Saturday , July 31 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nico Antonio bidang-bida sa From Russia With Love ng Magpakailanman
Nico Antonio bidang-bida sa From Russia With Love ng Magpakailanman

Nico Antonio bidang-bida sa From Russia With Love ng Magpakailanman

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Nico Antonio Max Collins
Nico Antonio Max Collins

FIRST time naluha si Nico Antonio pagkabasa ng script at nangyari ito sa Magpakailanman. Ito ang istoryang From Russia With Love.

Magkahalong tuwa at luha nga ang naramdaman ni Nico dahil siya ang magbibida sa naturang episode na ang kuwento ay ukol isang simpleng Pinoy na napaibig ang isang Russian model.

Ani Nico matapos mabasa ang script, “First time ever na nangyari sa akin ‘yung ganito. Kaya I am very grateful sa GMA for this opportunity.”

Si Nicoang magbibidasa fresh episode ng GMA weekly drama anthology na Magpakailanman sa Sabado, July 24, 8:00 p.m., ang From Russia With Love.The Eric Baylosis/Anna Rabtsun Baylosis Story.

Ang appearance ni Nico sa #MPK ay unang pagkakataon niyang makita sa screen mula sa simula ng kuwento hanggang sa matapos ito. 

“Mahirap pala. Not just physically but also mentally and psychologically. Matindi ang pressure and kailangan always on your toes. No room for mistakes,” sambit ni Niko.

Lalabas na asawa ni Nico sa kuwento si Max Collins habang si Don Michael Perez ang director ng episode.

Sa ngayon, nasa lock-in taping ng isang buwan si Nico para sa isang bagong series na hindi pa niya puwedeng sabihin ang title.

Freelance artist ngayon si Nico sa ilalim ng management nina Becky at Katrina Aguila pero labis ang kanyang pasasalamat sa Star Magic at ABS-CBN na naghinang sa kanyang talent bilang aktor.

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top