Monday , March 25 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ArDub, visible na, ‘di na umiiwas makunang magkasama
ArDub, visible na, ‘di na umiiwas makunang magkasama

ArDub, visible na, ‘di na umiiwas makunang magkasama

MUKHA ngang masyado nang visible ngayon iyong ArDub, meaning sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Kung sa bagay hindi naman maiiwasan iyon eh kasi “exclusively dating” na nga silang dalawa. Sa madaling salita magsyota na.

Kung dati iniiwasan pa nilang makita sila sa isang picture together, aba ngayon ay hayagan na. Hindi na sila umiiwas na makunan ng picture na magkasama. Mukhang kaya na nilang harapin ang kahit na sino, kahit na sabihing hindi naman sila magka-love team.

Eh bakit nga ba naman hindi eh personal na lakad naman nila ang mga okasyong iyon, at ano nga ang masama kung magkasama sila pagkatapos nilang amining “exclusively dating” na nga sila? Mas issue kung may ka-date na iba si Arjo, at may kasama ring iba si Maine.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top