Saturday , September 18 2021
Morissette Amon SONA
Morissette Amon SONA

Morissette nagmamadali nang kantahin ang Lupang Hinirang

MA at PA
ni Rommel Placente

MAGING ang pag-awit ni Morissette Amon ng Lupang Hinirang sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pinalampas ng mga netizen.

Napansin agad ng mga ito ang mabilis na tempo ng pag-awit ni Morissette, na sumabay sa tugtog ng Philharmonic Orchestra.

Pinuna rin ng mga ito ang pagkahuli ng pasok ng singer na hindi nabanggit ang unang salitang ‘Bayang’.

Ayon sa Twitter user na si @bcosisayso, ”May lakad ata si Madam Morissette.”

Sambit naman ng isa, atat na atat umano ito.

Pagkuwestiyon ng isa pang netizen, ”sino ang humahabol kay ate girl? Why was the national anthem hella rushed?!! Sana term din ni Duterte tapusin na agad-agad.”

Gayunman, marami pa rin ang pumuri kay Morissette dahil hindi ito bumirit at sinunod ang tamang pagkanta ng Lupang Hinirang.

About Rommel Placente

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *