Saturday , September 18 2021
Sheryl Cruz Prima Donnas Book 2
Sheryl Cruz Prima Donnas Book 2

Sheryl lalong nae-excite habang binabasa ang script ng Prima Donnas

MATABIL
ni John Fontanilla

SA pagbubukas ng ikalawang aklat ng hit afternoon serye na Prima Donnas, makakasama na si Sheryl Cruz. Kaya naman balik-teleserye na ang aktres na huling napanood sa Magkaagaw.

Ayon kay Sheryl, ”Excited ako kasi sa role na gagampanan ko rito dahil very challenging sa akin, although nagawa ko na noon ito sa movie na comedy siya at drama naman ngayon sa serye.

“Nasa akin na ‘yung script at habang binabasa ko siya mas lalo akong nae-excite dahil sobrang ganda talaga ng role na gagampanan ko. Kaya naman very thankful ako sa GMA 7 for giving me good projects.”

Bukod kay Sheryl, makakasama rin sa Book 2 ng Primadonnas sina Allen Ansay at Bruce Roeland at aabangan naman dito ang pagbabalik ng character ni Sofia Pablo bilang si DonnaLyn.

About John Fontanilla

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *