Saturday , September 18 2021
Rhian Ramos Pancho Magno
Rhian Ramos Pancho Magno

Rhian at Pancho pinaghiwalay dahil sa gayuma

Rated R
ni Rommel Gonzales

ABANGAN sina Rhian Ramos at Pancho Magno sa fresh episode ng award-winning drama anthology na Magpakailanman sa Sabado, July 31, sa ang Biktima ng Gayuma.

Malapit sa isa’t isa ang magkapatid na sina Ella (Rhian) at German (Pancho). Masusubok ang kanilang relasyon nang makilala ni German ang textmate niyang si Jenny (Muriel Lomadilla) at ‘di kalaunan ay pakakasalan ito.

Hindi naman maintindihan ni Ella kung bakit mabilis na nahumaling ang kanyang kapatid kay Jenny pati na rin ang pagbabago ng kanyang ugali. Malalaman ni Ella na nagayuma pala ni Jenny si German.

Maibabalik pa kaya ni Ella sa katinuan ang kapatid niyang si German?

Tunghayan ang natatanging pagganap nina Rhian at Pancho sa #MPK: Biktima ng Gayuma  na idinirehe ni Don Michael Perez sa Sabado, 8:00 p.m., pagkatapos ng Catch Me Out Philippines sa GMA-7.

About hataw tabloid

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *