundalo, politiko, titser, ... Read More »

Sino ang oposisyon?

Balaraw ni Ba Ipe

SINO ang oposisyon sa ngayon? Kung babaguhin ang tanong bilang paghahanda sa halalang panguluhan sa 2022, sino ang dominant opposition party? Huwag magtaka kung biglang makita sa radar sina Alan Peter Cayetano ng BTS (hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin pero napakaraming biro sa kahulugan ng kanyang grupo) at Bebot Alvarez ng Reporma, isang natutulog na lapian na ... Read More »

Malaking trabaho

Balaraw ni Ba Ipe

HINDI biro ang ilatag ang isang matinong programa para bakunahan ang 70 milyong Filipino sa buong 2021. Ito ang target ng gobyernong Duterte ngunit hindi namin alam kung may nailatag na programa. Napakahirap na trabaho ito para sa isang lingkod bayan. Likas na batugan si Duterte. Hindi siya masipag. Hindi siya nakikisangkot. Iniwan niya ang lahat ng trabaho sa kanyang ... Read More »

May bakuna ba tayo?

Balaraw ni Ba Ipe

HUWAG abalahin ang pagdating ng mga bakuna sa iba’t ibang panig ng bansa, ani Rodrigo Duterte sa telebisyon noong Lunes ng gabi. Akala namin marami ang bakuna, isang malaking rollout ang gagawin at milyones ang babakunahan. Trial lang pala iyon at nasa 117,000 doses ang ipamamahagi. Hindi ito aktuwal na rollout. Isang malaking trabaho ang rollout dahil nasa 110 milyon ... Read More »

Balik Asya

Balaraw ni Ba Ipe

BIGLANG baligtad ang mundo nang natalo si Donald Trump sa halalan. Pagtapos ng magulong riot sa Capitol Hill noong 6 Enero at umupo si Joe Biden bilang pangulo ng Estados Unidos noong 20 Enero, biglang nagapi ang puwersang populismo na pansamantalang namuno sa mundo noong panahon ni Trump. Pawang nangupete ang kilusan ng populismo at nagmukha itong nilamukos na papel. ... Read More »

Armas sa halalan

Balaraw ni Ba Ipe

DALAWA ang armas ng pangkat ng Davao City upang manatili sa poder sa katapusan ng termino ni Rodrigo Duterte sa 2022: una, mayroon silang bilyones na salapi upang bilhin ang mga mabibili; at pangalawa, kakampi nila ang Commission on Elections (Comelec). Noong 2016, malakas ang koalisyon na sumuporta kay Duterte – mga malalaking pamilyang politikal na tulad nina GMA, Marcos, ... Read More »

Hindi kaya

Balaraw ni Ba Ipe

HUWAG magulat kapag hindi tumakbo si Bise Presidente Leni Robredo bilang pangulo sa 2022. Masyadong malaki ang kailangan sa laban; nasa bilyong piso upang manalo. Maski si Rodrigo Duterte ay nangailangan ng bilyong piso mula sa China para manalo. Hindi madali kaninuman para magkaroon ng laban sa 2022. Kaya minabuti ng Pangalawang Pangulo na huwag na lang tumakbo. Iba na ... Read More »

Scroll To Top