Friday , April 19 2024

Almar Danguilan

DOTr execs, Solgen kinasuhan sa Ombudsman vs PUV modernization

ombudsman

KINASUHAN kahapon ng transport group na MANIBELA ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng pagbawi ng prangkisa sa mga unconsolidated public utility vehicles (PUVs). Sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman, sinabi ni MANIBELA president Mario Valbuena na nilabag ng mga opisyal ang Constitution and Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa pagsusulong ng PUV Modernization Program. …

Read More »

Bodega sa QC naabo, 3 bodegero sugatan

fire sunog bombero

NAGKAPASO-PASO sa katawan ang tatlong bodegero nang lamunin ng apoy ang pinagtatrabahuan nilang bodega sa Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw. Agad dinala sa ospital ang mga empleyado na pawang naapektohan ng 2nd degree burn. Batay sa ulat ng Quezon City Fire Department, bandang 3:45 am, nitong Lunes, 29 Enero, nang sumiklab ang sunog sa isang bodega sa Quirino …

Read More »

74 PDLs nagtapos ng “Madrasah” Islamic Educ sa Zambo Jail

74 PDLs Madrasah Islamic Educ Zambo Jail

PINASASALAMATAN ng National Commission for Muslim Filipinos (NCMF) ang hakbangin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pagkilala sa “Mardrasah” Islamic education, sa loob ng Zamboanga City Jail Male Dormitory — nakapagpatapos ng 74   persons deprived of liberty (PDLs) —  ang kauna-unahan pangkat ng mga nagtapos sa loob ng piitan. Inihayag ni Cultural Affairs Division chief Dalhata Musa …

Read More »

Radio technologist patay sa tandem

dead gun police

PATAY ang 32-anyos na radio technologist nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Baesa, Quezon City nitong Miyekoles ng uamaga. Dead on the spot ang biktimang si Daniel Sio Romas, 32, tubong Agusan del Sur at residente ng No. 317 Champaca St. Baesa, Quezon City. Sa pagsisiyasat nina P/Cpl. Benito Catungal, Jr. at Pat. James Marshal Morales ng Quezon City …

Read More »

Natakot sa LTO
32,000 DELINQUENT VEHICLE OWNERS NAGPAREHISTRO NA

  BUNGA nang mahigpit na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) laban sa unregistered vehicles na tumatakbo sa mga lansangan,mahigit sa 32,000 may-ari na ng mga delikwenteng sasakyan at motorsiklo ang nagparehistro ng kanilang mga sasakyan sa LTO – National Capital Region (NCR) mula Enero 1 hanggang 23, 2024. Sulat ni LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” I. Verzosa III kay …

Read More »

Sa Quezon City
2 KATRABAHO SUSPEK SA PAGPUGOT SA SEKYU

knife saksak

MGA katrabaho ang pumugot sa sikyo ng Ford Balintawak–PNP Tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang anggulong ‘inside job’ sa nangyaring pamumugot ng ulo sa security guard ng Ford Balintawak noong araw ng Pasko, Disyembre 25, 2023 sa Quezon City. Itinuturong suspek sina Michael Caballero at Jomar Ragos, mga katrabaho ng biktimang si Alfredo Valderama Tabing, 50, ng 1277 …

Read More »

 ‘Lolo Sir’ pinagpiyestahan sa social media  
3 PARAK SINIBAK SA KUMALAT NA VIDEO NG CRIME SCENE

122123 Hataw Frontpage

ni Almar Danguilan SINIBAK sa puwesto ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. Redrico Maranan ang tatlong pulis kabilang ang isang opisyal dahil sa kumalat na video kuha sa crime scene ng beteranong aktor na si Ronald James Dulaca Gibbs o mas kilala sa tawag na Ronaldo Valdez. Ayon kay Gen.  Maranan, ang mga sinibak sa  puwesto ay sina …

Read More »

May kasong hit-and-run 
PNP OFFICIAL NAGPAPUTOK NG BARIL SA RESTOBAR

112723 Hataw Frontpage

ni Almar Danguilan KAHIT nahaharap sa kasong hit-and run ang sinibak na dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD), ay nakuha pang ‘dagdagan’ ng patong-patong na asunto matapos magpaputok ng baril sa harap ng isang restobar sa Quezon City nitong Linggo ng madaling araw. Sa ulat kay QCPD Director, P/Brig. Gen. Redrico Maranan, …

Read More »

4 tulak arestado sa P1.9-M shabu

shabu

SA PINAIGTING na kampanya ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa ilegal na droga, apat na drug pusher ang nadakip makaraaang makompiskahan ng P1.9 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation, iniulat kahapon. Sa ulat kay QCPD Director, PBrig. Gen. Redrico Maranan mula kay Novaliches Police Station (PS 4) chief, P/Lt. Col. Jerry Castillo, nadakip ang apat …

Read More »

Drag racer nanagasa, nangaladkad ng pulis sa QC

112523 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN ISANG 23-anyos lalaking sangkot sa illegal drag racing ang kasalukuyang nakapiit sa presinto matapos niyang takasan, sagasaan, at kaladkarin ang pulis na aaresto sa kanya sa Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBrig. Gen. Redrico Maranan, kinilala ang suspek na si Carl Andre Perez, 23, nakatira sa …

Read More »

Gasoline station isinara sa gas leak

PANSAMANTALANG isinara ang gasolinahan sa Quezon City nitong Lunes, dahil sa sinabing ‘gas leak.’ Agad kinordonan ng QC Bureau of Fire Protection (BFP) ang Power Fill gasoline station sa Visayas Avenue matapos umalingasaw ang amoy ng gas na nagmumula sa gasolinahan. Sinabi ng mga residente, nagsimula silang makaamoy ng gas nitong Linggo ng gabi, at lumakas pa nitong Lunes. Nagtungo …

Read More »

Welga ng PISTON ‘umarangkada’

PIStoN Jeepney phaseout rally protest

MULING naglunsad ng welga sa kalsadaang mga jeepney drivers sa ilalim ngPagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) kahapon Lunes, 20 Nobyembre, upang tutulan ang ‘deadline’ ng pamahalaan hanggang 31 Disyembre 2023, na pag-isahin o ikonsolida sila sa pamamagitan ng kooperatiba sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ang tatlong-araw na welga ng PISTON ay …

Read More »

Sa Davao Occidental
9 PATAY SA LINDOL

112123 Hataw Frontpage

(ni Almar Danguilan) UMAKYAT na sa 9 katao ang namatay sa tumamang 6.8 magnitude na lindol sa Mindanao. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang isang ina at 7-anyos niyang anak sa Glan, Sarangani. Isa ang namatay nang mahulugan ng bakal ganoon din ang isang babaeng tinamaan ng debris sa isang mall, at isang …

Read More »

Kasong kriminal inihain ng mambabatas
EX-PRES DUTERTE, CASTRO MAGTUTUOS SA QC COURT

111623 Hataw Frontpage

ni Almar Danguilan MAGHAHARAP sa Quezon City Prosecutor’s Office sina dating pangulong Rodrigo Duterte at House Deputy Minority Leader, ACT Teachers party-list Rep. France Castro para sa gagawing preliminary investigation kaugnay sa reklamong grave threat ng mambabatas laban sa una sa 4 Disyembre at 11 Disyembre 2023. Inutusan ng korte si Duterte na magsumite ng kanyang counter-affidavit. Ang subpoena ay …

Read More »

Sa anibersaryo ng P7-M cocaine sa Rizal  
P.8-M COCAINE MULING ‘NAPULOT’  SA PALAWAN

110923 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN TINATAYANG P800,000 halaga ng cocaine na nakabalot sa plastic bag ang napulot ng isang concerned citizen sa baybayin ng Narra, Palawan noong Linggo, 5 Nobyembre.                Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan Provincial Office, isang concerned citizen ang naglalakad sa baybayin ng Purok Pagkakaisa, Brgy. Calategas, Narra, Palawan, nang mapansin nito ang waterproof …

Read More »

Tumawid sa Commonwealth Ave.,
BABAE NASAGASAAN NG 3 KOTSE SA QC, HUMABOL SA UNDAS

110323 Hataw Frontpage

MASAKLAP ang sinapit na kamatayan ng isang babae na tatlong beses nasagasaan ng tatlong magkakasunod na kotse sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Miyerkoles ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Bernadeth Borromeo, nasa hustong gulang, residente sa Samapa Compound, Barangay Fairview, Quezon City. Nasa kustodiya ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5 ang dalawa sa …

Read More »

3 preso nanalong kagawad sa BSKE

BuCor Vote Comelec Elections

NAKAKULONG man, nanalo  pa rin ang tatlong persons deprived of liberty (PDLs) o preso sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) nitong October 3o.  Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Ruel S. Rivera, dalawang PDL ang nanalo mula sa CALABARZON na nakakulong sa Tanay at Dasmariñas City Jails at isa dito ay no. 1 …

Read More »

Criminology student patay sa hazing ng Tau Gamma

101823 Hataw Frontpage

NAGLAHONG parang bula ang pangarap na magiging pulis ang isang criminology student ng Philippine College of Criminology (PCCR) nang mamatay matapos sumailalim sa hazing ng Tau Gamma Phi Fraternity kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/Brig. Gen. Redrico Maranan, idineklarang dead on arrival sa Chinese General Hospital ang biktimang si Ahldryn …

Read More »

Commonwealth Ave., ipinasara
SINIBAK NA QCPD POLICE PINABABALIK NG MAYORA

PNP QCPD

IPINABABALIK ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa posisyon ang pulis na sinibak matapos mag-viral ang ginawang pagpapasara sa ilang bahagi ng Commonwealth Avenue dahil sa sinasabing daraan si Vice President Sara Duterte. Inilinaw ng kampo ni Duterte, nasa Mindanao ang VP nang maganap ang pagpapasara sa kalsada na naging sanhi ng trapiko sa Commonwealth Avenue. Ang panawagan ni Belmonte …

Read More »

Ricardo Cepeda, inaresto ng QCPD sa kasong syndicated estafa

Ricardo Cepeda

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang kilalang aktor sa kasong syndicated estafa, nitong Oktubre 7, 2023, sa Caloocan City. Sa ulat kay QCPD Director, PBrig. Redrico Maranan mula kay PMaj. Don Don Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit  (CIDU) ang nadakip ay nakilalang si Ricardo Cepeda (screen name), habang ang tunay na …

Read More »

Negosyante inaresto sa P68.1-M pekeng akyat bahay robbery

nakaw burglar thief

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang negosyante dahil sa pagsisinungaling makaraang palabasin na pinasok ng akyat bahay gang ang kanyang establisimiyento at tangayan ng milyon-milyong halaga ng alahas at iba pa, nitong Sabado, Oktubre 7, 2023. Sa ulat ni PMAJ Don Don Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) nadakip ay nakilalang si Bernard Chua, …

Read More »

Ex-LTO employee na sangkot sa road rage, kinastigo ng LTO

Road Rage Gregorio Glean

IPINATAWAG ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang dating empleyado na inakusahan ng pambu-bully sa isang delivery rider dahil sa hindi pagkakaunawaan sa trapiko sa San Jose del Monte, Bulacan. Nabidyuhan ang insidente at naging viral matapos itong i-post sa social media. Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, ipinapatawag na niya si Gregorio Glean para humarap …

Read More »

Higit P.4-M smuggled Indian Buffalo meat nasamsam sa Dasma, Cavite

Indian Buffalo Meat

NASAMSAM ng Department of Agriculture – Inspectorate and Enforcement (DA-IE) at 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗠𝗲𝗮𝘁 𝗜𝗻𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 (NMIS) ang aabot sa 1,714 kilo ng Imported Indian Buffalo Meat sa isinagawang joint anti-smuggling at food inspection sa Kadiwa wet market sa Dasmariñas Cavite. Ayon kay Assistant Secretary James Layug, pinuno ng DA-IE, nadiskubre ang dalawang di-rehistradong cold storage at limang refrigerated vans na …

Read More »

P41-M droga, nakompiska ng QCPD

shabu

UMABOT sa mahigit P41 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakompiska at 817 drug suspects ang nadakip sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga ng  Quezon City Police District (QCPD), iniulat ng pulisya kahapon. Ayon kay QCPD Director P/BGen. Redrico A. Maranan, ang operasyon ay resulta ng mga isinagawang serye ng buybust operation sa 3rd quarter ng …

Read More »

Mercury drug store sa Fairview nilooban

nakaw burglar thief

MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang iniulat na nakawan sa loob ng isang kilalang botika sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga.  Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station (PS-5), bandang 5:10 am kahapon, 1 Oktubre, nang madiskubre ang nakawan sa Mercury Drug sa Commonwealth Ave., North Bound, Brgy. Greater Fairview, Quezon City. Batay sa inisyal …

Read More »