Sunday , September 19 2021
Rhea Tan Beautéderm Carlo Aquino
Rhea Tan Beautéderm Carlo Aquino

Carlo Aquino, viral ang pasilip ng abs sa bagong Beautederm product

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMING kababaihan, pati na mga bading ang na-excite sa topless Facebok post ni Carlo Aquino, recently. Actually naging viral ang naturang post na nakakuha ng 12k likes, 3.4K shares, at 1k comments sa loob ng isang araw.

     Dito’y makikita si Carlo na nakahubad ang pang-itaas at labas ang abs, habang gumagamit ng Beautederm Lipo Gommage. Ito’y isang anti cellulite body scrub with Mate and Stevia extracts. Kabilang ito sa bagong produkto ng Beautederm, na ang iba pa ay Wireless Hair Straightener at La Fraise Gommage.

     Ang Lipo Gommage at La Fraise Gommage ay tumutulong sa pagtanggal ng dead skin, pag-unclogged ng pores, at pampawala ng lines and scars, na magdudulot sa balat na maging brighter, smoother, glowing and healthier.

     Ikinatuwa naman ng CEO at President ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche Tan ang naturang viral post ni Carlo, base sa kanyang FB post.

     Ah lokooo, trending

Pa contest ‘ata ako neto Beautéderm

Say Byebye Cellulites with our Lipo Gommage Scrub! Buy one take one! Get Yours now!

FDA Notified Products, Superbrand Awardee, All Natural! #BeautédermYan!

     Si Carlo ay isa sa original at kabilang sa bigating stars na endorser/ambassador ng Beautéderm. Ang ilan sa A-List endorsers ng isa sa top leaders ng beauty and wellness industry sa bansa ay sina Marian Rivera, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Sylvia Sanchez, Korina Sanchez, Piolo Pascual, Christopher de Leon, Bea Alonzo, Dingdong Dantes, at iba pa.

     Incidentally, congrats kay Ms. Rhea dahil ngayong buwan ng August ang 12th anniversary ng Beautederm na kahit panahon ng pandemic ay lalong lumakas ang sales at patuloy na dumarami ang stores.

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *