Thursday , September 23 2021

Relasyon ni Aktor kay Gay Millionaire ipinagkakalat ni Rich Gay

MAS nagkaka­-mabutihan ang isang male star at isang gay millionaire sa ngayon, dahil ang feeling nga ng bading nasasarili na niya ang male star. Gusto nga raw ipasyal ng bading abroad ang male star, kagaya rin ng ginawa niya sa ibang mga naging boyfriend  niya in the past, pero tumanggi ang male star dahil gusto pa rin niyang maging discreet ang kanilang relasyon.

Mukhang takot din naman ang male star na masyadong maging identified sa rich gay, dahil ayaw pa rin naman niyang masabi ng mga tao na boytoy siya ng mga bading. Hindi na rin naman siya bago sa ganyan, ang kuwento nga ng mga kakilala niya, teenager pa lang siya, hindi pa siya artista, alaga na siya ng mga gay eh. Pero ayaw pa rin nga niya ng bulgar na relasyon.

Buhay niya iyon eh di bahala siya. Pero mukha ngang mahirap na niyang itago ang relasyon niya sa rich gay dahil ang nagkakalat ay isang gay politician na iniwan niya noong makilala niya ang mas mayamang bading.

 (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *