Saturday , July 31 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Goma naghahanda na sa pagtakbong senador ni Lucy
Goma naghahanda na sa pagtakbong senador ni Lucy

Goma naghahanda na sa pagtakbong senador ni Lucy

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG magiging busy na si Mayor Richard Gomez at kahit na naka-quarantine pa siya ay nagbubuo na siya ng mga plano, kasi ngayon ay may announcement na ngang ginawa na tatakbo bilang senador ang misis niyang si Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Hindi iyan gaya ng dati na ang kampanya nilang dalawa ay magkasabay lang dahil pareho silang sa Ormoc tumatakbo. Kahit na sinasabing ok naman si Mayor Goma sa Ormoc dahil tiyak mananalo siyang mayor ulit, kailangang isipin din niya ang mga makakasama niya sa konseho. Kailangan makuha ng kanyang partido ang mayorya. Pero kung mananalo ngang senador si Lucy at mayor pa rin si Goma, aba suwerte ng mga taga-Ormoc dahil tiyak na lalong bibilis ang development sa kanilang lunsod. Pero ang ibig sabihin din niyon magkakampanya si Mayor Goma sa buong bansa para sa misis niya. Magiging malaking boost din iyon kung makikitang kasama siya ni  Lucy.

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top