Saturday , April 20 2024
Ynez Veneracion Jianna Kyler Bryan Julius Recto
Ynez Veneracion Jianna Kyler Bryan Julius Recto

Ynez Veneracion, wala pang balak magpakasal sa father ng kanyang baby

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IMBESna noong August 8, napaaga ang panganganak ni Ynez Veneracion. Nagsilang ang aktres ng isang cute na baby girl last July 30, 2021 sa St. Lukes Medical Center via caesarean.

 Pinangalanan nila itong Jianna Kyler ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Bryan Julius Recto.

Ayon sa aktres, itinuturing niyang heaven sent ang kanyang second baby.

Saad ni Ynez, “Nagulat ako, kasi kamukha ng tatay. Grogy pa ako sa anesthesia paggising ko, ang una kong narinig sa nurse, ‘Mam nandyan na baby mo, kamukhang-kamukha ng daddy, hahaha!’ So sabi ko, ‘Ahh… sige tulog na ako ulit hahaha!’ Pero seriously, noong nakita ko siya ay parang nakalimutan ko lahat nang hirap ko ng nine months na dinala ko siya sa sobrang saya ko. Heaven sent talaga siya.” 

Ano ang naging reaction ng kanyang BF?

Wika niya, “Sabi niya noong nakita raw niya na lumabas si baby at narinig daw niya na umiyak, naluha raw siya sa tuwa. Nasa loob kasi siya ng OR, pinapasok siya ng doctor ko noong ilalabas na si baby, kaya medyo nasaksihan niya yung ibang ginawa sa CS.”

Nanibago raw si Ynez sa pag-aalaga ng baby.

“Noong una oo. ‘Di ko na masyado maalala gagawin na pag-aalaga ‘pag infant. So, nagtanong-tanong ako kina ate Sylvia Sanchez at Anne Feo. Big help nila sa akin at kay baby,” lahad pa niya.

May plano na ba silang magpakasal ng BF niya? Tugon ng aktres, “Mayroon, pero siyempre bago pa lang kami eh, magtwo-two years pa lang. So, nandoon pa kami sa stage na kilalanin talaga namin mabuti ang isa’t isa… thou ibang level nga lang ngayon dahil may baby na kami.

“As of now i-enjoy muna namin ang baby at magbi-business para sa needs ng baby. Madali lang naman ang magpakasal, ang importante sure na kayo talaga sa isa’t isa, na gusto nyo na. Mahirap kasi yung magpapakasal ka ngayon, tapos darating ang araw na maghihiwalay din kayo, kasi ‘di kayo compatible. So, sayang lang ang pera sa annulment, hahaha!“Ang kasal, hindi siya yung parang pagkain na isusubo mo tapos pag-ayaw mo na ay pwede mong iluwa agad. Mas naniniwala ako sa magsama muna kayo ng ilang taon, para makilala nyo ang isa’t isa at para makasiguro kayo na ‘yun talaga ang gusto ninyo. Kasi darating din ang time na kusa ninyong mararamdaman na, ‘Ay eto na, siya na’ at puwede na kaming magpakasal,” esplika pa ni Ynez.

About Nonie Nicasio

Check Also

Darren Espanto Kyline Alcantara

Darren at Kyline isang taong naging mag-GF-BF

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Darren Espanto na naging girlfriend niya ang si Kyline …

Bong Revilla, Jr

Sen. Bong naospital nagkaproblema sa sakong

REALITY BITESni Dominic Rea KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita …

Andres Muhlach

Andres Muhlach hindi pa nagkaka-GF since birth (Choosy kaya?)

HATAWANni Ed de Leon NO girlfriend since birth. Iyan ang deklarasyon ni Andres Muhlach tungkol sa kanyang …

Richard Gomez Stella Suarez Jr

Richard at Stella Suarez Jr magpinsan, hindi kambal o magkapatid

HATAWANni Ed de Leon MAY nabasa kaming isang kuwento tungkol naman sa dating sexy star …

Donny Pangilinan Kathryn Bernardo

Donny gusto rin daw manligaw kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon ANO na namang tsismis iyan? Noong una raw ay nagbalak din …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *