Saturday , July 31 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Tao muna bago sarili (Sa mga politikong nag-iikot na)

Tao muna bago sarili (Sa mga politikong nag-iikot na)

KINATIGAN ng isang grupo ng mga nurse sa bansa ang naging patutsada ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa ilang politiko na nag-iikot na bilang paghahanda sa May 2022 elections gayong may malaki pang problema sa CoVid-19 pandemic at malayo pa ang eleksiyon.

Ayon sa Ang Nars Partylist group, dapat unahin ng mga politiko ang nangyayari ngayon lalo at matagal pa naman ang eleksiyon.

“Kalusugan ng tao muna bago ang eleksiyon. Concentrate muna sa lahat ng paraan para maayos ang CoVid-19 response. Dapat tao muna bago ang sarili,” pahayag ni dating Ang Nars Partylist Rep Leah Paquiz.

Si Moreno ay unang nagpatutsada sa mga politiko na abala sa pag iikot, aniya, obligasyon ng mga Mayor na manatili sa kanilang mga siyudad, kailangang kailangan umano ng taongbayan ang mga mayor nila na dapat nasa lungsod at hindi nag-iikot-ikot sa kung kani-kaninong politiko o partido.

Bagamat hindi partikular na tinukoy ni Moreno si Mayor Sara ngunit malinaw na pasaring ito sa alkalde na kamakailan lamang ay bumisita kay Cebu Governor Gwen Garcia, na sinundan ng pakikipagpulong kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang bahagi umano ng “continuing consultations” kasama dito si Davao Occidental Governor Claude Bautista ng Hugpong ng Pagbabago, ang regional party na binuo ni Mayor Sara.

Kamakalawa ay bumisita si Mayor Sara sa Zamboanga City para kumustahin ang mga sugatang sundalo mula sa bumagsak na C-130 at pumirma ng sisterhood agreement ng Davao at Zamboanga City kasama si Zamboaga Mayor Maria Isabelle Climaco.

Sa pinakahuling OCTA Research List, may petsang 12 Hulyo, nangunguna pa rin ang Davao City sa mga local government units (LGUs) sa labas ng National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na CoVid-19 cases at lumitaw na 235 kada araw ang naitatalang kaso sa Davao habang umabot na sa 91% ang hospital intensive care unit utilization rate.

Kompara sa Davao ay pababa na ang kaso sa ilang lalawigan base sa talaan ng Department of Health (DOH) at OCTA Research, nasa 110 ang kaso sa Iloilo, Bacolod (84), Cebu City (81), Cagayan de Oro (68), General Santos (67), Baguio City (58) Tagum (44), Lapu Lapu (39) at NCR (639).

Simula buwan ng Mayo lomobo ang CoVid-19 cases sa Davao at noong 17 Hunyo naitala ang pinakamalaking CoVid infection na nasa 482 kaso sa loob ng isang araw, naungusan pa ang Quezon City na mas malaki ang populasyon. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top