Saturday , July 31 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Anak ng Pandi VM timbog sa drug bust
Anak ng Pandi VM timbog sa drug bust

Anak ng Pandi VM timbog sa drug bust

ARESTADO ang anak ng bise alkalde ng isang bayan sa lalawigan ng Bulacan sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad nitong Lunes, 19 Hulyo.

Kinilala ang suspek na si Bryan Sebastian, anak ni Vice Mayor Lui Sebastian ng bayan ng Pandi, sa nabanggit na lalawigan.

Nasakote ang nakababatang Sebastian sa buy bust operation na inilatag ng pulisya sa bayan ng Plaridel.

Itinuturong supplier ng shabu ang suspek ng mga naunang nahuling tulak sa sunod-sunod na operasyon ng pulisya laban sa droga sa lalawigan.

Sa pag-aresto kay Sebastian, nasamsam sa kanya ang limang pakete ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy bust operation. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top