Sunday , March 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alex, ‘di pa hinog para magdala ng loveteam
Alex, ‘di pa hinog para magdala ng loveteam

Alex, ‘di pa hinog para magdala ng loveteam

KALIWA’T kanang feedback ang aming natatanggap on how Alex Gonzaga’s movie miserably failed at the box office.

Mula sa isa sa mga radio listener ng Cristy Ferminute, may isang screening sa sinehan na 25 lang daw ang nasa loob nito. Super lamig daw ang pinagpalabasan ng pelikula, which means wala kasing body heat na nilikha sa iilang audience.

Gusto tuloy naming isipin na hindi pa hinog si Alex para magdala ng isang loveteam. Posible ring hindi gaanong malaki ang ipinuhunan ng producer kung kaya’t hindi rin masasabing flop ang kanyang movie, box office gross-wise.

Ultimately, ang goal naman ng producer is to test one’s bankability, at sa kaso ni Alex whose movie did not do well ay napagtanto lang ng prodyuser na hindi na dapat masundan ang pelikulang ‘yon. Not in the near future.

Obviously, it appears na ang mga pambatong screen tandem pa rin ng Star Cinema ay binubuo ng mga mas batang artista, the likes of KathNiel, LizQuen and Jadine.

Kung hindi rin lang sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang magkapareha, ang iba’y maituturing na “lesser minions” lang.

At isa nga roon ay si Alex Gonzaga.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top