Saturday , April 27 2024

Anne, ‘di nilait si Sam, kinastigo lang sa pagloloko

ni  Reggee Bonoan

MAY bago na namang running joke ngayon ang netizens, ‘why are you here, who invited you? You’re not classy enough to be here?’ na sinabi raw ni Anne Curtis kay Sam Concepcion sa ginanap na exclusive birthday party ni Vice Ganda sa Makati City kamakailan.

“Anne strikes again!” ito ang komento ng netizens na hindi alam kung ano ang talagang nangyari.

Base sa mga pinuntahan naming lugar noong Huwebes at marami kaming nakatsikahan na nasa mismong party ni Vice ay kanya-kanya silang bersiyon sa nangyari.

May nagsabing, “hindi nilait ni Anne si Sam, sabi lang niya, ‘bakit mo niloloko ang kapatid ko?’

“Kasi Anne heard that Sam was making papansin to Julia Barretto (leading lady sa ‘MiraBella’), he’ making kulit and pa-cute talaga and everybody knows naman that Sam and Jasmine na, so Anne asked Sam nga.”

Sabi naman ng isa pang nasa party, “yes, walang sinabi si Ann, we were all there and we even have pictures together with Sam. Ilan lang kaming girls doon, lahat gays na. We were all surprised why Sam removed his polo and only wearing sando. What was that all about? Is he making pa-yummy to all the guests? Kanino? So, parang, kainis, ‘di ba? Parang, pa-hot ba ang dating?”

At nabanggit na hindi naman daw close sina Vice at Sam kaya may nagtanong nga raw na hindi galing kay Anne ng, “who invited you?”

“I dunno know kasi he was there, so baka naman close, kasi that party is exclusive for Vice friends, ‘di ba?” alanganing sabi sa amin.

Sundot naman ng isa pa, “he (Sam) was there because of Jasmine. Since he’s the boyfriend of Jasmine, eh, ‘di join na sa party, tama?”

Diin ng isa pang nasa party, “Anne did not say those words, naging biruan ‘yun ng mga bading na nasa party, parang asaran lang, siguro hindi masyadong klaro sa nakarinig kasi maingay nga sa place kaya akala si Anne ‘yung nagsasalita.

“Pati nga ‘yung car daw na nilait din, ha, ha, ha, ha it was not meant for Sam because it’s Vice car ang naging biruan.

“Anne jokingly said na, ‘is this your car (Vice)?’ wala ‘yan sa Porsche ko’ kaya ano ‘yung sinasabing nilait ni Anne ‘yung car ni Sam? When that happened, nakaalis na si Sam?”

At nag-agree kami sa kuwentong ito sa amin, “ang mali lang ni Anne, sinigawan niya o sinabihan niya si Sam sa maraming tao, ‘yun lang. Sana kinausap niya na silang dalawa lang, marami kasing nakarinig, so ‘yun ang isyu.”

At  sa pagkakaalam namin sa relasyong Sam at Jasmine ay para silang epoxy na hindi mo mapaghiwalay ateng Maricris dahil nakita namin kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Dahil kapag hindi busy ang sinuman sa kanila ay nakabantay sa tapings kaya nga nasusulat sila parati na guwardiyado nila ang isa’t isa, eh.

At si Jasmine ay kinailangang mag-advance taping ng SPINNation para lang mapanood ang concert ni Sam sa Music Museum kamakailan.

Samantala, may nagkuwento naman sa amin na ipinagtutulakan nila si Sam na maging magiliw kay Julia para sa promo ng MiraBella, pero tigas daw sa pagtanggi ang aktor dahil ayaw niyang bigyan ng dahilan si Jasmine para magselos.

Kaya sa birthday celebration ni Jasmine ngayong gabi sa programang SPINNation na gaganapin sa Manila Ocean Park ay darating si Sam bilang bisita ng dalaga kasama ang buong pamilya niya minus ate Anne na kasalukuyang naka-confine ngayon sa St. Lukes Global dahil sa pag-atake ng dikya sa taping ng Dyesebel noong Miyerkoles ng gabi.

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *