Sunday , September 19 2021
John Arcilla, Brad Pitt
John Arcilla, Brad Pitt

John ka-level na si Brad Pitt (Sa pagwawagi ng Volpi Cup)

I-FLEX
ni Jun Nardo

ABSENT si John Arcilla sa ongoing Venice International Film Festival nang mapanalunan niya ang Volpi Cup para sa best actor award sa pelikulang On The Job; The Missing 8 na isinali sa competition category.

Bilang pasasalamat, naglabas ng video si John sa kanyang Instagram bilang pasasalamat sa organizers ng Venice festival sa salitang hindi kami sure kung Italian.

Para sa aktor sa mahabang IG post, ito ang pinaka-prestigious award na natanggap niya sa buong buhay.

Bago ang latest post, naglabas pa si John sa IG ng picture ng Hollywood actor na si Brad Pitt na winner din ng kaparehong award sa festival.

Sa panalo ni Jon, natupad ang sinabi niyang dream big at sa panalo niya, ka-level na niya si Pitt at ibang foreign personalities ng nakatanggap ng Volpi Cup!

Congratulations, John Arcilla! Mabuhay ang mga Filipino!

About Jun Nardo

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *