Friday , April 19 2024
Alden Richards
Alden Richards

Alden marami ang gustong magpa-anak

MA at PA
ni Rommel Placente

SA recent post ni Alden Richards sa kanyang Instagram account ay topless siya kaya kita ang kanyang abs.

Ayon kay Alden, sari-saring wild reactions ang natanggap niya mula sa mga netizen dahil sa post niyang ‘yun. May ilan nga raw sa mga ito na gustong magpaanak sa kanya. Kaya namumula nga siya sa mga komentong iyon. Pero okey lang naman ‘yun sa binata.

“Okey naman. Free opinion naman, so okey lang po sa akin. And I appreciate that. Kumbaga, it shows na okey naman po ‘yung result (ng pagwo-work-out niya),” sabi ni Alden sa interview sa kanya sa Pep.ph.

Ano ba ang tips na maibibigay niya sa mga gustong maging physically fit din gaya niya?

“Actually, sa totoo lang po talaga, hindi po madali na magpaganda ng katawan. It’s really a discipline. Discipline in what you eat, ‘yung life style. Kailangan po kasing baguhin ‘yung usual routine kagaya nitong pandemic, siyempre walang work, bahay ka lang. Wala ka ring kailangang paghandaan.

“So,  medyo nag-lead back ako. But eventually noong nararamdaman ko na, nagri-refer na ‘yung trabaho, parang kailangan ko na siyang (magandang pangagatawan) ibalik.

“So and advice ko lang po talaga, you gonna start somewhere. You gonna do step 1. Kasi ‘yung step 1 pong ‘yun hangga’t hindi mo siya nagagawa, hindi mo mararamdaman kasi. It’s a matter of feeling, motivation. Para kanino mo ba gagawin ito?

“But more importantly, you do it  for yourself. Do yourself a favor. Be fit. Kailangan, katawan ang puhunan  Kasi ‘pag ‘yung katawan mo ‘yung nag-break down, damay na lahat. Kapag hindi mo iningatan ‘yun, walang mangyayari sa buhay mo.

“So siyempre, it requires yourself, your presence. And kailangan talaga nating alagaan ‘yung sarili natin. Siyempre physically, mentally, emotionally, lahat-lahat kasama po ‘yun.”

About Rommel Placente

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *