Saturday , April 20 2024

4 arestado sa drogang mula Mexico

INIHARAP sa media nina Bureau of Customs – Enforcement Group chief, Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno at X-ray project director, Major Jaybee Raul Cometa ang mga shabu na nakalagay sa parcel tube mula sa Mexico na tinatayang umabot sa halagang P15 milyon matapos itong masabat ng mga tauhan ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force sa NAIA Terminal 3 mula sa apat na suspek na kinilalang sina Alnar Sultan, Isnairah Pundato, Jamal Tantao at Casan Rangaig. (BONG SON)

INARESTO ang apat katao kabilang ang isang babae, ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa package na may lamang methamphetamine hydrochloride o shabu.

Ang package na may timbang na 20.6 kilos ay idineklarang Sikaflex Sealant nang dumating sa Maynila, dalawang linggo na ang nakararaan na ipinadala ng Home Depot sa Mexico.

Ayon kay BOC District III Collector ED Macabeo, ang package na nasa DHL warehouse sa Pasay City ay naka-consign sa isang James Corpuz ng Blk. 1 Lot 3, Victorian, Fairview, Quezon City.

Inutusan ni Macabeo ang kanyang mga tao na magsagawa ng monitoring sa DHL office upang matukoy ang kukuha ng package.

Kahapon, dumating ang apat na lalaki, kinilalang sina Casan Osir Rai-nang ng Bautista St., Quiapo, Maynila; Jamal Ami-nah Tantao ng Fairview, Quezon City; Alnor Sultan Pundato ng Sitio Kamunoy St., Quezon City at Isnairah Durannun Pundato ng Capitol Estate, Batasan Hills, Quezon City para kunin sa DHL warehouse ang package.

Pero sa isinagawang inspeksiyon, nadiskubre na mahigit sa 20 kilo ng shabu ang nakapasak sa 25 piraso ng cylindrical tubes ng Sikaflex Sealant, na tinatayang may street value na P12-P15 milyon.

Agad inaresto ang mga suspek saka ibinigay sa pangangalaga ng Phi-lippine National Police habang ang droga ay ini-lagay sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang disposisyon.

JSY

 

About JSY

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *