Thursday , October 9 2025

Globe nakakuha ng 1,451 permits sa unang anim na buwan ng 2021

NABIGYAN ang Globe ng mga lokal na pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas ng 1,451 permits sa unang anim na buwan ng 2021.

Sa tulong ng Bayanihan 2, napabilis nito ang proseso sa pagbibigay ng permits para makapagpatayo ng kailangang cell sites para mas gumanda at tumatag ang serbisyo ng telekomunikasyon lalo sa mga lugar na kulang ang serbisyo.

“Dati napakalaking hamon ang pagkuha ng mga permit pero ngayon, mas maraming lokal na pamahalaan ang nakaunawa na mas mapabubuti ang serbisyo sa kanilang mga nasasakupan kung mayroong connectivity. 

Sa panawagan ng pamahalaan na higit na pagaanin ang proseso sa pagkuha ng permit, nakakuha kami ng mas maraming permit ngayon kompara noong mga nakaraang taon,” ayon kay Joel Agustin, Globe SVP for Program Delivery,  Network Technical Group.

“Ang mga permit na ito ay magpapahintulot sa amin na makapagbigay ng mas mahusay at mas malawak na serbisyo sa mas maraming mga customer na umaasa sa reliable na koneksiyon para matugunan ang kanilang mga pang-araw-araw na gawain at pangangailangan,” dagdag niya.

Nakakuha ng pinakamaraming permit ang Globe sa Hilagang Luzon na may kabuuang 395, habang 314 a Visayas, at 312 sa Metro Manila kasama ang Rizal.

Ang Metro Manila, Cebu, Nueva Ecija, Pangasinan, at Bulacan ang nangungunang limang lalawigan na may pinakamaraming permit na naibigay sa kompanya habang 14 iba pa ang nagbigay ng hindi bababa sa 20 permits.

Pagdating sa mga lungsod o bayan, ang Makati City ay nagpalabas ng pinakamaraming permit na umabot sa 67, ang Davao City ay may 55 at ang Quezon  City ay 53.  May 22 iba pang mga lungsod at munisipalidad ang naglabas ng hindi bababa sa 10 permits.

“Ang mga permit ay magbibigay-daan para mapanatili namin ang momentum sa paglalagay ng maraming cell towers sa mga pangunahing lokasyon. Ito ay makatutulong para mabawasan ang load ng aming network at mapabuti ang mga ibinibigay naming serbisyo sa mga customer gaya ng calls, SMS at data,” sabi ni Agustin.

Ang walang tigil na pagsisikap ng Globe na mapagbuti ang estado ng pagkakakonekta ng bansa ay nagresulta sa pagiging pinaka-consistent na mobile network nito sa dalawang magkasunod na quarters ng 2021, na pinatunayan ng Ookla®.

Nanatiling nangunguna ang telco sa mobile consistency sa buong bansa kompara sa kompetisyon. Ang Consistency Score ng Globe sa Q1 2021 ay 70.43 at sa Q2 2021 ay 75.98[1].

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 9 na nagha-highlight sa mga papel na ginagampanan ng impraestruktura at pagbabago bilang mga kritikal na tagapagsulong ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya.

Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng UN Global Compact at mag-ambag sa 10 UN SDGs.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC Elite Link

PSC at Elite Link, inilunsad ang Digital Platform para Suportahan ang mga Atletang Pilipino, Simula sa Batang Pinoy

INILUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Elite Link, Inc., ang Elite Link—isang makabagong …

Tilly Birds Ben and Ben Heaven

Tilly Birds ng Thailand at Ben&Ben ng ‘Pinas sanib-puwersa sa Heaven

Thailand’s leading alternative pop-rock band Tilly Birds continue their journey into English-language music with their brand-new single Heaven, …

DigiPlus

Mas Matibay na Player Protection Dama sa BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone
Surety Bond ng DigiPlus at PhilFirst, Inilunsad

Para sa proteksyon at kapanatagan ng loob ng mga manlalaro, inilunsad ng DigiPlus Interactive Corp., …

GTCC GameZone Tablegame Champions Cup FEAT

GameZone set to create another splash with GTCC: September Arena

The official logo of the GameZone Tablegame Champions Cup With the success of the Summer …

Globe One Beetzee Play

Turn waiting time into quick escapes with Globe and Beetzee’s binge-worthy Piso serye

Turn life’s little pauses into moments of kilig-filled escapes, action-packed breathers, or touching stories as …