Saturday , September 18 2021

Top most wanted ng Kalinga tiklo (Sa manhunt operation ng PRO3 sa Nueva Ecija)

ARESTADO ang isang magsasakang kabilang sa listahan ng Rizal top most wanted na pugante, sa lalawigan ng Kalinga sa kasong frustrated murder sa isinagawang manhunt operation nitong Martes, 20 Hulyo, ng mga awtoridad ng PRO3 PNP sa bayan ng Gen. Tinio, lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ni P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, batay sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PPO, na si Joey Dao-as, 40 anyos, binata, magsasaka, kasalukuyang nakatira sa Brgy. Palale, sa nabanggit na bayan.

Dinakma ng mga operatiba ng Nueva Ecija PPO at Rizal Municipal Police Station, Kalinga Police Provincial Office ang suspek sa bisa ng alias warrant of arrest sa kasong frustrated murder na nilagdaan ni Presiding Judge Marcelino Wakas, ng Tabuk City RTC Branch 25, may inirekomendang piyansang P200,000 para sa pansamantalang paglaya. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

‘Taya’ ni Yang sa Pharmally ‘pitik’ sa P42-B pandemic funds ng DOH

AALAMIN ng mga senador kung ang P7-B ipinautang umano ni dating presidential economic adviser Michael …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *