Thursday , April 25 2024
Kathryn Bernado, Daniel Padilla, KathNiel
Kathryn Bernado, Daniel Padilla, KathNiel

KathNiel gagawa ng serye para sa ika-10 anibersaryo

HATAWAN
ni Ed de Leon

SAMPUNG taon na pala ang love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernado. Pero hindi sila ang unang love team ha. Unang nakatambal ni Kathryn si Kristoffer Martin na hindi masyadong nag-click. Tapos na-build-up sila bilang love team ni Albie Casino roon sa remake ng Mara Clara. Kaso isinabit naman ni Andi Eigenmann noong magbuntis siya at inamin ginawa nila iyon dahil takot silang malaman ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Jake Ejercito nga ang nakabuntis sa kanya. Bumagsak ang popularidad ni Albie.

Itinambal din si Kathryn kay Enrique Gil na hindi rin masyadong kinagat ng publiko. Tapos halos nakalimutan na ngang nakatambal din niya si Khalil Ramos.

Talagang kinilig lang ang fans noong itambal siya kay Daniel. Sobrang pogi naman kasi si Daniel noong panahong iyon na kahit yata sino itambal sa kanya kikiligin ang fans. Si Daniel ang nagdala ng love team noong una, pero sa pagdaan ng panahon, naka-establish ng fan base si Kathryn, kaya nakagawa siya ng box office history hindi lamang sa pelikula nila ni Daniel, kundi maging noong ang katambal niya ay si Alden Richards. Iyong kumite ng halos P1-B ang pelikula nila ni Daniel, expected iyon. Pero nang kumita ng ganoon din ang pelikula niyang kasama si Alden, iba iyon. Walang ganoong hit si Alden. Iyon ngang serye niya ngayon sa TV nagkaroon pa ng season break eh.

Anyway dahil sa sampung taon ng kanilang love team, gagawa silang muli ng isang serye sa free tv. Tiyak iyan ay mapapanood sa TV5 at doon sa tv station ng Jesus Is Lord, na ginawa nilang A2Z na ngayon. Bukod nga iyan sa cable channel ng ABS-CBN at sa internet. May ginawa rin naman silang internet series na natapos noong Enero pero hindi napansin, Kasi nga bihira naman ang nanonood sa internet na may bayad pa.

At least iyan, na gagawin sa ilalim ng business unit ni direk Ruel Bayani, parang pasasalamat din iyan sa fans na nagtaguyod sa kanila ng sampung taon, at tiyak iyon ang gagamiting formula na kung paano nila napanatili ang kasikatan sa loob ng 10 taon. Ngayon wala nang love team ang tumagal ng ganyan.

About Ed de Leon

Check Also

Cecille Bravo

Businesswoman & Philanthropist  Cecille Bravo naiyak sa Humanity Award

MATABILni John Fontanilla NAG-UUMAPAW sa kasiyahan at ‘di naiwasang maiyak ng celebrity businesswoman & philanthropist …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nagsisi nang magpagupit ng buhok sa ibang bansa

MATABILni John Fontanilla MUKHANG pinagsisihan ni Maine Mendoza ang ginawang pagpapagupit ng buhok na maiksi sa ibang …

GMA The Boys of Summer

Boys of Summer palaban sa ganda ng katawan at sex appeal

KUNG mayroong Sparkle 10 ladies na super display ng kanilang magaganda at seksing mga katawan, matindi rin …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *