Thursday , April 25 2024

Amor Virata

Walang disiplina sa basura

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

KUNG ano-ano ang ipinamamahagi ng gobyerno sa taong bayan bilang bahagi ng social services. Mga gamot, Philhealth, libreng pagpapa-ospital, pawang medical services, na isa sa pangunahing dahilan o sanhi ng masamang kalusugan ay dahil sa basura. Walang sapat na disiplina ang ating gobyerno! *** Suhestiyon lang po, bilang isang mamamayan ng bansang Filipinas, tutal may pondo ang bawat barangay na …

Read More »

Iba talaga kapag mayor at congresswoman magkasundo

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MASAYA at laking pasasalamat ng mga magulang sa mga pampublikong eskuwelahan mula sa elementarya, high school at kolehiyo dahil pinagka­looban sila ng tig-P500 financial assistance kada buwan ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Pasay sa administrasyon ni Pasay City Mayor Tony Calixto kasama ang bumubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Pasay sa pamumuno naman ni Bise-Alkalde Boyet del Rosario. Kahanga-hanga ang …

Read More »

Violence against children ‘di ubra sa FB

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng Facebook Admin ang pagpopost ng mga bayolenteng video na may kaugnayan sa pagmamaltrato sa mga paslit o ginugulpi ng kanilang mga magulang o mga tagapag-alaga. Hindi raw ito nagdudulot ng maganda sa paningin ng FB users, kadalasan kasi ay isini-share ito sa kanilang mga kaibigan na ang layunin ng nag-share ay makarating sa kinauukulan na dapat …

Read More »

Mas marami ang mga gagong pulis na mababa ang ranggo

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

SUNOD-SUNOD ang mga nakikita ko sa so­cial media, ang mga ga­go at berdugong mga pulis na mababa pa lang ang ranggo ay puro sira na ang ulo. Maangas at mabalasik ang mga aksiyon laban sa maliliit nating mama­­ma­yan. Gaya ng isang PO1 na nanampal ng bus driver. Alibi ng pulis, sa lisensiya umano ng dri­ver ay may nakasingit na P100 na …

Read More »

Imahen ng PNP muling nasira

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MULI na naman nasira ang imahen ng pulisya dahil sa kagagohan ng ilang tauhan ng Special Drug Enforcement Unit ng Muntinlpa City Police, matapos kidnapin ang isang ginang at 7-anyos na anak niya. Ipinatutubos ng P400,000 hanggang magka­roon ng tawaran naging P200,000 at nang hindi makayanan ang halaga ng salapi ay bumaba sa P40,000. Grabe ‘di po ba? Ang mga …

Read More »

Buking si hepe ng Parañaque

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

PETSA 3 Hulyo 2018 nang ireklamo ng Solaire Resort Casino sa pulisya ng Parañaque City ang isang Taguig City Councilor sa katauhan ni Councilor Richard Paul Jordan, dahil sa kasong pagnanakaw ng ilang gamit sa loob ng isang kuwarto na inokupa nito at nang magresponde ang mga pulis, nakuhaan ang konsehal ng 31 tabletas ng Ecstasy. Petsa 7 Hulyo, tinawagan ng …

Read More »

Sino sa “Cuneta sa Pasay” ang babangga sa mga Calixto?

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

UMUUGONG sa lungsod ng Pasay ang umanoý magtutungo sa tanggapan ng COMELEC ng lungsod ng Pasay ang magkapatid na Chet at Sharon Cuneta upang magpa-Biometrics dahil matunog ang balita na isa sa magkapatid na ito ay tatakbong Alkalde ng lungsod at makakalaban ni Congresswoman Emi Calixto-Rubiano na hahalili sa kanyang kapatid na si Meyor Tony Calixto, habang si Meyor naman …

Read More »

Si ex-kapitana ‘olat’ sa eleksiyon

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

ITONG si kapitana na ubod nang yabang sa District 2 ng lungsod ng Pasay, asang-asa na siya ang mananalo sa nakalipas na barangay elections pero minalas na matalo! Kapag inuna mo talaga ang kayabangan hindi ka magwawagi! *** Pagyayabang ni ex-kapitana, mahal siya ng kanyang mga kalugar kaya naniniwala na siya pa rin ang magwawagi… Kaso, ultimo kamag-anak niya ay …

Read More »

Mga “pokpok” sa EDSA dumarami

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

PARANG mga bilasang isda na nakakalat sa bangketa ng EDSA corner Tramo St., sa lungsod ng Pasay, sa hilera ng mga mumurahing beerhouse at tapat ng Rotonda Lodge ang mga babaing nagbebenta ng panandaliang aliw sa murang halaga. Dapat maalarma ang pamahalaang lokal ng lungsod ng Pasay, dahil nagiging sanhi ito ng pagkalat ng sexually transmitted disease (STD) sa naturang lungsod, …

Read More »

Bumangon ang UST sa BAR examination

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

SANDALING ‘namatay’ ang University of Santo Tomas sa larangan ng law school, dahil sa pagkamatay sa hazing ng isang estudyanteng si Horacio, ngunit muling nabuhay ang UST nang maraming nakapasa sa nakalipas na Bar examinations. Napansin ng lahat na puro sa probinsiya ang nakapasa at kung mayroon man sa Kalakhang Maynila, halos puro take 2, take 3 at mayroon pa …

Read More »

NPA naghahasik ng terorismo

KAMAKAILAN inilinaw ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na na hindi niya sasampahan ng kasong rebelyon ang mga lider at iba pang miyembro ng New People’s Army (NPA). Ayon sa Pangulo inihahanda na ng Palasyo ang isang Executive Order na magdedeklara na terorista ang NPA. *** Ang mga terorista kasi ay pumapatay, hindi lamang kaguluhan, maraming buhay ang nabubuwis dahil sa …

Read More »

Gusot sa pagitan ni Lian, Batangas mayor at farm owner plantsado na

NATAPOS na rin ang gusot sa pagitan ng may-ari ng isang farm at mga nagrereklamong tindero ng karneng baboy sa Lian, Batangas. Ito’y matapos magkasundo ang mga tindero na iurong ang kanilang petisyon laban sa DV Boer Farm na pinamumunuan ni Dexter Villamin Una nang hilingin ng mga tindera sa palengke kay Lian Mayor Isagani I. Bolompo na ipasara ang talipapang pinangangasiwaan …

Read More »

X-ray machines ng BOC dispalinghado!

PURO angal na ang maririnig natin ngayon sa mga broker ng Bureau of Customs dahil dispalinghado o sira ang X-ray machines na dahilan ng pagkakaantalang mailabas ang tone-toneladang produkto. Labis na ang pagkalugi ng mga broker dahil arkilado ang mga trak na tumatagal nang limang araw bago mailabas ang mga kargamento. Dati-rati ay limang X-ray machines ang aktibo, apat ang …

Read More »

DoLE Region 4A Director pasakit sa Obrero

MAIGTING ang hinaing at panawagan ng isang grupo ng mga manggagawa na agad aksiyonan ng Malakanyang ang  isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa lalawigan ng Laguna dahil sa umano’y pagiging pabaya nito sa trabaho upang maprotektahan ang maliliit na obrero. *** Layunin na papanagutin ng grupong Liga ng mga Manggagawa para sa Regular na Hanapbuhay – …

Read More »

Illegal vendors at illegal parking sa Baclaran

KUNG noon ay panay ang operasyon ng mga awtoridad sa ginagawang clearing operations laban umano sa illegal vendors, ito pala ay pansamantala lamang, dahil nagpalit na ng hepe ng pulisya, at precinct commander, balik uli ang sangkaterbang illegal vendors, na dinagdagan pa ng illegal parking ng rutang Sucat-Baclaran sa kahabaan ng Quirino Avenu, Bgy. Baclaran. *** Pinasyalan ko ang kahabaan …

Read More »

Si Kian ba ang magpapabago sa moralidad ng PNP?

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

HINDI lang wasak, kung hindi durog pa ang moralidad ng PNP sa kaso ng pagpatay sa teenager na si Kian de los Santos ng Caloocan City. Sa social media, nagbabangayan ang anti at pro Duterte, pati na taong bayan ay nagtatalo-talo sa kaso ni Kian. *** Maraming ahensiya ang nag-iimbestiga, ngunit mas pinili ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang NBI, …

Read More »

Si tesorero tinatakot umano ng ‘mediamen’

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MARAMING opisyal ng mga pamahalaang lokal ang madalas mabiktima ng mediamen na wala namang media entity, ang tawag sa kanila ay ‘hao Shiao.’ Sila ‘yung mga nagpapakilalang mediamen na ang balitang isinusulat ay ipamimigay sa mga kakilalang kolumnista para batikusin ang isang opisyal na lingid naman sa kaalaman ng kolumnista ay ‘gumagawa’ ng pera ang taong nagbigay sa kanyang artikulo …

Read More »

Abortion victim tinalakan imbes iligtas ng isang doktora

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

NAKAPANLULUMO ang nakarating na sumbong sa inyong lingkod ng isang babaeng nagtangkang magpa-abort sa isang abortionist sa Baliwag Bulacan. Matapos iwanan ng abortionist sa lugar na isinasagawa ang abortion ay nagawang bumiyahe sakay ng bus at itinakbo ang kanyang sarili sa isang pampublikong Ospital sa Barangay La Huerta, lungsod ng Parañaque. Hindi nagawang kunin ng babae na itago natin sa …

Read More »

Ilang drayber ng Uber bobo sa kalsada

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

ILANG drayber ng UBER na umaasa lang sa WAZE para makarating ang pasahero sa kanilang destinasyon, kadalasan ay palpak at lalong napapadaan sa trapik na lugar o ‘di kaya ay naabala ang pasahero dahil nahuhuli sa kanilang appointment. *** Ito ang kapansin-pansin sa mga UBER driver dahil umaasa lang sila sa WAZE, kadalasan kasi ang mga drayber ng UBER ay …

Read More »

Si Rading at mga alagang mandurukot sa simbahan

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

TALAMAK ang nagkalat na mga mandurukot sa loob ng simabahan ng Redemptorist sa Baclaran, Parañaque City. Ang mga biktima ay pawang mga nagsisimba at taimtim sa kanilang pagdarasal kaya hindi na nararamdaman na may kamay na dumudukot ng kanilang mahalagang gamit sa loob ng kanilang bag, samantala bulsa naman ng mga lalaki sa likuran ang target dahil nandoon ang wallet. …

Read More »

Mga patay na ninakawan pa!

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

DALAWANG araw matapos ang trahedya sa Resorts World Manila, habang nagkakagulo ang pamilya ng mga nasawi sa Veronica Funeral Homes, may mga kaanak ng mga biktima, na nagtanong sa inyong lingkod, kung nasaan ang ilang personal belongings ng mga biktima. May mga naghahanap kung nasaan ang mga alahas kabilang ang mamahaling relo gaya ng Rolex brand. Ngayon ay may sumingaw …

Read More »

Fraud auditing ipapatupad ng Malakanyang

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MABUBUKING ang malalaking anomalya, saka-ling ipatupad na ng Malakanyang ang sinasabing Fraud Auditing, kaya siguradong lilitaw ang korupsiyon sa gobyerno, gaya ng LRT at MRT. Hindi pa tinutukoy kung kasama ang local government sa rerepasohin ng itinatag na Fraud Auditing. *** Sa ganang akin, dapat pati local government ay iparepaso sa itatatag na Fraud Auditing, dahil maraming proyekto na impraestruktura …

Read More »

Resolusyon ng Pasay City council

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

SA pamumuno ni Sangguniang Panlungsod ng Pasay, Noel del Rosario, isang Resolusyon Blg. 40-42, series of 2017, ang kanilang iniakda na nagsasaad ng taos-pusong pakikidalamhati sa lahat ng pamilya ng biktima ng Resorts World Manila tragedy, na naging sanhi ng kamatayan ng may 36 katao dahil sa suffocation, at pagkamatay ng lone gunman na si Jessie Javier Carlos, noong nakalipas …

Read More »

Kapangyarihan ng PAGCOR gustong kunin ng kongreso

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

KASUNOD ng trahedyang naganap sa Resorts World Manila (RWM), nais ng Kongreso na sila ang may kapangyarihan sa pag-iisyu ng mga lisensiya sa casino operators. Ano ito? Kung magiging ganap na batas, sabi ng kongreso magiging regulatory, at lahat ng prangkisa ay manggagaling sa kongreso. *** Ganito rin ang gagawin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), lotto outlets at sa …

Read More »

Dahil sa RWM tragedy mga kapalpakan sa casino buking!

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MISMONG si PAGCOR Chairman Andrea Domingo, ang nakatuklas ng mga kapalpakan ng mga casino. Talaga yatang ganoon, kailangang may trahedya munang maganap bago matuklasan ang mga kapalpakan. Isa sa dapat na masusing pag-aralan ay kung paano maipapatupad ang ban na sa loob ng casino para hindi na muling makabalik para magsugal. Sa entrance pa lang bago daraan sa metal detector …

Read More »