Saturday , July 31 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lovi mag-isip-isip muna bago lumipat ng ibang network

Lovi mag-isip-isip muna bago lumipat ng ibang network

NAGUGULUHAN ang fans ni Lovi Poe kung totoong may balak mag- over the bakod ang kanilang idolo na kararating lang galing America. Nagtataka raw sila kung bakit lilipat sa Kapamilya Network ang aktres gayung nasa  matatag na network, ang GMA.

Bakit ng aba lillipat si Lovi gayung wala ng katiyakan kung magbubukas pa ang ABS-CBN dahil hangga’t naka-upo si Pangulong Rodrigo Duterte parang imposible silang mabigyan prangkisa.

Hindi na nga masyadong naririnig or bibihira na ang makapanood ngayon ng mga teleserye mula Kapamilya. Mabuti na lang may  pelikula si Lovi na palabas na, ang The Other Wife kasama sina Joem Bascon at Rhen Escano na idinirehe ni Prime Cruz.

Dapat sigurong mag-isip-isip muna si Lovi.

– Vir Gonzales

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top