Saturday , July 31 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / 1,200 Kapampangang kalipikado sa programang tupad makikinabang sa ‘upland vegetable farming’(Inilunsad ng DOLE sa Pampanga)
1,200 Kapampangang kalipikado sa programang tupad makikinabang sa ‘upland vegetable farming’(Inilunsad ng DOLE sa Pampanga)

1,200 Kapampangang kalipikado sa programang tupad makikinabang sa ‘upland vegetable farming’(Inilunsad ng DOLE sa Pampanga)

MAHIGIT 1,200 Kapampangang benepisaryo ng programang Tupad o mga nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya ang natulungan sa inilunsad na Upland Vegetable Farming ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Pampanga sa upland areas ng mga bayan ng Floridablanca, Porac, at Mabalacat.

Pinangunahan nina DOLE Secretary Silvestre Bello III, Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, at Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo ang pagtatanim ng mga gulay tulad ng kamatis, kalabasa at talong kasama ang mga katutubong Aeta sa Floridablanca.

Nakipatanim rin sina Board Members Fritzie Dizon at Cherry Manalo, PDRRMO Chief Angelina Blanco, PESO head Luningning Vergara, PSDWO Elizabeth Baybayan, PG-ENRO at iba pang mga opisyal ng DOLE, PENRO at PNP.  (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top