Saturday , September 18 2021
Bea Alonzo Dominic Roque
Bea Alonzo Dominic Roque

Bea handa sa magiging epekto ng relasyon kay Dominic Roque

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALA na talagang urungan iyan. Hindi na maikakaila ang relasyon ngayon nina Bea Alonzo at Dominic Roque, lalo’t sila na ang naghahayag sa kanilang social media accounts na ang tawagan na nila ay “hon.” Eh ano pa nga ba ang duda natin na sila ay magsyota talaga?

Pero sa mga bagay na iyan, sinasabing “may mga taong may kinalaman sa kanilang career, na nakataas ang kilay sa kanilang relasyon.” Iyong isa pa nga raw, nakataas ang kilay hanggang sa seventh floor.

Kahit na ano ang sabihin ninyo, magkakaroon iyan ng epekto sa kanilang career at mas matindi ang magiging epekto niyan kay Bea, kasi siya ang mas sikat. Pero mukha namang nakahanda na silang harapin kung ano man ang magiging epekto ng kanilang relasyon sa kanilang career.

About Ed de Leon

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *