Saturday , September 18 2021
Pauline Mendoza John Lloyd Cruz
Pauline Mendoza John Lloyd Cruz

Pauline Mendoza, type makatrabaho si John Lloyd Cruz

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGING super-busy ang Kapuso actress na si Pauline Mendoza ng ilang linggo sa pag-aasikaso sa kanyang binuksang Beautederm store sa Alaminos, Pangasinan.
Nakahuntahan namin si Pau kahapon at nabanggit niyang ngayon ay nasa Manila na siya ulit at may mga tao naman siya para mag-asikaso ng kanyang store.
After ng seryeng pinagbidahan sa GMA-7 titled Babawiin Ko Ang Lahat, naghihintay pa si Pau (nickname ni Pauline) ng next project niya sa Kapuso Network.

Mayroon ba siyang dream role? Ano ang project na gusto niyang gawin?

Lahad ni Pau, “Dream role?  I think for now, gusto ko pong gumawa ng RomCom… iyong medyo light naman and magkaroon sana ng travel show na puwede pong ako yung host, hehehe. Since I love to travel.”

Nabanggit ni Pau ang wish niya pang makatrabahong stars.

Aniya, “Ang next project na gusto ko po, siguro gusto ko po muna bukod sa mag-RomCom ay magka-movie po.”

“Nabalitaan ko po na si John Lloyd ay nasa GMA po, so sana if mabigyan ng chance ay gusto ko po siyang makatrabaho,” nakangiting saad pa ni Pauline.

Bakit si Lloydie ang gusto niyang makatrabaho?“I know John Lloyd is a great actor and gusto kong ma-experience working with him,” matipid na sagot pa ni Pau.

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *