Friday , September 17 2021
Elijah Alejo, Celia Rodriguez
Elijah Alejo, Celia Rodriguez

Elijah mala-Celia kung umakting

MATABIL
ni John Fontanilla

UMANGAT ang husay ni Elijah Alejo sa hit afternoon serye na Prima­donnas.

Isa ang character nito bilang Brianna ang kontrabida sa buhay ng magkakapatid na Prima­donnas na ginagampanan nina Jillian WardAlthea, at Sophia Pablo sa talaga namang tinu­tukan at kina­inisan dahil sa napaka-natural ni­tong acting bilang kon­trabida.

Maitu­turing nga itong isa sa modern generation kontrabida na puwe­deng sumu­nod sa yapak nina Celia Rodriguez, Gladys Reyes, Glaiza De Castro, at Sunshine Dizon na ‘di matatawaran ang husay sa pagkokontrabida.

At sa pagbubukas ng Book 2 ng Primadonnas ay isa ang character ni Elijah sa inaaba­ngan ng mga manonood.

Ayon nga sa manager nitong si Jenny Molina ng Russell’s Talent Agency na bukod sa Book 2 ng Primadonnas ay regular din itong napapanood sa Kapuso Teenshow na Flex kasama ang iba pang teen stars ng GMA 7.

About John Fontanilla

Check Also

#24OrasChallenge TikTok

#24OrasChallenge patok sa netizens

Rated Rni Rommel Gonzales BENTA ngayon sa netizens ang #24OrasChallenge sa TikTok.  Sa challenge, may chance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *