Wednesday , April 24 2024
shabu drug arrest

2 tulak tiklo sa buy bust

DALAWANG tulak ng ilegal na droga ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon City Police deputy chief P/Lt. Col. Rhoderick Juan ang naarestong mga suspek na sina Mark Francisco, 37 anyos, delivery boy, residente sa S. Pascual St., Brgy. San Agustin; at Antonio Intino, 53 anyos, ng Borromeo St., Brgy. Longos.

Sa imbestigasyon ni P/MSgt. Randy Billedo, dakong 11:55 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng buybust operation sa C-4 Road sa kanto ng Borromeo St., Brgy.  Longos.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ang nakabili sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakompiska sa mga suspek ang halos 1.65 gramo ng hinihinalang shabu, may corresponding standard drug price na P11,220 at buy bust money.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *