Wednesday , March 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Alias Don Kar-log no. 1 fixer sa Manila City hall

Alias Don Kar-log no. 1 fixer sa Manila City hall

00 Bulabugin
Kung may sikat na court fixer na BFF umano ni Isko na si ‘Mam Arlene’ ‘e may City hall/MPD fixer na sikat na sikat ngayon sa katauhan ng isang alias DON KAR-LOG.

Madalas i-namedrop ni alias Don Karl na malakas siya kay MTPB chief Carter Logica at sa Office of the Vice Mayor (OVM).

Wala raw pwedeng kumastigo sa kanya dahil dehins naman siya regular na empleyado ng city hall. Pero ang matindi, kinatatakutan daw ang kumag ng mga taga-MTPB, MTRO, MPD-TRAFFIC at ng mga empleyado ng city hall!

Madalas pa raw makita na labas-masok si fixer Kar-log sa OVM?!

Kaya naman sunod-sunuran ang mga tauhan ng MTPB at mga city hall employees kay fixer Kar-log.

By the way, MPD Traffic chief Major Olive Sagasa ‘este’ Sagaysay at Major Baldivas, totoo ba na tuwing nagpupunta (weekly meeting) kayo sa tanggapan ni MTPB Carter Logica ‘e kasama rin sa meeting si kar-log?

Totoo rin ba na kayang magpapirma ng special permit ni fixer Kar-log sa halagang 10k pataas!?

Pati ‘yun mga NO ENTRY ROUTE para sa mga truck ay nailalagay sa PERMIT na PASSABLE at ALLOWED to all no entry street!?

Pero kapag ang truck operators ay hindi dumaan sa sindikato nina alias Kar-log, sobra ang pahirap na gagawin sa ‘yo bago makakuha ng permit.

Tama nga ang sabi ni Yorme Erap, ang laki na ng ipinagbago ng Maynila …nasa city hall na mismo ang sindikato ng fixer?!

Korek ba SPO2 Ruel Robles!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top