Sunday , March 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 3 salvage victims itinapon sa Antipolo

3 salvage victims itinapon sa Antipolo

TATLONG bangkay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Antipolo.

Ayon sa pulisya, isa-isang natagpuan ang mga bangkay sa Brgy. Dela Paz at Zigzag Road, tapat ng El Dorado Subdivission, Brgy. San Jose sa lungsod.

Ayon sa ulat ng Antipolo Public Safety Department, natagpuan ng mga residente ang mga biktima na nakabalot sa itim na garbage bag ang ulo at nakagapos ang mga kamay at paa.

Hinala ng mga awtoridad, posibleng dumanas ng matinding pahirap ang mga biktima mula sa mga salarin bago pinaslang at isinupot sa garbage bag.

Patuloy ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa insidente habang masusing pagsisiyasat ang inilatag ng Antipolo PNP para matukoy ang mga suspek.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top