Wednesday , September 24 2025
Bianca Umali
Bianca Umali

Bianca palaban na

Rated R
ni Rommel Gonzales

KAKAIBA at mas palabang Bianca Umali ang mapapanood sa much-awaited family drama series ng GMA Network na Legal Wives.

Bibigyang-buhay ni Bianca sa serye ang karakter ni Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael—ang role ni Dennis Trillo.

Pagkukuwento ni Bianca, nakare-relate siya sa ipinakitang katatagan ng kanyang karakter sa kabila ng karahasan na pinagdaanan nito. ”Nakaka-relate ako sa strength niya—sa strength niya to face the challenges na ibinigay sa kanya. Kasi kahit na wala siyang alam, kahit na hindi niya ini-expect ‘yung mga mangyayari sa kanya, hinarap niya pa rin ‘yun ng buong puso at hindi siya nawala sa sarili niya.”

Isang simpleng college student si Farrah na nag-aaral sa Maynila na magiging biktima ng karahasan ng isa sa kanyang mga kaklase. Ito ang magtutulak sa kanyang amang si Abdul Malik (Bernand Palanca) na ipakasal siya sa matalik na kaibigang si Ismael.

Bukod kay Bianca, gaganap din na mga asawa ni Dennis sa serye sina Alice Dixson at Andrea Torres.

Mapapanood na ang natatanging kuwento ng Legal Wives sa world premiere nito ngayong July 26 sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Yuki Sonoda Len Carrillo

Yuki Sonoda, thankful sa Viva at sa manager na si Len Carrillo dahil sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMING projects ngayon si Yuki Sonoda, kaya naman sobra siyang nagpapasalamat …

Arjo Atayde

 Arjo tuloy-tuloy sa pagtulong sa gitna ng kontrobersiya

MATABILni John Fontanilla TULOY- TULOY pa rin ang ginagawang pagtulong ni Quezon City Rep. Arjo Atayde sa gitna …

Roderick Paulate Dolphy Comedy Icon Award

Kuya Dick pinarangalan Dolphy Comedy Icon Award: Hindi iyon matutumbasan

NAGING successful ang katatapos na 3rd Gawad Dangal Filipino Awads na ginanap noong Friday, September 19.  Dumalo …

Sharon Cuneta

Sharon may pasaring ukol sa loyalty: Showbiz has changed so much

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST sa kanyang social media account si Sharon Cuneta tungkol sa loyalty.  …

Bong Revilla Jr Brice Hernandez

Bong idinawit ni Brice

I-FLEXni Jun Nardo NABANGGIT sa Senate hearing ng Blue Ribbon Committee ang name ni Senator Bong …